CHAPTER 65

1K 97 10
                                    

Dumating si Max at Haydee ng mabalitaan na nanganak na si Satomi laking tuwa nila ng malaman na babae at lalaki ang anak ni Satomi. Halinhinan ang pag babantay ng Mama at Papa ni Maki samantalang si Maki naman nag stay sa hospital para bantayan ang asawa nyang si Satomi....

Nang malaman naman ni Eiji Sawakita na pinsan ni Haruko si Flora Mae napapadalas naman ang dalaw nito sa bahay nila Akagi kaya pati si Rukawa nagtataka na dahil sa ikinikilos ni Eiji..

"Bakit nandito ka?" seryosong tanong ni Rukawa kay Sawakita.

"Eh ikaw bakit nandito ka?" pang gagaya ni Eiji sa tanong ni Rukawa.

"Nauna akong mag tanong kaya ikaw ang maunang sumagot." naiinis na sabi ni Rukawa.

"May dinadalaw lang." tipid na sagot ni Eiji.

"Sino naman si Haruko?" takang tanong ni Rukawa.

"Bakit nagseselos ka?" nang iinis na sabi ni Eiji.

"Hindi. Alam ko naman kasi na mas gwapo ako sayo at mas magaling." nagyayabang na sabi ni Rukawa.

Tumawa na lang si Eiji sa kayabangan ni Rukawa pero ang totoo naiinis sya dahil sa ugali ni Rukawa. Sabay na pumasok si Eiji at Flora Mae ganun din si Haruko at Rukawa. Namangha naman si Haruko sa ganda ng sasakyan ni Eiji samantalang nanliit naman si Rukawa dahil bisekleta lang ang dala nya di tulad ng kay Sawakita.

"Wow Sawakita ang ganda naman ng sasakyan mo parang hindi ito yung pinagamit mo kay Maki nung manganganak na si Satomi." ngiting sabi ni Haruko..

"Hindi nga yan yun." sagot ni Eiji.

"Alam nyo ba may collection ng sasakyan ang Papa ni Eiji kaya marami silang sasakyan!! kundi nga lang ako hahatid nito mas gugustuhin pa nyang mag tren o kaya bus." paliwanag ni Flora Mae.

"Bakit naman? ayaw mo bang makita nila ang maganda mong sasakyan hehehe." namamanghang sabi ni Haruko.

"Hindi naman kailangan ipagyabang kung anong meron ka. Isa pa di naman ako magkakaroon nyan kundi dahil sa Papa ko." sagot ni Sawakita.

"Talaga lang hah." bulong ni Rukawa.

Sumabay sila Haruko at Rukawa kanila Flora Mae at Eiji  dahil gusto nyang makita ang school ni Haruko. Wala naman nagawa si Eiji kundi pag bigyan ang gusto ni Flora Mae dahil kung ano magpapasaya kay Flora Mae gagawin nya...

Pag dating nila nakita nilang natutulog si Sakuragi sa loob ng gym natatawa naman si Flora Mae ng makita si Sakuragi na naghihilik at sarap na sarap ang tulog...

"Aicelle ohhh Aicelle.." bulong ni Sakuragi habang naghihilik..

"Bakit dito sya natutulog?" tanong ni Eiji.

"Siguro nagpractice pa sya kaya nakatulog sya dyan. Masipag kasi magpractice si Sakuragi." sagot ni Haruko.

"Nakakatuwa naman sya para syang bata kung matulog hahaha ang cute cute mo Sakuragi hehehe." ngiting sabi ni Flora Mae.

"Hindi naman cute eh." seryosong sabi ni Rukawa.

"Oo nga." sang ayon ni Eiji sa sinabi ni Rukawa.

"Ano ba kayo di kayo marunong tumingin ng cute sa hindi hahaha. Kayong dalawa kasi hindi kayo cute." natatawang sabi ni Flora Mae.

"Sabagay gwapo ako." sagot ni Rukawa.

"Hindi ko akalain na kasing yabang mo rin pala si Sakuragi." nang iinis na sabi ni Eiji kay Rukawa.

"May ipagyayabang naman." sagot ni Rukawa.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now