CHAPTER 67

1K 99 18
                                    

"Tagay pa." nahihilong sabi ni Eiji..

"Lasing na ata yan." sagot ni Jin.

"Anong ata lasing na talaga yan." seryosong sabi ni Rukawa.

"Fukatsu uwi mo na yan." ngiting sabi ni Sendoh.

"Bakit ako?" tanong ni Fukatsu.

"Alangan naman kami." sagot ni Mitsui.

"Hoy Minami kaibigan mo lasing na." sigaw ni Fukatsu kay Minami.

"Tapon nyo na hahaha." natatawang sabi ni Minami..

Nagtawanan sila ganun din si Maki dahil parang walang pakialam si Minami at Fukatsu kay Eiji kaya naman si Maki at Fujima ang umalalay kay Eiji dahil lasing na lasing na ito.

"Saan ba bahay mo?" tanong ni Maki kay Eiji.

"Bahay ko saan nga ba hahaha sa langit tama sa langit ang bahay ko hahaha." sagot ni Eiji habang tumatawa.

Binatukan ni Maki si Eiji kaya tawa ng tawa si Fujima ganun din sila Sendoh. Hindi tuloy alam ni Fukatsu kung sasama ba sya dahil ayaw nyang maiwan kasama sila Rukawa kaya nilapitan nya si Minami para yayain na din umuwi.

"Hoy uuwi na tayo tama na yang kalandian mo." inis na sabi ni Fukatsu kay Minami.

"Umuwi ka kung gusto mo nag eenjoy ako dito eh hehehe." ngiting sabi ni Minami habang kausap si Aicelle.

"Uuwi na tayo ayoko maiwan dito lasing na si Eiji." bulong ni Fukatsu kay Minami.

"Edi umuwi ka bakit isasama mo pa ako. Gusto kong maiwan dito hehehe." ngiting sabi ni Minami.

"Saan kaba nag eenjoy dyan sa babaeng kausap mo o sa libre ni Eiji?" tanong ni Fukatsu.

"Both hahaha." sagot ni Minami sabay tawa.

Hindi tuloy alam ni Fukatsu kung kanino sya sasama dahil ayaw pang umuwi ni Minami. Naiinis sya dahil iniwan sya sa ere ni Minami at ni Eiji..

"Bwesit na buhay to sana di na ako pumunta dito." inis na sabi ni Fukatsu sa sarili nya.

"Fukatsu alam mo ba ang bahay nitong si Eiji?" tanong ni Maki.

"Alam ko pero ayoko maghatid ng lasing." sagot ni Fukatsu.

"Sabihin mo na lang yung direction ako na mag dri-drive." seryosong sabi ni Maki.

"Kumaliwa ka tapos kanan tapos diretso tapos kaliwa ulit tapos kanan pag may nakita kang tindahan yun na yun." paliwanag ni Fukatsu..

"Ganda ng direction hahaha salamat hah hahaha." natatawang sabi ni Sendoh.

"Welcome." sagot naman ni Fukatsu.

"May sayad din pala tong mga to hay naku." bulong ni Ayako kay Sasaki.

"Pare pareho sila hahaha." natatawang sabi ni Sasaki.

"Nakapunta na kami sa bahay ni Eiji kaso di ko na tanda eh." sagot ni Rukawa.

"Hindi ko na rin tanda ang bahay ni Eiji isang beses pa lang kasi ako nakapunta dun." sagot naman ni Maki

Gusto sana lapitan ni Rukawa si Flora Mae kaso lasing na rin ito si Sakuragi naman tulog na kaya di tuloy alam ni Rukawa kung paano iuuwi si Eiji wala naman pakialam si Minami dahil nakikipag usap ito kay Aicelle.

"May kapatid ba yang si Eiji?" tanong ni Mitsui.

"Oo meron Florida ata ang name tama ba Rukawa?" tanong ni Sendoh.

"Anong Florida Fridah yun." sagot ni Rukawa.

"Oo Fridah hahaha sorry naman pwede magkamali ang gwapo hahaha." natatawang sabi ni Sendoh.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now