CHAPTER 26

1.2K 101 0
                                    

Masakit pa ang tuhod ko kaya ika ika akong pumasok sa school. Nahihiya akong pumasok dahil kitang kita ang sugat ko sa tuhod pero hindi kasi pwede na mag absent dahil may exam kami ngayon!

"Haruko nakapag review ka ba?" tanong ni Fuji..

"Oo pero konti lang hehehe." ngiti kong sagot..

Hindi naman ako magaling sa klase! minsan nga di ako nakikinig sa turo ng teacher pero masipag naman akong mag aral. Magagalit ang kuya ko kapag may bagsak ako dahil lage nyang sinasabi sakin na importante ang edukasyon sa anu mang bagay.

Nagsimula na ang exam namin at hindi naman ako nahirapan dahil lahat ng nireview ko lumabas sa exam. Masakit parin ang tuhod ko at mahapdi kaya uuwi na lang ako pagkatapos ng exam....

Nang matapos ko ang exam nagpaalam na ako kanila Fuji para umuwi. Gusto ko na talaga umuwi dahil masakit na talaga ang tuhod ko! itetext ko na lang si Ayako na hindi ako makakapunta sa gym. Nahihiya rin kasi akong makita si Rukawa dahil sigurado maiinis lang sya sakin..

"Haruko." tawag ni Mitsui.

"Mitsui ikaw pala! anong ginagawa mo rito?" tanong ko..

"Pauwi kana ba?" seryosong tanong ni Mitsui.

"Oo tapos na kasi exam namin." sagot ko.

"Samahan mo naman ako Haruko hehehe may gusto kasi akong bilin." nahihiyang sabi ni Mitsui.

"Ako? gusto mong samahan kita? Ano ba yung bibilin mo." tanong ko.

"Meron kasi kaming wish list eh kaso yung nabunot ko babae hehehe." ngiting sabi ni Mitsui.

"Ano naman wish list nya?" tanong ko.

"Panty at bra hahaha." natatawang sabi ni Mitsui.

Kahit ako natawa bakit naman ganun yung wish list hehehe. Hindi ko tuloy alam kung sasamahan ko si Mitsui mamili lalo na lalaki pa sya hehehe..

"Pasensya na Haruko wala kasi si Ayako kasama si Ryota hehehe. Naisip ko sayo na lang magpasama hahaha wala kasi akong alam sa panty at bra ng babae hehehe." ngiting sabi ni Mitsui.

"Sige pero mabagal lang ako maglakad kasi may sugat tuhod ko." nahihiya kong sabi.

"Sige walang problema hehehe Salamat Haruko." ngiting sabi ni Mitsui.

Paglabas namin ng gate nakita namin si Rukawa at Sakuragi. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng dalawa at naka tambay sila sa labas ng gate.

"Haruko my love pauwi kana ba hatid na kita hehehe." ngiting sabi ni Sakuragi.

"Aalis kaming dalawa." seryosong sabi ni Mitsui.

"Pati ikaw Mitsui gusto mo si Haruko?" naiinis na tanong ni Sakuragi.

"Hindi Sakuragi sasamahan ko lang si Mitsui mamili." sagot ko.

"Pwede bang sumama hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.

"Ayoko nga popormahan mo lang si Haruko eh hahaha." natatawang sabi ni Mitsui.

"Sige Sakuragi sama ka." ngiti kong sabi.

"Ako rin." seryosong sagot ni Rukawa.

"Okay the more the merrier hahaha." nang aasar na sabi ni Mitsui.

Magkakasama nga kami nila Sakuragi at Rukawa para samahan mamili si Mitsui ng regalo nya. Nahihiya tuloy ako dahil tatlong lalaki ang kasama ko na bibili ng bra at panty nakakahiya naman...

"Mitchi ano bang bibilin mo?" tanong ni Sakuragi.

"Panty at bra hahaha." natatawang sagot ni Mitsui.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now