CHAPTER 93

793 99 24
                                    

Madaling araw na pero hindi parin dinadalaw ng antok si Haruko kaya lumabas sya para maglakad. "Si Sakuragi ba yun?" tanong ni Haruko sa sarili.

Nakita nya si Sakuragi na nakaupo habang nakayuko. "May problema kaya sya." mahinang sabi ni Haruko at nilapitan si Sakuragi.

"Sakuragi." tawag ni Haruko.

"Haruko bakit di kapa natutulog?" tanong ni Sakuragi.

"Hindi kasi ako makatulog eh ikaw bakit gising kapa hindi ba tulog kana kanina....

"Nagising ako bigla dahil nanaginip ako Haruko na mamatay daw ako... naalala ko yung panaginip ni Aicelle." seryosong sabi ni Sakuragi.

"Hindi kana man mamatay wag kang mag isip ng ganyan. Alam mo Sakuragi masaya ako na nakilala kita at ayokong mawala ka dahil importante ka sakin." ngiting sabi ni Haruko.

"Talaga importante ako sayo hehehe. Matagal ko ng gustong itanong sayo to bakit si Rukawa ang lalaking gusto mo? Dahil ba gwapo sya?" nahihiyang tanong ni Sakuragi.

"Hindi naman dahil sa gwapo sya. Elementary pa lang ako crush ko na sya palage kong tinitignan ang laro nya pero hindi naman nya ako napapansin hanggang sa nag transfer sya sa SHOHOKU. Alam mo ba Sakuragi hindi ko lubos maisip na magugustuhan rin nya ako kasi di ko nakita kay Rukawa yun nung una... pero nung nalaman kong gusto mo rin ako hindi kita iniwasan kasi masaya ako kapag kasama ka yung lungkot ko napapawi ng saya dahil napapangiti mo ko lalo na kapag nasasaktan ako kay Rukawa... kaya salamat Sakuragi." seryosong sabi ni Haruko.

"Wala yun kahit mag asawa na kayo hindi parin ako magbabago basta kapag sinaktan ka nya sabihin mo sakin papatayin ko sya hahaha biro lang Haruko. Masaya ako na masaya ka salamat din Haruko dahil ikaw ang dahilan kung bakit ako nasali sa basketball team wala sigurong saysay ang buhay ko ngayon kundi kita nakilala." ngiting sabi ni Sakuragi.

Niyakap ni Haruko si Sakuragi na ikinagulat naman ni Sakuragi. "For the last time Sakuragi yayakapin kita bilang kaibigan at bilang pamilya." bulong ni Haruko.

Nakita naman ni Rukawa ang dalawa na magkayakap. "Hindi nga talaga siguro ako ang magpapaligaya sayo Haruko dahil nandyan parin si Sakuragi." umiiyak na sabi ni Rukawa at tumakbo para bumalik sa kwarto.

Pumasok si Rukawa sa loob ng kwarto na umiiyak nakita naman sya ni Sendoh na nag iimpake ng gamit. "Saan ka pupunta?" tanong ni Sendoh.

"Uuwi na ako." sagot ni Rukawa.

"Hindi pa tayo uuwi bakit uuwi kana? Magsabi ka nga may problema ba?" tanong ulit ni Sendoh.

"Pwede bang wag mong sasabihin sa kanila na umalis na ako lalo na kay Haruko at Sakuragi." seryosong sabi ni Rukawa.

"Kahit di ko sabihin yun malalaman nila yun hahanapin ka ng mga yun. Ano bang problema bakit uuwi ka? May nangyari ba sa family mo?" nag aalalang tanong ni Sendoh.

"Wala. Kung sakali na pumunta ako ng america may maghahanap kaya sakin? may mag aalala kaya sakin? Siguro wala... alis na ako." umiiyak si Rukawa na lumabas ng silid.

"Ano bang problema nun." napapakamot sa ulo na sabi ni Sendoh sa sarili.

9:00 AM

Maagang nagising ang girls kaya sila ang nagluto ng almusal. "Good morning Haruko." ngiting bati ni Ashley.

"Good morning." ngiting bati rin ni Haruko.

"Maganda ba tulog nyo di ako makatulog kagabe hehehe ang lakas kasi maghilik ni Satomi hahaha." natatawang sabi ni Ayako.

"Bakit ako lang ba si Sasaki rin kaya hehehe." ngiting sabi ni Satomi.

Nang magising ang boys hinanap agad ni Sasaki ang kuya nya. "Teka parang wala si kuya Kaede." takang tanong ni Sasaki.

"Pag gising ko wala na sya baka naman nag jogging." sabi ni Minami.

"Ako rin pag gising ko wala sya ewan ko kay Sendoh kung nagpaalam." sagot naman ni Fukatsu.

"Nagpaalam ba sayo si Rukawa?" tanong ni Nikay.

Hindi naman makasagot si Sendoh sa team at sa girls dahil ayaw nyang sabihin na nauna ng umalis si Rukawa. "Ano Sendoh bakit di ka makasagot. Alam mo ba kung nasaan si Rukawa?" tanong din ni Satomi.

"Umuwi na sya." nakayukong sabi ni Sendoh.

"Ano? Bakit sya umuwi may nangyare ba sa bahay?" tanong ni Sasaki.

"Wala syang sinabe sakin tinatanong ko kung may problema sya di naman sya sumagot. Ang sabe lang nya kung pupunta daw ba sya ng america may maghahanap daw ba? May mag aalala daw ba tapos ayun umalis na ayoko naman pigilan baka mag away lang kami." paliwanag ni Sendoh.

"Nag away ba kayo Haruko?" tanong ni Mitsui.

"Hindi kami magka away ni Rukawa wala rin akong alam na may problema sya." mahinang sabi ni Haruko.

"Eh bakit umuwi? Nakakapag taka naman." takang sabi ni Fujima.

"Inaway siguro ni Hanamichi hahaha." natatawang sabi ni Ryota.

"Ako nanaman nakita mo kulot di nga kami magkasama sa kwarto nun." sagot ni Sakuragi.

"Ano kayang nangyare kay kuya Kaede? Hindi naman basta basta uuwi yun ng walang dahilan eh." nakasimangot na sabi ni Sasaki.

Pag dating ni Rukawa sa bahay nila agad nyang niyakap ang Papa nya at Mama nya. "Ikukuwento mo ba anak o mag tatanong na lang kami?" tanong ng Papa ni Rukawa.

"Ang sakit pala kapag nakita mo ang babaeng mahal mo na may kayakap na iba. Pakiusap Papa kapag hinanap nila ako wag nyong sasabihin na aalis ako... baka nga siguro hindi ako yung lalaking magpapaligaya kay Haruko kundi si Sakuragi." umiiyak na sabi ni Rukawa.

"Sigurado kana ba sa desisyon mo? Bakit hindi mo hayaan magpaliwanag si Haruko ang nakikita ng dalawang mata natin minsan mali.. Si Sakuragi hindi nya gagawin ang isang bagay na alam nyang makakasira sa inyo ni Haruko mabuti ang puso ng batang yun anak." seryosong sabi ng Papa ni Rukawa.

"Alam ko yun Pa pero hanggat nakikita kong masaya si Haruko kay Sakuragi nasasaktan ako. Akala ko wala na sakin yun pero hindi pala... Inaamin ko nagseselos ako selos na selos ako ng makita ko sila." saad ni Rukawa habang umiiyak.

"Tahan na anak hindi ka namin pipigilan kung anong desisyon mo pero sana hintayin mo si Haruko at Sakuragi di man sabihin ni Sakuragi sayo pero mahal ka nya bilang kapatid at kaibigan... dahil nakita ko yun sa inyong dalawa kahit na palage kayong nagbabangayan." paliwanag naman ng Mama ni Rukawa.

Hindi na sumagot si Rukawa at umiyak na lang sya sa magulang nya. Alam ni Rukawa na mali ang desisyon nyang umalis papuntang america pero yun lang ang paraan para maging masaya si Haruko at Sakuragi.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now