CHAPTER 11

1.2K 108 1
                                    

Maaga akong pumasok para sana makita si Rukawa. Nag aalala kasi ako sa kanya dahil umuwi sya kagabi na may sakit. Ayoko pa sana syang pauwiin kaso nahihiya naman akong pigilan sya.

Hindi ko sya makita sa classroom nya kaya naisip kong nasa gym sya. Pag punta ko sa gym walang Rukawa akong nakita kaya umalis na lang ako. Siguro hindi sya papasok dahil may sakit sya! gusto ko sanang itanong kay Sasaki kung papasok ba si Rukawa kaso nahihiya naman ako baka iba ang isipin ni Sasaki hay!

"Nakapikit ka ba...

Nagulat ako ng makita si Rukawa! nakakahiya. nabangga ko pala sya! ibig sabihin pumasok sya kahit na may sakit sya. Hindi ako makatingin sa kanya sa sobrang hiya.

"Sorry." nahihiya kong sabi.

Hindi sumagot si Rukawa kaya nag angat ako ng ulo at nakita kong seryoso ang mukha nya. Nakatingin lang sya sa akin kaya lalo akong nahiya..

"Ah Rukawa may sasabihin ka ba?" tanong ko.

"Wala." sagot nito.

"Eh bakit nandito ka pa?" nahihiya kong tanong ulit.

"Tinatapakan mo yung sapatos ko." seryoso nyang sabi.

"Ay sorry hindi ko sinasadya...

Nakakahiya talaga tinatapakan ko pala sya! kaya pala hindi sya maka alis. Ano ba yan nahihiya nanaman ako kay Rukawa.

"Ayos lang." tipid nitong sagot.

"Magaling kana ba Rukawa?" nag aalala kong tanong.

Hindi ko alam kung sasagot ba sya o hindi sana hindi na ako nag tanong nakakahiya! Umalis si Rukawa at iniwan ako. Alam ko naman na ayaw nya sa akin hay! bakit ba kasi pinagpipilitan ko pa ang sarili ko sa kanya. Naglakad na ako palayo para pumunta na sa klase ko ng tawagin ni Rukawa ang pangalan ko..

"Haruko..

"Ano yun." nahihiya kong tanong.

"Hindi pa ako magaling." sagot nito saka umalis..

Napangiti na lang ako sa kanya. Akala ko kasi hindi nya sasagutin ang tanong ko, akala ko rin ayaw nya akong makausap. Masaya na ako kahit na matipid sumagot si Rukawa wag lang syang hindi mag sasalita! dahil hindi ko alam kung ano ba iniisip nya.

Nang matapos ang klase ko dumiretso ako sa library para gawin ang homework ko. Mag isa lang ako dahil umuwi na ang mga kaibigan ko! mamaya na lang siguro ako pupunta sa gym.

"Rukawa....

"Si Rukawa nga...

Nagulat ako ng makita si Rukawa na natutulog sa library. Hindi ko talaga sya maintindihan pati ba naman sa library natutulog sya..

"Ang gwapo talaga ni Rukawa! kapag naging boyfriend ko yan pwede na ako mamatay bukas hahahaha...

"Pwede ba wag kayo maingay." galit na sabi ng teacher.

"Sorry po Mam." sagot nila..

Pinag masdan ko na lang si Rukawa habang gumagawa ng homework. Malayo ang pagitan ng upuan namin dalawa kaya hindi makikita ng mga estudyante na nakatingin ako kay Rukawa.

Pag gising ni Rukawa nagulat sya dahil napaka daming babae ang katabi nya. Napatingin sya sa akin ganun din ako kaya yumuko na lang ako dahil nahihiya ako.

"Rukawa gusto mo turuan kita." kinikilig na sabi ng babae..

"Rukawa gusto mo ako na lang gumawa ng assignment mo." kinikilig din na sabi ng isa pang babae..

Umalis si Rukawa at hindi pinansin ang mga babaeng may gusto sa kanya. Hinabol naman ng mga babae si Rukawa kaya bumalik na lang ako ulit sa pag gawa ng homework ko.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now