CHAPTER 73

1K 94 26
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas at tuluyan na ngang gumaling si Haruko nanalo rin ang SHOHOKU sa TSUKUBO.

"Papasok kana ba kuya?" tanong ni Sasaki kay Rukawa.

"Hindi ako papasok may pupuntahan ako." seryosong sabi ni Rukawa.

"Saan ka pupunta? Siguro may date kayo ni Haruko noh hehehe." ngiting sabi ni Sasaki habang inaasar si Rukawa.

"Wala kaming date iba kasama ko." sagot ni Rukawa.

"Iba? Hindi kapa kinakasal nagtataksil kana kay Haruko bakit ganyan ka kuya." naiinis na sabi ni Sasaki.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi ko pinagtataksilan si Haruko may pupuntahan ako at kasama ko ang team." sagot ni Rukawa.

"Kasama ba si Fujima kuya?" tanong ni Sasaki.

"Oo kasama sya pero hindi ka pwede sumama all boys yun... matulog kana lang dito." mahinang sabi ni Rukawa saka lumabas ng bahay.

"Bwesit ka kuya all boys ayaw mo lang ako isama eh." inis na sabi ni Sasaki...

Pag dating ni Rukawa nakita nyang wala si Sakuragi at Kiyota. "Nasaan si Sakuragi?" tanong ni Rukawa.

"May date daw eh hahaha." natatawang sabi ni Ryota.

"Eh si Kiyota may date din?" tanong naman ni Fujima.

"May nililigawan kaya di daw makakasama hahaha." sagot ni Maki.

"Nililigawan? Marunong bang manligaw yun." bulong ni Fukuda.

Nagpunta sila Rukawa kasama ang buong team sa boutique kung saan nagpagawa ng gown at suit si Maki at Satomi "Mukhang handang handa kana talaga magpakasal hah Rukawa hahaha." natatawang sabi ni Sendoh at inakbayan si Rukawa.

"Pag nakita muna ang forever mo pakakawalan mo pa ba? Malamang hindi na di ba kaya bakit pa patatagalin kung dun din naman ang punta namin dalawa." sagot ni Rukawa.

"Naks nagmamatured na hahaha." natatawang sabi naman ni Fujima.

"Matured na ako matagal na si Sakuragi lang ang abnormal." seryosong sabi ni Rukawa.

"Ikaw Ikagami bakit tahimik ka?" tanong ni Maki.

"Wala nagagandahan lang ako sa wedding gown." ngiting sabi ni Ikagami habang nakatingin sa wedding gown.

"Bakla ka Ikagami? Bakit ngayon pa naku di ka pwedeng magladlad." nawiwindang na sabi ni Sendoh.

"Hindi ako bakla may isang babae sana akong gustong pakasalan kaso hindi natuloy pero wala na yun." sagot ni Ikagami.

"May nakaraan ka?" takang tanong ni Jin.

"Oo hehehe wag na natin pag usapan tapos na yun." sagot ni Ikagami..

"Ayos lang yan bro irereto na lang kita kay Fridah bagay kayo eh hehehe." ngiting sabi ni Sendoh.

Muntik ng maubo si Ikagami sa sinabi ni Sendoh dahil hindi nito alam na si Fridah ang babaeng dapat na pakakasalan nya. "Hehehe wag na Sendoh." ngiting sabi ni Ikagami.

"Ano nga palang balak mo pagkatapos ng kasal?" tanong ni Maki kay Rukawa.

"Balak ko honeymoon." sagot ni Rukawa.

"Hahaha loko loko ka Rukawa." natatawang sabi ni Mitsui

"Bakit mali ba?" takang tanong ni Rukawa.

"Matic naman na kasi yung honeymoon sa inyo hehehe... May balak ba kayo ni Haruko na mag punta sa ibang bansa?" ngiting tanong ni Fujima.

"Kung saan nya gusto sya masusunod.... Mabait akong asawa eh." sagot ni Rukawa.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now