CHAPTER 78

1K 94 9
                                    

Pagkatapos kumain ng team dumiretso sila sa school ng SHOHOKU kasama sila Maki at Satomi. "Nakapag isip kana ba ng sasabihin mo kay Haruko?" tanong ni Sendoh kay Rukawa.

"Hindi pa." tipid na sagot ni Rukawa.

"Malalate pala si Ayako sabi nya. Iniisip ko paano ko sasabihin sa kanya ng di sya magagalit." kinakabahan na sabi ni Ryota.

"Inom kasi kayo ng inom di nyo naman kaya hahaha ayan karma bagay yan sa inyo hahaha." nang aasar na sabi ni Satomi.

"Anniversary namin ni Yoko ngayon iniisip ko wag na muna sabihin dahil kapag sinabi ko baka magalit sya." seryosong sabi ni Oda.

"Sige pagkatapos ni Rukawa si Oda sunod isurprise natin si Yoko tutal Sendoh hindi pa naman kayo ni Nikay saka na muna ikaw hahaha." natatawang sabi ni Satomi.

"Bestfriend ba talaga kita?" inis na tanong ni Sendoh.

"Teka lang Rukawa nasaan yung sing sing dala mo ba?" tanong ni Fujima.

"Naiwan ko ata sa bahay." sagot ni Rukawa.

"Nak ng unggoy yan hahaha paano ka magpopropose kung wala kang sing sing hahaha." natatawang sabi ni Mitsui.

"Uwi muna ako mauna na kayo." sagot ni Rukawa at tumakbo.

"Samahan na kita." ngiting sabi ni Sendoh.

Tumakbo na si Sendoh at Rukawa para kunin ang sing sing na ibibigay nya kay Haruko. Bumili naman ng cake si Fujima at Maki kasama si Oda para isurprise si Yoko nauna naman sila Mitsui at ang ibang team sa school ng SHOHOKU.

"Hindi ba malapit na ang Christmas gusto nyo mag exchange gift tayo." seryosong sabi ni Hanagata.

"Sakin ayos lang." sagot ni Minami

"Naku ayoko na mag exchange gift lugi ako pag si Sakuragi nabunot ko." sagot ni Mitsui.

"Bakit naman?" tanong ni Eiji.

"Eh kasi niregaluhan sya ni Sakuragi ng isang katerbang tooth brush hahaha may message pang nilagay... ang nakalagay sa message nya.. mag toothbrush ka araw araw ng di ka nabubungi hahaha." natatawang kwento ni Ryota.

"Lokong yun hah naku mahirap pala pag si Sakuragi nabunot ko." ngiting sabi ni Moroboshi.

"Wish list na lang gawin nyo." suggest ni Satomi.

"Oo nga naman." sang ayon ni Jin.

"Kahit may wishlist iba ibibigay ni Sakuragi." sagot ni Ryota.

"Intindihin nyo na lang hindi ba namatay na parents ni Sakuragi buti nga naitataguyod pa nya mag isa ang sarili nya eh... kaya nga di ko na siningil yung utang nya sakin eh." paliwanag ni Kiyota.

"Himala nangyare dyan kay Kiyota." takang sabi ni Mitsui.

"Wala ng parents si Sakuragi?" tanong ni Fukatsu.

"Oo namatay na wala naman syang kapatid kaya mag isa lang sya." sagot ni Jin.

"Kawawa pala yang si Sakuragi sige ako na sasagot ng regalo nya." seryosong sabi ni Eiji.

"Aba naman talaga ang bait ni mayor sagutin mo na rin yung akin hehehe." ngiting sabi ni Mitsui at inakbayan si Eiji.

"Bakit wala ka rin magulang?" tanong ni Satomi.

"Meron... bakit ba ang epal mo hah." inis na sabi ni Mitsui

"Akala ko ba bati na kayo bakit nag aaway nanaman kayo hahaha." natatawang sabi ni Ryota.

"Pero wala sa itsura nya na wala syang magulang." sagot ni Minami.

"Kasi masiyahin sya tama ba?" tanong ni Hasigawa.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now