CHAPTER 56

1K 98 25
                                    

Nakatulog na si Sasaki sa paghihintay na magising ang Papa nya. Nasa labas naman si Rukawa kasama si Sakuragi at Sendoh..

"Kamusta kana Haruko?" tanong ni Satomi.

"Ayos naman." sagot ko.

"Alam kong nahihirapan ka din dahil sa nangyari sa Papa ni Rukawa!, pero sabi naman ng doctor di ba ok naman daw ang lagay ng Papa ni Rukawa! kaya wag kana malungkot kasi lalong manghihina si Rukawa kung pati ikaw malungkot." paliwanag ni Satomi.

"Tama sya Haruko." sang ayon ni Maki.

"Ayoko lang makita si Rukawa na nasasaktan lalo na kapag umiiyak sya ni wala akong magawa para sa kanya." nalulungkot kong sabi..

"Wag mong sabihin yan Haruko marami kana nagawa para kay Rukawa at nakikita namin na naapriciate ni Rukawa lahat ng ginagawa mo para sa kanya." paliwanag na sabi ni Satomi.

"Alam mo ang laki ng pinag bago ni Rukawa ng dahil sayo Haruko natuto na syang makisama sa team! dati kapag lumalabas kami di yan sumasama." sagot ni Ryota.

"Oo nga tska ngayon nakikita na namin na nagmamatured na talaga sya." sang ayon na sabi ni Mitsui.

"Ikaw lang naman ang di nagmamatured eh hahaha." nang aasar na sabi ni Satomi kay Mitsui.

"Maki ilabas mo yang asawa mo habang mabait pa ako hehehe." ngiting sabi ni Mitsui.

"Totoo naman kasi hahaha." sang ayon ni Ryota habang tumatawa.

"Wag kana malungkot Haruko nandito naman kami hehehe papangitiin ka namin." ngiting sabi ni Kiyota..

"Salamat sa inyo." sagot ko..

Pumasok si Rukawa Sendoh at Sakuragi na may dalang pagkain. Nakakatuwa na may handang tumulong na kaibigan kapag kailangan mo! hindi iniwan ng team si Rukawa at Sasaki kahit na busy ang ilan sa kanila..

"Aicelle para sayo kain na tayo hehehe gutom na ako eh hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi sabay abot ng pagkain kay Aicelle.

"Hindi kapa busog Sakuragi hehehe." ngiting sabi ni Sendoh habang may laman ang bibig..

"Para sayo Haruko. Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sakin di mo lang alam kung gaano ako natutuwa dahil di mo ko iniwan." seryosong sabi ni Rukawa.

"Hindi kita iiwan Rukawa dahil pangako ko yun sayo maliban na lang kung ikaw na mismo ang susuko sakin." naiiyak kong sagot.

"Opps walang iyakan hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.

"Yakapin mo na kasi Rukawa bago umiyak hehehe." kantyaw na sabi ni Kiyota.

"Hinding hindi kita susukuan Haruko dahil ikaw lang nagpapasaya sakin." mahinang sabi ni Rukawa at niyakap ako ng mahigpit.

"Sweet naman nyan! Aicelle ako nga yakapin mo rin hahaha." ngiting sabi ni Sakuragi.

"Ayoko nga kuya nakakahiya hehehe." nahihiyang sabi ni Aicelle.

"Sige pikit tayo para di mahiya si Aicelle hahaha." natatawang sabi ni Sendoh..

"Yan gusto ko sayo tol eh hahaha...

"Naman tol ikaw pa hahaha." sagot ni Sendoh kay Sakuragi.

"Mga buang wag kayo maingay." inis na sabi ni Satomi.

"I love you Haruko salamat sa lahat." bulong ni Rukawa habang yakap ako.

"I love you too Rukawa lage lang ako nasa tabi mo." sagot ko..

"Sila na ba?" tanong ni Uozumi.

"Hindi pa." sagot ni kuya Takenori.

"Ikaw bakulaw kailan ka magkakaron ng girlfriend hehehe." natatawang tanong ni Sakuragi.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now