"Bitch!" I shouted as I avoided my gaze on the book and stormed back in my bed.

Should burn that damn books soon...

Inip na inip na ako kakahintay ng jeep. Ngawit narin ang mga kamay kong babad sa pawis kaka-kaway. Halos lahat ng dumaraan na jeep ay puno na. Lahat ako'y nilalagpasan.

Minamalas nga naman.

I decided to attend school. Hindi ko hahayaan na bumagsak ako dahil sa pag-iinarte ko and isa pa, bakit ko naman isasakripisyo ang pag-aaral ko nang dahil lang sa walang kwentang bagay. 'Diba?

Luminga-linga ako sa paligid at bumagsak ang mga balikat ko ng makitang wala 'ring tricycle ang napapadaan. I should've been earlier.

Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili para sa mahabang paglalakad.

Nakakailang hakbang pa lamang ako ng may namataan akong binata na pasulyap-sulyap sa'king kinaroroonan at parang inaabangan ako.

Sa palagay ko kaedaran ko lang ang binata. Hindi naman siya mukhang taong grasa, malinis naman ang kaniyang kasuotan pero wala siyang sapin sa paa.

I placed my bag in front of me and I held the straps tightly.

"Diyos ko po, magpapahatid na nga lang talaga ako kay Mommy simula bukas," problemado kong bulong sa sarili.

Tuloy lang ako sa paglalakad at umaarteng hindi kinakabahan sa presensya ng binata.

Ilang distansya nalang ang pagitan namin. Tumawid ako para maiwasan siya ngunit laking gulat ko ng tumawid din ang binata. Parehas na kaming nasa kanang bahagi ng kalye. Walang dumaraang tao.

Holy shit! Tatakbo ba ako?

Ngumiti ang binata. Nananakot na ngiti. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa straps ng bag.

"Ibigay mo sa'kin ang bag mo!" Nagbabanta niyang utos.

Humakbang ako paatras. Hinanda ang sarili sa gagawing pagtakbo.

Tumalikod ako at tumakbo ng mabilis, ngunit masyadong mabigat ang bag ko kaya nahabol niya ako at hinuli ang braso ko.

Nanlambot ang tuhod ko sa takot.

"Ahhhh!" Napasigaw ako sa higpit ng hawak niya sa braso ko. "Bitawan mo ako!" Pag-mamakaawa ko.

My body starts to shake uncontrollably.

Ngumisi lang ang binata. May mga peklat at galos ang kaniyang mukha. Ramdam ko rin ang kagaspangan ng kaniyang mabigat na palad.

"Ibigay mo 'yang bag mo kung ayaw mong masaktan!"

Fuck! You were hurting me already!

Pilit niyang kinukuha ang bag sa'kin habang mas lalong humihigpit ang hawak ng isa niyang kamay sa braso ko. Parang pinipiga.

"Ano ba!" Nagpupumiglas ako at sumisipa pero walang naitulong 'yun. Masyadong malakas ang binata.

May biglang puting kotse ang huminto malapit sa'min. Nagkaroon ako ng lakas ng loob kaya buong lakas akong nagpupumiglas.

"IBIGAY MO NA 'YAN!" Pag-uulit niya marahil kinakabahan na siya dahil sa kotseng pumarada.

Patuloy ako sa pagpupumiglas hanggang sa nawalan ako ng balanse at natumba.

My ass were stinging as it slammed against the rough surface. "Fuck!"

Yumuko pa ang binata para kuhanin ang bag ko pero hindi niya iyon nakuha dahil sa suntok na dumapo sakanya.

Napaurong ang binata at kalaunan nag dilim ang kaniyang mukha.

Seryosong tinitingnan niya ang nanuntok. Ang mga mata niya ay nagsasabing handa siyang pumatay.

The Parallel Red StringsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora