CHAPTER 6

134 30 20
                                        

JESS

Titig na titig parin ako sa hawak kong resibo habang nakahiga sa malambot na kama.

Nagkakahalaga ito ng 1,245 pesos, which is si Grey ang nagbayad!

Hindi ko naman akalain na seryoso siya kanina.

**flashback**

Pagkasabi ni Grey na ililibre niya ako naisip kong lakihan ang halaga na kukunin ko para mainis siya o sabihin na nating para makaganti.

Kaya walang pag-aalinlangan kong tinungo kung nasaan ang mga libro. Hindi na ako nag-abala pang basahin ang title at kung sino ang author, ang tanging tinitingnan ko ay ang presyo ng libro. Pitong makakapal na libro ang napili ko.

Ibinigay ko iyon kay Grey at tumungo naman siya sa counter para bayaran ang lahat.

Nakaramdam ako ng kaunting inis dahil parang hindi man lang siya natakot kung magkano ang magiging halaga ng mga librong kinuha ko.

Nang matapos niyang bayaran ang pinamili namin, nakita kong inilibot niya ang paningin na siguradong hinahanap ako.

Nagpaikot-ikot kasi ako dahil medyo natagalan siya. Kumaway nalang ako na agad naman niyang napansin.

Pagkalapit niya sa'kin, ang buong akala ko ay iaabot na niya sa'kin ang mga librong pinili ko, but he didn't, bagkus tinanong niya ako kung nagugutom na ako.

"No, sa bahay nalang ako kakain." Nakatingin ako sa mga bitbit niya.

"Okay... Let's go?" pagyaya niya.

Nagpatangu-tango nalang ako bilang pagsang-ayon.

Gusto ko sanang kunin ang mga librong nakalagay sa malaking plastic bag para hindi na siya gaanong mahirapan, kaso baka mamaya wala naman talaga siyang balak na ilibre sa'kin 'yun. Kaya hinayaan ko nalang siya.

Nauna pa siyang pumunta sa kotse niya para pagbuksan ako kahit pa hirap na hirap siya sa mga dala.

Nagpasalamat naman ako bago pumasok.

Buong biyahe akong 'di makatingin sakanya. Nahihiya ako at nagi-guilty narin. Hindi ko naman akalain na ganoon siya kabait o nagbabait-baitan lang? Ewan ko basta nagi-guilty ako.

Nagpumilit pa siyang ihatid na ako sa bahay. Madaraanan naman daw niya ang Arpettas Village dahil sa Cypress Village siya nakatira.

Hindi na ako umangal pa. Pagod narin ako at ayoko nang maka-encounter pa ng mga bwesit na pasahero sa jeep.

Pagkahinto ng sasakyan sa harap ng bahay, agad kong binuksan ang pinto para hindi na siya mag-abala pang lumabas para pagbuksan ako.

I thanked him before I got out.

Patakbo kong tinungo ang gate namin.

"Your books!" Sigaw ni Grey dahil papasok na ako sa gate.

Lumabas siya sa sasakyan at lumapit sa'kin, bitbit ang malaking plastic bag na inaalalayan niya sa puwetan.

Siguradong mabigat iyon.

Kita ko kung paano gumagalaw ang maskuladong braso ni Grey dahil sa bigat ng mga libro.

I bit the inside of my bottom lip.

Siguro ganoon din katipuno yung hita niyang napisil ko.

Natutop ko ang sarili sa isip.

Kinuha ko ang mga libro at nagpasalamat.

"Thank you Grey." I murmured. Nahihiya parin ako

"You're welcome," malambing niyang sabi sabay ngumiti ng nakakaloko saka kumindat na ikinagulat ko.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now