CHAPTER 72

1K 96 21
                                    

Nang malaman ni Flora Mae na okay na si Haruko dali dali syang pumunta sa hospital para makita ang pinsan nya. Hinahanap naman nila Sendoh at Fujima sila Rukawa dahil hindi ito nagpaalam sa team na aalis..

"Nakita nyo ba?" tanong ni Maki.

"Hindi eh iniwan ko lang... sabi ko mag usap sila ni Sakuragi pati si Sakuragi nawala hahaha." natatawang sabi ni Sendoh.

"Baka naman nag date na yung dalawa hehehe." ngiting sabi ni Kiyota.

"Babalik naman siguro yun baka kumain lang." sagot ni Fujima..

Pumasok na sila sa loob ng makita nila si Flora Mae na hinihingal. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Maki.

"Gusto ko ng itama lahat ang ginawa ko pati kay Eiji at Aicelle." nahihiyang sabi ni Flora Mae.

"Ano bang ginawa mo kay Aicelle?" tanong ni Sendoh.

"Sumama kayo sakin sa loob kakausapin ko sya." seryosong sabi ni Flora Mae at pumasok na sa loob at sumunod naman sila Maki.

Pagpasok ni Flora Mae niyakap nya agad si Haruko habang umiiyak. "I'm sorry insan hindi sana mangyayare to kundi kita pinasakay sa sasakyan ko... Maniwala ka sakin Haruko di ko gagawin na ipahamak ka mahal kita at ayoko may mangyare sayo." umiiyak na sabi ni Flora Mae kay Haruko.

"Naniniwala naman ako sayo Flora Mae tahan na hindi naman ako galit sayo aksidente ang nangyare satin at walang may gusto nun." sagot ni Haruko.

Nilapitan ni Flora Mae si Aicelle kaya nagulat si Fridah at sila Sendoh ng makita na niyakap din ni Flora Mae si Aicelle. "Gusto kong sabihin sa inyong lahat na napaka buting tao ni Aicelle... Ang totoo may sinabi talaga ako sa kanya at alam kong magagalit kayo sakin pero ayos lang dahil gusto ko ng itama ang pagkakamali ko dahil ayokong mawala sakin ang bestfriend kong si Eiji.. I'm sorry Aicelle kung sinabi ko sayo na papayag lang akong maging bestfriend mo kung di ka magpapaligaw kay Sakuragi... Aaminin ko gusto ko si Sakuragi pero hindi pala basehan na gusto mo lang ang isang tao..  Alam mo Aicelle ngayon lang ako nagka gusto sa isang lalaki nakakatawa kasi kay Sakuragi pa... pero mula ng lumayo ang loob ni Eiji sakin parang natakot ako dahil hindi ko pala kaya mabuhay na wala ang bestfriend ko sakin.. Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko para kay Eiji basta ang alam ko ayoko sya mawala dahil hindi ko kakayanin.. patawarin mo sana ako sa lahat ng nasabi ko sayo kung hindi mo man ako mapatawad naiintindihan kita pero sana balang araw maging totoong magkaibigan tayo Mahal ka ni Sakuragi at sana balang araw maging kayo at ako ang unang magiging masaya pag nangyari yun." umiiyak na sabi ni Flora Mae.

"Nakakaiyak naman." bulong ni Sendoh..

"Wala na sakin yun Flora Mae ikaw lang naman ang ayaw maging kaibigan ako eh. Isa pa sabi ko naman sayo kung gusto mo si Sakuragi ipapaubaya ko yun dahil gusto ko maging magkaibigan tayo yung totoong kaibigan yung walang halong ka plastikan." paliwanag ni Aicelle..

Ang hindi alam ni Aicelle at Flora Mae nakikinig si Eiji kasama sila Rukawa, Mitsui, Fukatsu, Ryota, Minami at Sakuragi. "Narinig mo Eiji ayaw ka daw nya mawala hehehe." ngiting sabi ni Minami.

"Mahal ka naman pala ni Flora Mae kasi kundi ka nyan mahal di yan matatakot na mawala ka." sagot ni Fukatsu.

"I agree." sang ayon ni Mitsui.

"English yun Mitchi ah hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.

"Patawarin mo ako Aicelle at sa inyong lahat patawad din hindi ako masamang tao para manakit ng kapwa lalo na sa pinsan ko pa... kaya sana wag nyo ko pag isipan na ako ang gumawa nun dahil diko kayang pumatay ng tao." umiiyak na sabi ni Flora Mae.

"Naniniwala kami sayo." bungad ni Ryota.

"Wag kana umiyak Flora Mae sorry kung di ako naniwala sayo." seryosong sabi ni Eiji at niyakap si Flora Mae..

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now