CHAPTER 44

1.1K 96 7
                                    

SHOHOKU VS TAKEZATO

Maaga kami umalis ni kuya para pumunta sa school dahil dun ang meeting place namin ng team. Sumama na samin si Kogure at Yasuda para mapanood ang laro nila Rukawa at ng mga bagong freshman.

"Palagay ko mananalo na ngayon ang SHOHOKU." ngiting sabi ni Kogure.

"Sa tingin ko nga din Kogure dahil wala na sa Ryonan si Sendoh wala na rin sa Kainan si Maki kaya hindi na mahihirapan sila Rukawa." sang ayon na sabi ni Yasuda.

"Hindi parin sila dapat makampante dahil hindi natin alam kung sino sino ang mga freshman na sumali sa KAINAN at sa RYONAN." sagot ni kuya Takenori.

Pag dating namin sa school nandun na sila Ryota, Ayako Wezaki at Rekori pero wala pa sila Mitsui at Rukawa. Maaga pa naman kaya hihintayin na lang muna namin sila para sabay sabay na kami.

"Yasuda." ngiting bati ni Ryota.

"Ryota hehehe kamusta na." ngiting bati rin ni Yasuda.

"Long time no see Kogure." ngiting sabi naman ni Ayako.

"Kamusta na hehehe masaya ko na makita ulit ang team." nakangiting sabi ni Kogure.

Nagbulungan naman sila Rekori at Wezaki dahil hindi nila kilala si Kogure at si Yasuda kaya ipinakilala ito ni Ayako.

"Kogure at Yasuda ito nga pala si Wezaki Sendoh at Rekori Hasigawa." ngiting sabi ni Ayako.

"Nice meeting you Yasuda po pala." nakangiting sabi ni Yasuda.

"Dati silang player ng SHOHOKU si Kogure ay dating vice captain ng team samantalang si Yasuda naman ay point guard katulad ni Ryota." paliwanag ni Ayako.

"kamusta po hehehe ikinagagalak ko po kayo makilala." ngiting sabi ni Rekori.

"Nice meeting you po." ngiting sabi rin ni Wezaki.

"Nice meeting you too kamukha mo si Sendoh ikaw naman malayo sa mukha ng kuya mo. Dahil masyadong seryoso mukha ni Hasigawa pero ikaw pala-ngiti." punang sabi ni Kogure.

Natuwa naman sila Kogure at Yasuda ng makilala sila Wezaki at Rekori ganun din sila Wezaki natuwa ng makilala si Kogure at Yasuda.

"Galingan nyo mamaya hah." ngiting sabi ni Kogure..

"Opo." sagot ng dalawa.

"Ang galang nyo naman hehehe." ngiting sabi ni Yasuda.

"Morning." bati ni Rukawa.

"Nandito kana pala himala di ka late hahaha." nang aasar na sabi ni Ryota.

"Yung isa mukhang late hahaha." natatawang sabi ni Ayako.

Si Mitsui na lang ang hinihintay para maka alis na kami. Namimiss ng team si Sakuragi sayang lang kasi di sya makakapag laro at hindi rin nya mapapanood ang laban.

"Hi." seryosong sabi ni Rukawa.

Nagulat ako ng tumabi sya sakin. Ang aga nya magising hindi ko alam kung nakatulog ba sya o hindi....

"Hi. nahihiya kong sabi..

"Gagalingan ko para sayo." bulong ni Rukawa sakin.

"Salamat Rukawa." kinikilig kong sabi..

"Mukhang close na close na si Haruko at si Rukawa." puna ni Kogure.

"Nililigawan na nya kapatid ko." sagot ni kuya Takenori.

"Talaga hehehe hindi ko ata alam yun." napapangiting sabi ni Kogure.

"Sorry late alis na tayo." bungad ni Mitsui na pawis na pawis..

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now