CHAPTER 15

1.2K 103 0
                                    

SATURDAY

Walang pasok sa school kaya maghapon akong nasa bahay. Inaantok pa ako ng tawagin ako ni kuya Take! ayoko pa sana bumangon kaso pagagalitan ako ni kuya ayaw nya kasi tanghali magising.

"Haruko nasa labas sila Fujima kasama si Sasaki hinahanap ka." seryosong sabi ni kuya.

"Bakit daw kuya?" tanong ko.

Hindi na sumagot si kuya kaya bumaba na ako para puntahan sila Fujima at Sasaki. Ano kayang kailangan nila sa akin? hindi kaya dahil kay Rukawa naku baka nagalit sakin si Sasaki dahil nabugbog ang kuya nya.

"Haruko." ngiting bungad ni Sasaki.

"Pasensya na kung pumunta kami! iniimbitahan tayo lahat ni Maki at Satomi sa bahay nila nandito na sila Haruko." ngiting sabi ni Fujima.

"Talaga? sa wakas makikita ko na si Satomi ang tagal din mula ng ikinasal sila ni Maki." natutuwa kong sabi.

"Oo isama mo rin si Akagi ang sabi ni Maki lahat tayo! ayaw nya ng walang pupunta baka magalit ang asawa nyang si Satomi hehehe." natatawang sabi ni Sasaki.

"Sige salamat hah! ahm Sasaki pupunta ba si...

"Si kuya? Oo Haruko pupunta sya hehehe." ngiting sabi ni Sasaki.

"Haruko bakit hindi mo papasukin ang mga bisita mo." seryosong sabi ni Mama.

Pinapasok ko sila Fujima at Sasaki sa loob at ipinakilala ko sila kay Mama at Papa. Nahihiya naman si Fujima ganun din si Sasaki.

"Magandang umaga po tita." nahihiyang bati ni Sasaki.

"Good morning po." nahihiyang bati rin ni Fujima.

"Kumain na ba kayo? teka ipagluluto ko lang kayo! Haruko tawagin mo ang kuya mo." utos ni Mama.

"Sige po Ma." sagot ko.

Tinawag ko si kuya at bumaba naman ito.

"Magandang umaga Akagi." ngiting bati ni Fujima.

"Anong meron? bakit naparito kayo?" seryosong tanong ni kuya.

Hindi naman masungit ang kuya ko hindi lang talaga sya sanay na may bisita sa bahay namin. First time kasing magpunta nila Fujima at Sasaki sa bahay! kaya siguro nagtataka si kuya.

"Gusto sana namin sabihin sa inyo ni Haruko na naka balik na si Satomi at si Maki! maghahanda sila at inimbitahan nya lahat ng team dahil gusto nya tayong makita lahat." paliwanag ni Fujima.

"Naka balik na pala sila. Anong oras ba?" tanong ni kuya.

"Hapon pa naman Akagi! pero much better kung maaga kayo pupunta. kasi kami ni Fujima sasabihan lang namin ang ibang team tapos didiretso na kami sa kanila." sagot ni Sasaki.

"Sige pupunta kami ni Haruko." seryosong sabi ni kuya.

Natuwa ako dahil sasama si kuya. Akala ko kasi hindi sya sasama mabuti na lang sumama sya para may kasama ako pauwi. Nahihiya na kasi ako kay Rukawa pag sya nanaman ang naghatid sakin pauwi.

"Akagi kumain na kayo dito." tawag ni papa sa amin.

"Kumain na muna tayo Fujima at Sasaki." seryosong sabi ni kuya.

Sabay sabay kaming kumain nila Fujima at Sasaki kasama si kuya at ang mga magulang namin. Hindi ko akalain na makakasama ko sila kumain ngayon.

"Salamat po sa masarap na pagkain tita." nahihiyang sabi ni Sasaki.

"Napaka galang mo naman iha hehehe! kumain pa kayo." natutuwang sabi ni Mama.

"Salamat po sa inyo tito at tita." ngiting sabi ni Fujima.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu