CHAPTER 38

1.2K 105 5
                                    

Nagpasya ang buong team na dalawin si Sakuragi kasama ang KAINAN, SHOHOKU,RYONAN at SHOYO. Sumama din si kuya Takenori upang makita si Sakuragi! gusto namin ipaalam sa kanya na malapit na maglaro ang SHOHOKU laban sa TAKEZATO..

"Haruko halika na." sigaw ni kuya.

Pagbaba ko nagulat ako ng makita si kuya na ang daming bitbit na pagkain. Ang alam ko dadalaw lang kami dun tapos uuwi na.

"Kuya bakit ang dami mong dalang pagkain?" nagtataka kong tanong.

"Yung iba dyan galing kay Maki at Fujima gusto nya mag picnic dun kasama si Sakuragi. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ng mga yun." inis na sabi ni kuya.

"Ah ganun ba hehehe." ngiti kong sabi.

Nagpaalam na kami ni kuya kay Mama at Papa para puntahan si Sakuragi. Sana pumunta si Rukawa para lahat nandun pero malabo yun dahil hindi naman sila okay ni Sakuragi eh..

Pag dating namin halos lahat sila nandun pati si Rukawa. Natuwa tuloy ako dahil halata sa kanilang lahat ang pagka miss kay Sakuragi sabagay kahit ako namiss ko sya ganun din si kuya..

"Sakuragi ayos na ba yang likod mo?" tanong ni Maki.

"Ayos na ako lolo pero hindi pa daw ako pwede mag laro hahaha." natatawang sagot ni Sakuragi..

"Natatakot ka lang ata kalabanin ako eh hahaha." nagyayabang na sabi ni Kiyota.

"Baka ikaw ang natatakot sa henyo! hintayin mong mag banggaan tayo di kita uurungan hahaha." nagyayabang din na sagot ni Sakuragi

"Hi Sakuragi." ngiti kong bati.

"Haruko hehehe nandito ka." kinikilig na sabi ni Sakuragi.

"Hoy wag ganyan may nagseselos hahaha." nang aasar na sabi ni Sendoh..

"Hindi ako nagseselos." sagot ni Rukawa..

"Hahaha wala naman akong sinabing pangalan hahaha." natatawang sabi ni Sendoh..

"Ganyan talaga pag defensive hahaha." nang aasar ding sabi ni Mitsui.

"Hahaha wala na sakin yun kung gusto ni Rukawa si Haruko hahaha." ngiting sabi ni Sakuragi.

Halos lahat kami nagulat sa sinabi ni Sakuragi. Hindi ko alam kung si Sakuragi ba talaga ang kausap namin o hindi para kasing nagbago sya...

"May sakit ka ba?" takang tanong ni Ayako.

"Sakit sa utak meron." inis na sabi ni Rukawa.

"Nakakapanibago ka Sakuragi. Ikaw ba talaga yan." takang tanong ni Kiyota.

"Baka naman may iba ng nagpapatibok ng puso nya hehehe." ngiting sabi ni Mitsui.

"Sino naman." takang tanong naman ni Fujima..

"Si Aicelle hehehe." ngiting sagot ni Sakuragi.

"Aicelle? Sinong Aicelle?" tanong ni Hanagata.

"Parang napa buti pa ata sayo ang rehab hahaha." nang aasar na sabi ni Mitsui.

Nagtataka ako kung sinong Aicelle ang tinutukoy ni Sakuragi ngayon ko lang kasi narinig ang pangalan nya. Natutuwa ako dahil nabaling na ang nararamdaman nya para sakin dahil ayoko na sya makitang nasasaktan...

"Hi kuya." ngiting bati ni Aicelle..

Nagulat at nagtaka ang buong team ng lumapit ang babae at tawaging kuya si Sakuragi. Ang ganda ng babae pero hindi sya ganun katangkaran pero halatang halata na gusto ni Sakuragi si Aicelle.

"Kuya?" tanong ni Kiyota.

"Hahaha sya nga pala sya si Aicelle." ngiting sabi ni Sakuragi.

"Hi ang cute mo naman ako nga pala si Mitsui." ngiting sabi ni Mitsui sabay kindat kay Aicelle.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now