"Thank you," malawak na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Ken.

"Sorry din," pagpapaumanhin ni Peter.

"Okay na, everyone is forgiven. Hindi ako plastik kaya no worries."

Ganoon kadali ang magpatawad. It needs to be pure. For the sake of my sanity I could do it so fast.

Fuck is this a talent? I am talented then.

Nakangiti narin ang dalawa kong sisteret. Tinaasan ko ng kilay si Halie at binigyan ng you-know-what-I-mean-look.

Umirap si Halie bilang pagtanggi sa hinihiling kong gawin niya.

Subalit bigla nalang siyang tumayo at hinarap ang nakahikaw. Nagtitigan sila. Napaka-unpredictable talaga ng babaeng 'to.

"Ken I'm sorry," mabilis niyang sabi saka yumuko ng bahagya. Napangiti naman si Ken.

"You don't have to," sobrang lambing na pagkakasabi ni Ken. "May gagawin ka ba this afternoon?" Walang pakundangang tanong niya sa kaibigan ko na halatang nabigla.

"Huh? b-bakit?" Nahihiyang tanong ni Halie.

Tumayo si Yhana na may masiglang ngiti. "Walang gagawin yan mamaya. Sige magligawan kayo," mala presidente niyang sabi sa dalawa.

"How about you Yhana? may gagawin ka ba mamaya?" Masuyong pagtatanong naman ni Peter.

Nangalumbaba nalang ako sa ka-corny-hang nakikita at sa ka-cheapan. Ang babaduy promise.

"Huh eh–·"

Hindi ko na hinayaang tumanggi pa siya. Umayos ako ng upo.

"Well, gentlemen," binalingan ko ang dalawang lalaki. "Parehas silang walang pagkakaabalahan mamaya, at parehas din 'yang single kaya kung manliligaw kayo parehas silang puwede."

Hindi nakaimik ang apat sa sinabi ko.

"Pero," panimula ko ulit. "Para malinawan kayo, mga sadista ang mga yan."

Then laughter.



"Class, take a view to your notes tonight, we will have a long quiz tomorrow," paalala ni Mrs. Grace AKA
taong robot.

Students often call her robot when she's not around. She has a robotic voice that a lot of students having fun with. I am not one of them. I found it cool instead.

Nagsimula nang magsitayuan ang mga kaklase ko. Nangunguna na ang dalawang mag-kaibigan na mukhang excited sa pupuntahan kasama ang mga kaibigan ko.

Ipinagkibit balikat ko nalang iyon at kinuha ko ang bag. Nilagpasan ko na ang aking katabi na kanina pa tahimik. 'Ni hangin na lumalabas sa kaniyang ilong o bibig hindi ko narinig.

Ay oo nga pala, I already accepted his apology. We're all settled down. Wala nang laro. Tapos na ang pagpapanggap.

Nakalabas na ako ng pinto ng may tumawag sa'king pangalan. Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses niya.

Muli kong hinarap ang silid na aking nilabasan. I saw him. Isinukbit na niya ang kanyang bag at nilapitan ako.

"H-hatid na kita."

I crossed my arm across my chest and threw him a cynical look. "And why would you do that?" mataray kong tanong sakanyang alok.

Nakikipag lokohan na naman ba siya? Well he can't fool me again. Never.

Napakagat labi siya at tinapunan ako ng nakakatunaw na tingin.

"Because, I want to," seryoso ang mukha niya. "Gusto mo bang ma-encounter ulit yung lalaki kanina, kapag tumanggi ka pa?" Nagbibiro niyang pananakot sa'kin.

The Parallel Red StringsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora