CHAPTER 97

1.6K 107 28
                                    

Dumating ang araw na pinakikihintay ng lahat ang kasal ni Haruko at Rukawa. Tulad nga ng plano kikidnapin ng team si Haruko na hindi alam ni Rukawa.

"Bakit wala ata sila Sendoh?" tanong ni Rukawa kay Sakuragi.

"Hahaha wag mo na hanapin ang wala ang importante ang kasal mo hahaha excited kana ba Rukawa?" natatawang tanong ni Sakuragi.

"Oo pero mukhang mas ikaw ang excited sating dalawa." seryosong sabi ni Rukawa.

"Hahaha masaya lang ako kasi ikakasal kana tapos kinuha mo pa akong Bestman mo hahaha. Congrats Rukawa hehehe." ngiting sabi ni Sakuragi na excited sa mangyayare dahil walang ka alam alam si Rukawa

"Salamat." tipid na sagot ni Rukawa.

Nauna naman dumating sa simbahan sila Satomi, Ayako,Loisa,Daila,Zia,Lyka,Jane,Mika, Aicelle, Nikay, Jewel, Aika,Fridah,Yoko at ang mga kaibigan ni Sasaki at kaibigan ni Aicelle. "Excited na ako makita si Haruko na naka wedding gown." ngiting sabi ni Jewel.

"Nagtataka lang ako bakit di sumabay sakin si Maki." nakasimangot na sabi ni Satomi.

"Ako nga rin nagtataka kasi ayaw ni Ryota na sabay kami pumunta rito." sabi naman ni Ayako.

"Si Akira nga di ko macontact eh pinuntahan ko sa bahay wala naman kaya nagsabay na kami ni Loisa." sabi naman ni Nikay.

"Si kuya Kenji nga nagmamadali din akala ko nga dumiretso na dito hindi pala." sabi ni Daila.

"Eh baka naman tinutulungan nila si Rukawa di ba bestman ni Rukawa si Sakuragi kaya siguro wala din ang ibang boys." ngiting sabi ni Lyka.

"Baka nga." sagot na lang ni Ayako.

Dumating naman ang mga magulang ni Rukawa kasama si Sasaki. "Anak bakit wala pa ang kuya mo sa simbahan nauna pa tayo?" tanong ng Mama ni Rukawa.

"On the way na daw sila Mama kasama si Sakuragi." ngiting sabi ni Sasaki.

Sabay sabay naman dumating sila Hanagata, Kiyota, Fukuda, Koshino, Ikagami, Uozumi, Morishige, Oda, Takano at Hasigawa. "Nasaan yung iba?" tanong ni Ayako.

"Nagbibihis pa sila." pagsisinungaling ni Koshino.

"Nagbibihis? Eh nakabihis na si Maki kanina bago umalis." seryosong sabi ni Satomi

"Ano nagbibihis sya na natapunan kasi yung damit nya ng kape kaya pumunta sya sa bahay ni Eiji tama ni Eiji di ba Hanagata." kumikindat na sabi ni Hasigawa habang nauutal

"Ah oo tama sya." sagot ni Hanagata habang pinagpapawisan.

"Ganun ba sige pumasok na kayo sa loob." sabi ni Satomi at nauna ng pumasok sa loob ng simbahan.

"Muntik na tayong mabuko Koshino." inis na sabi ni Fukuda.

"Hindi naman kasi ako marunong mag sinungaling eh." sabi ni Koshino.

Dumating naman si Rukawa na kasama si Sakuragi. Puti ang suot nitong tuxedo ganun din si Sakuragi halos hindi makilala ang dalawa sa ayos nito. "Parang hindi si Sakuragi ang nakikita ko." bulong ni Kiyota.

"Ang gwapo nung dalawa hehehe tinalo tayo." ngiting sabi ni Hanagata.

"Si Rukawa gwapo na pero si Sakuragi naging gwapo nung inayusan." mahinang sabi ni Oda.

Nakita naman ni Rukawa at Sakuragi ang team kaya lumapit ito bago pumasok sa loob. "Bakit nasa labas pa kayo?" tanong ni Rukawa.

"Nagmumuni muni hehehe." ngiting sabi ni Kiyota.

"Sakuragi ang gwapo mo pero ngayon lang hahaha." nang aasar na sabi ni Uozumi.

"Ikaw bakulaw wag kana lang mag salita kung aasarin mo ko tandaan mo Bestman ako hahaha di ba Rukawa." natatawang sabi ni Sakuragi.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now