CHAPTER 18

1.1K 104 0
                                    

"Ayaw mo ba talaga kay Haruko?" tanong ni Maki.

"Rukawa masyadong masakit yung sinabi mo kay Haruko! dapat mag sorry ka sa kanya." seryosong sabi ni Sendoh..

"Ayoko." sagot ni Rukawa.

"Aba sumosobra kana talaga gusto mo dagdagan ko pa yang pasa sa mukha mo." inis na sabi ni Sakuragi.

"Pwede ba Sakuragi tumigil kana muna." naiinis ding sabi ni Ryota.

"Hindi mo ba talaga gusto si Haruko? Ano ba nasa isip mo Rukawa?" tanong ni Hanagata.

"Gusto mo ba talaga layuan ka ni Haruko? baka mamaya pagsisihan mo lahat ng sinabi mo Rukawa." seryosong sabi ni Ikagami.

"Oo nga Rukawa." sang ayon ni Jin.

"Masyado mong sinaktan ang puso nya Rukawa! sana sinarili mo na lang at di mo sinabi yun." seryosong sabi ni Ryota.

"Ayoko husgahan ka Rukawa pero mali yung ginawa mo! masyado mo syang sinaktan ang bait pa naman ni Haruko." nalulungkot na sabi ni Kiyota.

"Kundi mo sya gusto dapat di mo na lang sinabi yun. Ayoko talaga makakita ng babaeng umiiyak nasasaktan ang puso ko." nagdra-dramang sabi ni Mitsui.

"Babaero ka kasi hahaha." natatawang sabi ni Ryota.

"Rukawa napipi kana ata dyan hahaha." nang aasar na sabi ni Sendoh.

"Mas bagay sila ni Sakuragi." seryosong sabi ni Rukawa.

"Ano? Wala ka ba talagang magawa sa buhay mo? gumising ka ikaw ang gusto nya hindi ako babangasan ko yang mukha mo Rukawa." galit na galit na sabi ni Sakuragi.

"Hanamichi tumigil kana nga! isa pa ikaw ang babangasan ko." galit na sabi ni Ryota.

"Kung hindi ba gusto ni Sakuragi si Haruko may posibilidad ba na magustuhan mo rin si Haruko?" seryosong tanong ni Fujima.

"Hindi ko alam." nakayukong sabi ni Rukawa.

"Naging totoo lang si Rukawa! pagkakamali yun ng kapatid ko dahil minahal nya si Rukawa." sagot ni Akagi.

"Ano isa ka pa Gori wala ka ba pakialam sa kapatid mo." inis na sabi ni Sakuragi.

"Ilayo mo nga sakin to Mitsui kanina pa to eh." inis na sabi ni Ryota.

"Baka masapak ko pa yan hahaha." natatawang sabi ni Mitsui.

"Sakuragi pwede ba kumalma ka! hindi naman ikaw ang topic dito hahaha." natatawa ring sabi ni Koshino.

"Halika rito Sakuragi turuan mo ako ng bato bato pick hahaha." natatawang sabi ni Sendoh.

Inilayo nila si Sakuragi kasama si Sendoh, Kiyota, Jin, Fukuda at Koshino. Hindi naman nagsasalita si Rukawa at seryoso lang itong naka yuko na parang ang lalim ng iniisip.

"Wala na si Sakuragi siguro naman mag sasalita kana." seryosong sabi ni Maki.

"Ano ba talaga ang tingin mo kay Haruko? kaibigan o higit pa dun?" tanong ni Mitsui.

"Gusto mo bang nakikita syang umiiyak?" tanong ni Hanagata.

"Mahal ka nung tao Rukawa." seryosong sabi ni Hasigawa.

"Kung mahal mo sya wag mo isipin si Sakuragi! dahil mas matutuwa sya kung makikita nyang masaya si Haruko sa feeling mo." paliwanag ni Maki.

"Tama." sang ayon ni Ryota.

"Pero kung sasaktan mo si Haruko magagalit talaga sayo si Sakuragi mahal nya yun eh hehehe." ngiting sabi ni Mitsui.

"Kundi ka pa handa pag usapan to maiintindihan ka namin Rukawa! pero sana wag mo pasakitan si Haruko dahil malambot ang puso ng babae." seryosong sabi ni Fujima saka umalis para puntahan si Sasaki.

"Tama sya." sang ayon ni Hanagata saka sumunod kay Fujima.

"Wala akong magagawa para sayo Rukawa pero lage mo susundin ang puso mo." seryosong sabi ni Maki saka umalis.

Umalis na ang buong team at naiwan mag isa si Rukawa. Alam nya sa sarili nyang nasaktan nya ng husto si Haruko pero ano nga bang magagawa nya kundi na yun pwedeng bawiin pa.

Rukawa POV...

Alam kong nasaktan ko nanaman ang damdamin ni Haruko. Gusto ko syang maging masaya kahit hindi na lang ako yung maging dahilan nun. Alam kong wala akong kwentang lalaki dahil nanakit ako ng babae! pinalayo ko sya hindi para saktan pinalayo ko sya para bigyan nya ng chance na mahalin sya ni Sakuragi. Alam kong mas kayang higitan ni Sakuragi ang pagmamahal na kaya kong ibigay kay Haruko! Ayoko na syang masaktan pa! kaya gusto kong lumayo na sya sa akin mas gugustuhin ko pang maging sila ni Sakuragi kesa makita syang nasasaktan ng dahil sa akin.

Masakit ang magparaya pero mas masakit kung makikita mo ang babaeng mahal mo na nasasaktan ng dahil sayo! ayoko na syang makitang umiiyak ng dahil sa akin. Hindi ko deserve ang babaeng katulad ni Haruko at hindi ko deserve mahalin.

"Hay Rukawa.....

Umalis na ako para umuwi hindi na ako nagpakita pa sa team at kay Haruko. Mas tama ng lumayo sya sa akin kesa paulit ulit syang masaktan ng dahil sakin. Alam kong maraming magbabago sa amin dalawa! pero wala na akong magagawa kung iiwasan nya ako kasalanan ko naman eh! 

Nang makita ko si Haruko na umiiyak gusto ko syang lapitan at punasan ang luha nya! pero mas pinili ko na lang wag syang lapitan dahil mas masasaktan ko lang sya kung lalapit pa ako. Ang sama sama kong tao para saktan si Haruko! tama si Sakuragi wala nga akong kwenta....

Tatapusin ko ang high school at aalis ako papuntang america para makalimutan ko si Haruko ng sa ganun mabaling ang pag tingin nya kay Sakuragi. Alam kong mas mamahalin sya ni Sakuragi ng totoo at tapat kesa sakin sana lang maging masaya sila hay!

Sana Haruko mapatawad mo ako sa dami ng kasalanan ko sayo. Sorry kung lage kong nasasaktan ang puso mo kung alam mo lang hindi ko gusto yun sorry....

"Hay nakakaiyak na gabe....

Pag dating ko sa bahay kinuha ko ang panyo ni Haruko. Ito na lang siguro ang magiging dahilan ng pag ngiti ko. dahil alam kong hindi na ako ang magiging dahilan ng pag ngiti mo Haruko. Kung alam mo lang napaka saya ko nung pumunta ka ng birthday ko Haruko dahil hindi mo nakalimutan ang kaarawan ko.

"Hay bakit ko ba kinakausap ang sarili ko....

Gustong gusto kong sabihin sayo na alagaan mo ko na wag kang lalayo papuntang america pero di ko yun masabi sayo. Haruko sana mapatawad mo pa ako sana wag kang magbago sa akin. I'm sorry😭

Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Ngayon lang ako nagkagusto sa isang babae sa dami ng may gusto sa akin! si Haruko lang ang babaeng nagustuhan ko. Ayoko man aminin sa kanila pero gusto ko si Haruko. Nang malaman ko na gusto sya ni Sakuragi hindi ko sya niligawan dahil ayokong mag away kami ni Sakuragi sa iisang babae at alam kong mahal na mahal sya ni Sakuragi.

Handa akong magparaya kahit masakit basta makita ko lang masaya silang dalawa ayos na ako dun. Siguro nga basketball na lang ang pagtutuunan ko ng pansin mula ngayon. Makita ko lang si Haruko sa malayo masaya na ako kahit na siguro hindi nya ako pansinin.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now