CHAPTER 91

828 96 5
                                    

"Ganito para may twist ang exchange gift natin yung nabunot nyo bibigyan nyo ng message." ngiting sabi ni Maki.

"Sino una?" tanong ni Sendoh.

"Si Sakuragi dahil sya unang bumunot." sabi ni Maki.

"Sino nga ba nabunot ni Sakuragi?" tanong ni Ayako.

"Si Koyota hahaha." natatawang sabi ni Satomi.

"Okay Sakuragi tumayo ka sa harap bago mo ibigay ang regalo mo kay Kiyota kailangan mong mag message sa kanya." paliwanag ni Maki.

"Message message pa." bulong ni Sakuragi habang naglalakad papunta sa harap.

Natatawa naman si coach Anzai kay Sakuragi dahil halatang hindi ito masaya na si Kiyota ang reregaluhan nya at bibigyan ng message. "Hoy unggoy makinig ka dahil ngayon ko lang to sasabihin. Wala akong pamilya na maituturing pero mula ng sumali ako sa basketball at nakilala sila Mito masasabi kong naging masaya ako. Ang message ko sa unggoy na yan salamat dahil di mo na ako pinag bayad ng utang hahaha kahit papano mabait ka rin tanggapin mo ang regalo ng henyo." ngiting sabi ni Sakuragi sabay abot ng regalo kay Kiyota.

"Hahaha touch naman ng sinabi nya." bulong ni Ayako.

"Hoy unggoy abutin mo wag kang umiyak hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi

"Salamat Sakuragi." naiiyak na sabi ni Kiyota.

"Okay next na." sabi ni Eiji na excited.

"Si Rukawa na next." sabi ni Sendoh at tinulak si Rukawa sa harap.

"Sino nabunot mo?" tanong ni Maki.

"Edi sino pa si gung gong." sagot ni Rukawa na walang kabuhay buhay.

Bago pumunta sa harap si Rukawa may dala syang regalo hindi lang para kay Sakuragi kundi sa team at sa mga coach. "Bago ko mag bigay ng message kay Sakuragi gusto kong bigyan kayo ng regalong lahat dahil hindi kayo naging mabuti sakin joke." seryosong sabi ni Rukawa.

"Yung joke nya seryoso parin hahaha." natatawang sabi ni Mitsui.

"Wala naman akong regalo dyan eh." bulong ni Morishige.

"Wala daw bang regalo itong bakulaw na to?" tanong ni Sakuragi na ikinagulat ni Morishige.

"Narinig nya pa yun." mahinang sabi ni Morishige.

"Kayo na kumuha ng regalo nyo... lahat yan may pangalan sa babae naman si Haruko na magbibigay." paliwanag ni Rukawa.

"Ang bait naman ni Rukawa." ngiting sabi ni Jewel.

"Mabait naman talaga yan wala lang sa itsura." sabi ni Ayako habang nakatingin kay Rukawa.

"Salamat Rukawa mahal mo talaga ako hahaha." natatawang sabi ni Sendoh at hinalikan si Rukawa sa pisngi.

"Salamat Rukawa naiiyak ako." ngiting sabi naman ni Eiji habang nag dradrama sa harap ni Rukawa.

"Salamat santa hahaha." natatawang sabi ni Kiyota.

"Tatang ikaw kaya magbigay ng regalo mukha ka naman Santa Claus eh hahaha." nang aasar na sabi ni Sakuragi.

"Oda bakit ayaw mong tumayo?" tanong ni Jin na nakakuha na ng regalo.

"Wala naman akong regalo dun." nahihiyang sabi ni Oda.

"Meron ka dun nakita ko name mo hahaha." natatawang sabi ni Sendoh habang nagbubukas ng regalo.

"Ayaw mo Oda akin na lang yun hehehe." ngiting sabi naman ni Moroboshi.

"Oda at Morishige pumunta kayo dito may ayuda kayo hahaha." natatawang sabi ni Fujima.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now