CHAPTER 23

1.2K 103 1
                                    

Pagdating nila kuya mahimbing na natutulog si Rukawa. Nahihiya naman akong gisingin sya kasi ano baka hay! Ang totoo gising naman talaga ako kanina nakapikit lang ang mata ko! pero di ko akalain na matutulog si Rukawa sa bahay namin.

"Haruko bakit dyan mo pinahiga si Rukawa." seryosong sabi ni kuya.

"Ayaw nya kasi mahiga kuya sa sofa kaya sa sahig sya nahiga." sagot ko.

Hindi maarte si Rukawa dahil kahit sa sahig ito nakahiga ang sarap parin ng tulog nya. Ang lakas din nyang mag hilik! Halatang pagod na pagod ito sa pagpa-practice kaya siguro ang sarap ng tulog nya.

Kinumutan ko na lang si Rukawa dahil malakas ang aircon sa sala. Para syang bata kung matulog at napaka amo ng mukha nya kapag naka pikit. Hinayaan na lang namin sya ni kuya matulog nakakahiya naman kasi kung gigisingin namin sya.

Bakit kaya ang bait sakin ni Rukawa? bakit nya ako inalagaan at dinalaw? Hindi ko tuloy magawang magalit sa kanya dahil kahit nasaktan nya ako bumawi naman sya! hindi ko maintindihan kung anong ugali meron si Rukawa pero masaya ako dahil sa ginawa nya para sa akin. Salamat Rukawa!...

Hindi ko na nga siguro maalis na hindi kita magustuhan dahil pinapakita mo rin sakin ang good side mo. Siguro nga naging totoo ka lang sa nararamdaman mo na kaibigan lang talaga ang kaya mong ibigay para sa akin. Masaya na ako dun Rukawa basta wag mo kong palayuin sayo dahil gusto kong makita kang naglalaro at susuportahan ko bawat laro mo kahit na ayaw mo sakin....

"Umiiyak ka ba?..

Nagulat ako ng mag salita si Rukawa pero nakapikit ang mata nya! paano nya nakita na umiiyak ako? dali dali kong pinunasan ang luha ko para hindi nya makita.

"Gising ka ba?" tanong ko.

"Tulog." sagot ni Rukawa...

"Hehehe Rukawa gising ka." ngiti kong sabi..

"Bakit ka umiiyak?" tanong nya ng nakapikit ang dalawang mata.

"Hindi ako umiiyak may iniisip lang ako." pagdadahilan ko.

Tumayo si Rukawa at tumingin sa akin. Hindi ko alam paano ako haharap sa kanya dahil nahihiya nanaman ako lalo na ng tumabi sya sa akin..

"Si Sakuragi ba ang iniisip mo?" seryosong tanong ni Rukawa.

"Ha! eh ano...

Nauutal nanaman ako at nahihiya kay Rukawa hay! di ako makapag salita ng maayos pag sya na ang kausap ko.

"Tama ako si Sakuragi nga." nakayukong sabi ni Rukawa.

"Hindi sya Rukawa." nahihiya kong sabi.

"Sino?" seryosong tanong nya.

Ayokong sabihin na sya ang iniisip ko dahil ayoko ng masaktan nanaman. Kailangan kong ipakita kay Rukawa na hindi ko na sya gusto dahil ayaw naman nya sa akin.

"Si ano si Takamiya." sagot ko hay wala na kasi akong maisip.

"Takamiya? yung kaibigan ni Sakuragi?" nagtatakang tanong ni Rukawa.

"Ha eh oo." nahihiya kong sagot..

Hindi makapaniwala si Rukawa sa sinabi ko! hindi naman kasi talaga si Takamiya ang iniisip ko kundi sya hay! bakit ba ako nahihiya ng ganito. Iniisip siguro ni Rukawa na gusto ko si Takamiya!, mas mabuti na sigurong isipin nya yun kesa naman malaman nya na gusto ko pa sya! baka lalo nya akong palayuin sa kanya.

"Uuwi na ako." seryosong sabi ni Rukawa.

"Sige." nahihiya kong sagot.

"Wag mong iyakan si Takamiya dahil di kayo bagay." inis na sabi ni Rukawa saka ito umalis.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now