CHAPTER 85

945 95 28
                                    

Nang matapos makabili ng regalo ang lahat pinuntahan ni Rukawa ang team para sabay sabay silang umuwi. Hindi naman na nagtaka sila Sasaki at Fujima kung saan nang galing ang dalawa dahil nakita nilang may bitbit na regalo sila Rukawa...

"Ang dami nyan para kay Sakuragi lahat yan?" tanong ni Mitsui.

"Para sakin lahat to." sagot ni Rukawa.

"Ay hahaha damot mo kuya wala ako hehehe." ngiting sabi ni Sasaki.

Hindi na kumibo si Rukawa at natawa na lang ang team sa kanya. Sabay sabay silang umuwi at hinatid ni Rukawa si Haruko....
______________________________________________________

KINABUKASAN Maagang pumunta ang team ng RYONAN sa beach kasama ang tatlong coach na si coach Anzai coach Taoka at coach Takato.

"Sabi maaga daw bakit wala pa ang team ng SHOHOKU?" tanong ni Uozumi.

"Baka naman tulog pa hahaha lalo na si Sakuragi at Rukawa hehehe." ngiting sabi ni Sendoh habang sinisipsip ang lemon na dala nya.

"Pupunta ba si Fridah?" nahihiyang tanong ni Ikagami.

"Pupunta sya yun ang sabi ni Eiji." sabi ni Koshino.

"Ako lang tuloy ang babae dito hehehe." ngiting sabi ni Nikay na kasama ng Ryonan...

"Wala pa nga rin si Ashley eh sana dumating sya." sabi ni Koshino habang nag hihintay sa pagdating ni Ashley.

"Si Akagi kaya pupunta?" tanong ni Uozumi.

"Oo lahat pupunta pati sila Oda at Yoko kasama pati rin ata mga kaibigan ni Aicelle na sila Jewel... ah asim hehehe." ngiting sabi ni Sendoh.

Dumating na ang team ng SHOYO kasama si Aika at Ashley. "Wala pa sila?" tanong ni Fujima.

"Wala pa ano oras na hahaha sabi maaga daw hindi na maaga to eh hahaha." natatawang sabi ni Fukuda.

"Good morning Ashley." ngiting bati ni Koshino.

"Morning Koshino." bati rin ni Ashley.

"Kumpleto na ba kayo?" tanong ni coach Taoka.

"Wala pa yung iba coach." sagot ni Uozumi.

"Dun lang kami tawagan nyo ko kapag dumating na sila." seryosong sabi ni coach Taoka at nagpaalam na muna sa team..

Sabay na dumating naman ang team ng SANNOH at ng team ng TAYOTAMA. "Kung sino pa yung malayo mas nauna pa hehehe." ngiting sabi ni Fujima.

"Hindi kami excited hehehe." ngiting sabi naman ni Eiji.

"Wala kasi kami sasakyan kaya sabay kami kanila Eiji." sabi ni Minami habang nagbababa ng mga dalang gamit.

"Wala pa sila Ayako at Satomi?" tanong ni Flora Mae.

"Wala pa mga tulog pa ata yung mga yun eh si Sasaki sasabay sa SHOHOKU eh." sabi ni Fujima..

"Nirentahan nyo ba to bakit parang wala akong makitang tao maliban satin." tanong ni Aika.

"Nirentahan nga to hehehe ayaw ni Maki na may kasama gusto nya tayo lang selosa kasi asawa nya hahaha." natatawang sabi ni Sendoh.

"Ah kaya pala... pero okay din yung naisip nya para nga naman di kami mahiya kapag nag swimsuit kami." sabi ni Aika.

"Hindi ka mag swiswimsuit." seryosong sabi ni Hanagata..

"Bakit hindi pwede eh beach to." takang tanong ni Aika.

"Kasi ayaw nya makita ng iba yang ganda ng katawan mo hehehe ayaw pa kasi umamin nitong si Hanagata eh hahaha." natatawang sabi ni Ashley.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now