How could I say no to him? Lalo na kapag ganito siya otherwise he saved me and ayoko narin makita ang pagmumukha ng putanginang bwesit na lalaking 'yun.

"Fine," kunwari inis ako pero yung totoo nagwawala na ang kalooban ko. Agad akong tumalikod sakanya ng maramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi.

Then I suddenly remembered ang paghawak niya sa kamay ko kanina. Holy shit! This can't be happening!

Namumula na 'ata ako ng husto.

Tumabi siya sa'kin at sabay namin na tinalunton ang daan palabas ng campus.


"Anak! bilisan mo diyan at kakain na!"  Hindi ko na muna pinansin ang pagsigaw ni mommy, dahil sa pagkatorete sa paghahanap ng phone ko.

Hinalugad ko na ang bag ko. Halos itaktak ko na iyon pero wala talaga. Hinanap ko narin sa mga drawers ko. Konti nalang masusuyod ko na ang buong kwarto ko sa paghahanap.

"Tskk! asan kana ba," nanggagalaiti kong saad sa sarili. Dumapa ako para tignan sa ilalim ng kama. Puro alikabok lang ang nakita ko.

"Jess Mark!" Dumadagundong na sigaw ni Mommy.

Holy shit! Galit na galit na siya dahil tinawag na niya ako sa buong pangalan. I'm so sure of it.

Dali-dali kong inayos ang sarili. Tumingin pa muna ako sa salamin para tignan ang sariling repleksyon bago bumaba at pumunta sa kusina.

"Ano bang ginagawa mo?" Nakapamewang pa siya sa harap ng lamesa. Kulang nalang umusok ang kaniyang ilong.

"May hinahanap lang 'mmy," hingal na hingal kong sabi dahil sa pagod, dumagdag pa ang tensyon na namamagitan samin ni Mommy.

"Maghugas ka muna ng kamay at kumain na," kalmado na niyang sabi. Umupo na siya.

Maingat akong naglakad papunta sa lababo. I washed my hands pagkatapos umupo narin ako kaharap siya.

Nagsasandok na ako ng kanin ng tumunog ang doorbell. Nagkatinginan kami ni Mommy.

I'm about to stand up ng maunahan niya ako.

"Ako na, baka ang Tita Christy mo," sabi niya saka patakbong tinungo ang maindoor.

Ipinagpatuloy ko ang pagsasandok ng kanin. Kumuha narin ako ng adobong manok na talagang nagpapakalam ng sikmura ko. Ipinagsawalang bahala ko ang broccoli. Wala ako sa mood kumain ng pagkain ng kabayo.

"Bukas 'yang gate, tuloy ka." Narinig kong bumukas ang gate.

Sumubo na ako para matapos ko agad ang pagkain ng masimulan muli ang paghahanap sa phone ko.

"Alas syete na ng gabi ah... Bakit?" Parang may pinagagalitan ang aking ina.

Kailan ka pa naging masungit sa bisita?

"Good evening po... ibibigay ko lang po yung cell phone ni Jess. Naiwan niya po sa kotse ko."

Nabilaukan ako ng marinig ang magalang na boses ni Grey. Agad kong kinuha ang tubig at uminom.

Napatingala ako at inaalala ang pangyayari kanina. Inilapag ko nga pala 'yun sa upuan ng kotse niya dahil sa pagmamadali kong bumaba para hindi kami maabutan ni Mommy. Nakaligtaan ko yung phone ko. Holy shit!

"Halika pasok ka," masayang pag-anyaya ni Mommy sa bisita.

Napapikit ako at humigpit ang hawak sa kubyertos.

Bakit biglang nagbago ang timpla ni Mommy? Kanina pinagagalitan niya, halos gusto na niyang pauuwiin ang bisita, tapos ngayon inaalok niyang pumasok sa bahay.

The Parallel Red StringsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin