CHAPTER 6

1.3K 109 0
                                    

Rukawa POV...

Hindi ko alam kung paano ako mag sosorry kay Haruko. Ayoko syang makitang umiiyak pero mas ayoko syang makitang nasasaktan ng dahil sa akin. Alam kong hindi kami bagay dahil mas kayang mahalin ni Sakuragi ng totoo si Haruko kesa sa akin. Gusto kong bawiin ang sinabi ko kay Haruko pero alam kong nasaktan ko na sya at di na yun mababago pa hay!! Nang makita ko sila ni Sakuragi nakita ko sa mukha ni Haruko na mas masaya sya kay Sakuragi hindi ko alam pero nakakaramdam rin ako ng sakit! ayoko lang ipakita sa kanya yun...

"Hay." buntong hininga ko...

Gusto kong ipanalo ang laro bukas para kay Haruko pero alam kong di ako gagamitin ni coach Anzai. Sana hindi magbago ang pakikitungo nya sa akin kahit na nasaktan ko sya!...

"Hay Rukawa ang sama mo." inis kong sabi sa sarili ko...

Pagpasok ko sa bahay nandun ang boyfriend ng kapatid ko. Masaya ako dahil nakikita kong masaya ang kapatid ko kay Fujima. Alam kong gusto ni Sasaki si Haruko para sa akin pero hindi pwede dahil gusto rin sya ni Sakuragi hay!!!

"Kuya kumain ka na ba?" tanong ni Sasaki...

"Busog ako." sagot ko.

Pumasok ako sa kwarto at tinignan ko ang picture namin ng team ng kasama si Haruko. Napaka ganda ni Haruko lalo na kapag naka lugay ang buhok nito. Napaka bait din nyang manager sa amin hay! Hindi ko talaga intensyon na saktan si Haruko! May pangarap pa ako na gusto kong matupad at sana pag handa na akong mahalin sya single parin sya! hay kaso malabo na yun 😭

Gusto kong makita sya bukas kaso hindi naman ako makapag salita kapag kaharap na sya! napaka sarap titigan ng mukha ni Haruko para syang anghel sa ganda. Hindi ko alam paano ko sya kakausapin bukas.! gusto kong mag sorry dahil alam kong nasaktan ko sya....

Haruko POV..

Pagpasok ko sa bahay nakita kong natutulog si kuya sa sofa. Dumiretso na ako sa kwarto ko para dun umiyak! pinipigilan ko lang hindi umiyak kanina dahil kaharap sila Sakuragi. Gustong gusto ko talaga si Rukawa kaso hindi naman pala kami pareho ng nararamdaman. Sana hindi sya magbago sa akin natatakot ako na baka hindi na nya ako pansinin dahil sa mga sinabi ko.

"Haruko." tawag ni kuya..

Binuksan ko ang pinto ko at nagulat sya ng makita akong umiiyak. Ngayon lang ako nakita ni kuya na umiiyak dahil alam naman nyang walang umaaway sa akin sa school..

"Bakit ka umiiyak?" seryosong tanong ni kuya.

"Wala kuya napuwing lang ako." pagdadahilan ko.

"Hindi ka napuwing Haruko sasabihin mo ba sakin o susugod ako sa school mo?" galit na tanong ni kuya sa akin.

"Sorry kuya." umiiyak kong sabi..

"Haruko sabihin mo sa akin ano bang problema? Bakit ka nag sosorry?" tanong ni kuya.

"Kuya nag tapat ako ng pag ibig ko kay Rukawa." sagot ko.

"Anong sabi nya?" seryosong tanong ni kuya.

"Hindi daw nya ako gusto kuya kaibigan lang daw ang tingin nya sa akin." umiiyak kong sabi..

Niyakap ako ni kuya at hindi ko na napigilan umiyak sa kanya. Mabuti na sigurong nalaman ko na hindi ako gusto ni Rukawa para di na ako umasa sa kanya! dahil tama ang mga kaibigan ko hindi puro saya ang love dahil may sakit din yung kasama..

"Tahan na Haruko." pag aalo ni kuya.

"Sorry kuya." naiiyak kong sabi...

"Ayos lang Haruko ganyan talaga sa high school hindi yan maiiwasan. Gawin mong inspirasyon si Rukawa sa pag aaral mo! kundi ka man nya mahal hayaan mo na. dahil baka talagang hindi sya ang nakalaan na lalaki para sayo. High school ka palang Haruko marami pang mababago lalo na kapag nag college ka." paliwanag ni kuya..

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Donde viven las historias. Descúbrelo ahora