Kahit nakatalikod sa'kin ang taong nanggaling sa kotse, kilala ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Huwag kang mangi-alam dito!" Pagbabanta ng binata.
Imbes na magsalita, suntok ang isinagot ni Grey. Hindi umurong ang musmos na holdaper. Gumanti siya pero hindi ko nakita kung natamaan si Grey dahil pumikit ako.
Bahala sila magsuntukan diyan. Wala naman akong maitutulong pagdating sa mga ganyan.
I don't know what to do to myself right now. Tumitibok ang kaliwa kong braso sa sakit, sumabay pa ang puwet kong sumasakit dahil sa pagbagsak ko.
Malakas na pito ang nagpadilat sa mga mata ko. Umaalingawngaw ang tunog na talagang masakit na pandinig. Nakita ko ang tumatakbong traffic enforcer para awatin ang dalawa.
"Hoy! Itigil niyo 'yan!" Bulyaw ng traffic enforcer habang patuloy sa pagtakbo.
Nang malapit na ang nagtatrapiko biglang tumakbo ang binata na agad rin namang hinabol ng nagtatrapiko at ng iba pang tao.
Tumayo ako para tignan sana kung saa'ng direksyon pumunta ang binata pero agad nabaling ang atensyon ko sa lalaking matikas na naglalakad.
Humampas ang hangin kaya bahagyang tinangay ang buhok niya at nagulo.
Hindi nakabawas sa kaniyang kagwapuhan ang mga pasang tinamo sa pakiki-pagbugbugan. Mukhang hindi siya nasaktan dahil matuwid na naglalakad patungo sa'king kinaroroonan.
He looks so strong. Vital.
I looked up and met his worried eyes. "Are you alright?" he asked, even if I should be the one doing it. "Nasaktan ka ba?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"I'm fine," ngumiti ako at lumapit sakanya. "Ikaw nga itong dumudugo ang ilong."
Agad kong kinuha ang puting panyo sa'king bulsa. Kumirot ang kaliwa kong braso pero hindi ko iyon ininda.
Ibinaba ko ang aking bag sa gilid ng kalsada para mas magkalapit kami ni Grey.
Walang pag-aalangan kong ipinatong ang panyo sa matangos niyang ilong. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko dahil bahagyang umurong ang ulo niya.
"I- I'm sorry," he said. Almost whispering, his voice were so apologetic.
Oo nga pala!
Nakalimutan ko na may atraso pala siya sa'kin. But now, all I wanted to do is to thank him for saving me to that bastard who ruined my day.
"Apology accepted."
Buong puso kong pagtanggap sa kaniyang paumanhin sabay ng paglimot sa mga pag-papanggap niyang ginawa.
This is one of my weaknesses. Mabilis akong magpatawad sa unang pagkakataon. Ngunit kapag nasundan pa, asahan mong kahit sa pagunaw ng mundo hindi ko kayang magpatawad muli.
I may be forgiven someone but in pure silence for the sake of my peace of mind. But now, I wanted to forgive Grey out loud.
"Thank you," tukoy ko sa pag-liligtas niya sa'kin. Patuloy kong pinupunasan ang sariwang dugo sa kaniyang ilong.
Maaring hindi naman talaga niya ginusto ang pagpapanggap na ginawa. Marahil dala ng kuryosidad ay pumayag siya sa pustahan. And masaya ako dahil may napatunayan ako sa sarili at maging sa ibang tao na hindi lahat ng baklang tulad ko, ay tanging katawan lang ang nais sa mga lalaki.
Pinakatitigan niya ako. Nakatutunaw. Dahan-dahang umaakyat ang kanang kamay niya sa hangin at inilapag niya iyon sa kamay kong nagpupunas sa kaniyang ilong.
My eyes widened. Inasahan kong muling mabubuhay ang nagwawala sa dibdib ko, pero hindi. Iba ang hatid ng haplos niya sa'king kamay. Tumigil ang pagpintig ng puso ko at parang tumigil din ang pag-ikot ng mundo. Tila kami nalang ang taong natitira habang nagsasaksakan ng tingin.
Bago iyon sa'king pakiramdam na ngayon ko lang naranasan. Parang tumigil ang pagtakbo ng orasan.
Orasan? Holy shit!
Sinenyasan ko siya na hawakan na niya ang panyo. Agad niyang nakuha ang mensahe ko.
Humiwalay ako sakanya saka ko tiningnan ang wrist watch. Napakagat labi ako. 7:04 am, six minutes bago magsimula ang klase.
"We're gonna be late!" I exclaimed to him. Hindi ko mapigilang mapapadyak.
Binulsa niya ang panyo kong nakulayan ng dugo. Inayos niya ang kuwelyo ng uniprome at hinawi rin niya ang kaniyang buhok.
Nilagpasan niya ako at walang paalam na kinuha ang bag ko sa gilid ng kalsada.
"Let's go," he then said, motioning his sexy lips towards the white car.
My forehead furrowed. What?
"Come on...," tamad niyang sabi. Walang ano-ano ay kinuha niya ang aking kanang kamay, hindi pa nakontento at ipinagsiklop niya pa iyon sa kaniyang kamay.
I could hear my heart beating quicker against my chest. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagprotesta. Hinayaan ko lang siya dahil parang 'yun din ang gusto ng sistema ko.
Kinagat ko ang aking labi para mapigilan ang pagkurba niyon.
Binuksan niya ang pinto ng passenger seat. "Get in."
Lutang akong pumasok sa sasakyan.
Feels like heaven on earth.
***
Follow/Vote
Thank you so much❤ don't hesitate to share your thoughts! It'll help.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 11
Start from the beginning
