JESS
Grey and Peter seemed having a good time with the other youths. Their table was the most chaotic.
Humihithit ng sigarilyo si Peter habang magka-akbay ang dalawa. I was praying so hard na sana sigarilyo lang talaga iyon.
Binalot ng malagim na sensasyon ang sistema ko. Kung anu-anong ideya at katanungan ang nag-unahan sa utak ko. Nagpapaligsahan ang mga takbo ng salita sa isip na kahit hindi pa ako umiinom ng alak ay hilong-hilo na ako sa pagkalito.
Hindi ko makapa ang saya na nakita ko siya dahil aaminin kong nangulila ako sa prensensya niya kahit mabibilang pa ang mga araw na hindi kami nagkikita.
Siguro dahil hindi sa ganitong lugar ko inaasahan na makatagpo siya, ang lugar na sanhi ng pag-aaway namin.
“Here,” inabot ni Jaysiree ang baso na may itim na likido.
Tinanggap ko iyon at halos masuka ako ng isahan kong nilagok ang alak. Dumaloy ang init sa katawan ko.
“Fuck that was the hardest drink here… hindi iyon juice!” Halos mapatanga ang babae sa ginawa ko.
Nagkibit balikat nalang ako dahil hindi ko narin naman mailuluwa pa iyon at gusto ko narin magpakalunod ngayong gabi.
“Parang mas mabigat ang dala mo kaysa sa akin ah…” Makahulugang sambit ni Jaysiree at pagkatapos ay ininom na ang alak na itim.
Sunod-sunod ang pag-inom namin ng babae na para bang wala ng bukas. Nilulunod ang mga sarili na umaasang ang mga pasan-pasan na dagok ay kasama nang mailagok sa bawat lunok ng alak. Kung sana lang ay ganoon nga lang kadali.
“Jess,” halos sumigaw na si Jaysiree sa tainga ko para matapatan niya ang ingay sa club at para marinig ko rin.
Nilingon ko siya at doon ko nakumpirma ang hinala ko kanina. Mababanaag ang labis na kalumbayan sa mukha ng dalaga. Walang salita ang makatutumbas kung anong kalabisan ng emosyong ipinapakita niya sa akin. Parang sobrang bigat ng dala niya.
Pinilit kong hindi niya mapansin ang awa sa mukha ko dahil alam kong ayaw niya na kinaaawaan siya. Datapwat tila hindi ko makayanan na tignan siya ng may simpatya kaya hinagkan ko nalang siya para hindi niya masalamin ang mga mata kong hindi kayang magsinungaling.
“I don’t know what are we, I can't just say that this is ‘friendship’ kasi hindi naman ako marunong makipag-kaibigan,” bulong niya sa akin sa mataas na boses para marinig ko, “but I'm comfortable with you somehow… kaya… thank you,” rinig ko ang pagiging emosyonal niya.
“I may not know you so well but I know you're kind,” hinaplos ko ang likod niya habang nakayakap parin. “We’re friends from now on.”
Tumaas-baba ang balikat niya saka ko naramdaman ang mga nanginginig niyang kamay sa likod ko. Hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang mahihina niyang pagtangis.
Pagkatapos niyon ay nagpatuloy kami sa pag-inom. Parang robot lang si Jaysiree na activated na ulit ang maarte at kalog na side niya.
Hindi na ako umaasa na ibabahagi niya ang mga pinagdadaanan niya sa buhay dahil parang malabo iyon. Kapag kaya niya, papasanin niya. Hanggat kaya titiisin niya. Kapag masakit na, iiyak nalang hanggang sa maging manhid.
Ganoon naman talaga minsan, diba? Mas pipiliin nating sarilihin nalang ang lahat kaysa ibahagi sa iba na mayroon din namang binubuhat na iba.
Sapat na sa akin na hinayaan niya akong samahan ko siya. Sabi nga ni Jaime, kailangan lang ng kapatid niya ng kasama paminsan-minsan. Pansamantalang sandalan sa nakakapagod na tambayan ng buhay.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
