CHAPTER 81

880 95 6
                                    

Nagpaalam na si Mitsui sa team at hinatid si Jewel kasama ang mga kaibigan nito na si Cally at Jinky naiwan naman ang team at sila Aicelle Yoko Ayako Haruko Nikay Flora Mae at Sasaki kasama ang mga kaibigan nito. "Para akong tanga ako na kuya walang alam....

"Wag kana magalit sa kapatid mo Eiji. Siguro natakot lang sya magsabi sayo dahil nag aaral pa at baka di mo payagan mag boyfriend." paliwanag ni Flora Mae.

"Pero kuya nya ako dapat ako unang nakakaalam nang nangyayare sa kanya." galit na sabi ni Eiji.

"Nangyare na wala ng magagawa yang galit mo." sagot ni Fukatsu.

"Pasensya kana Rukawa." hinging paumanhin ni Aika.

"Ayos lang wala naman may kasalanan." sagot ni Rukawa.

"Uuwi na ako congrats pala sa inyo ni Haruko." ngiting sabi ni Aika.

"Salamat." tipid na sagot ni Rukawa.

"Hatid na kita Aika...

"Ako na maghahatid sa kanya may pag uusapan kami." seryosong sabi ni Hanagata.

"Ah ganun ba hehehe sige." ngiting sabi nalang ni Moroboshi.

"So anong plano di na tuloy ang Christmas Party?" tanong ni Fukuda.

"Tuloy parin sila lang naman may problema eh hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.

"Hahaha oo nga naman." sang ayon ni Jin habang natawa.

"Kuya Sakuragi talaga hehehe." napapangiting sabi ni Aicelle habang nakatingin kay Sakuragi.

"Malapit na ang Christmas dapat nagmamahalan tayo hindi tayo nag aaway away kaya nga sabi sa kanta give love on Christmas day hahaha." natatawang kanta ni Kiyota.

"Tama dapat nagmamahalan tayo." sang ayon ni Fujima.

"I love you babe." ngiting sabi ni Sasaki.

"I love you too babe." sagot ni Fujima at niyakap si Sasaki.

"Hindi naman yan ang ibig kong sabihin eh." bulong ni Kiyota habang nakatingin kay Fujima.

"Sweet nila Unggoy wala ka hahaha." nang aasar na sabi ni Sakuragi kay Kiyota.

"Ituloy natin ang Christmas Party kakausapin ko kapatid ko kayo ng bahala kumausap kay Ikagami. Ayoko naman ng dahil sa nakaraan nila masisira ang plano minsan lang sa isang taon yun eh." paliwanag ni Eiji.

"Okay since wala ng problema bunot na kayo hehehe. Kung sino mabubunot nyo yun ang reregaluhan nyo nagkakaintindihan ba tayo?" tanong ni Satomi.

"Paano yung wala? Wala si Mitsui si Sendoh si Uozumi si Ikagami tska yung mga kaibigan ni Aicelle wala na rin.. si Hanagata at Aika?" tanong ni Ryota.

"Pwede pa naman sila bumunot bukas mauuna lang kayong bumunot dahil kayo yung nandito." sagot ni Ayako.

"Ayako hehehe." kinikilig na sabi ni Ryota.

"Sige mauna na ako hahaha wag sana si bakulaw ang makuha ko." sagot ni Sakuragi at bumunot na... nagulat sya ng makitang pangalan ni Kiyota ang nakalagay sa papel.

"Bakit ganyan ang itsura mo Hanamichi?" tanong ni Ryota.

"Sino ba nabunot mo?" tanong ni Maki.

"Pwede bang ibalik to hahaha uulit ako ayoko nito." natatawang sabi ni Sakuragi habang nakatingin kay Kiyota.

"Mukhang alam ko na kung sino nabunot nya." ngiting sabi ni Koshino.

"Opps bawal ibalik... Patingin nga kung sino nabunot mo." kinuha ni Satomi ang papel kay Sakuragi at tawa sila ng tawa ni Ayako ng makitang pangalan ni Kiyota ang nakalagay.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now