CHAPTER 20

1.2K 105 0
                                    

Sumama si kuya sa akin para dalawin ang team at si coach Anzai. Masaya ako na kasama ko si kuya na pupunta ng school dahil sigurado magugulat si coach Anzai pag nakita si kuya.

"Haruko bilisan mo dyan." sigaw ni kuya.

"Opo kuya." sagot ko.

Lumabas na kami ng bahay ni kuya! maaga pa naman pero mas gusto ni kuya na maaga ang dating namin dahil gusto nya maabutan si coach Anzai. Hindi kasi nag tatagal si coach Anzai pag tapos nyang mapanood ng practice umuuwi na agad sya.

Pag dating namin sa gym wala pa ang ibang players. Nagulat naman kami ni kuya ng makita si Sakuragi sa gym na natutulog. Napangiti na lang ako dahil ang sipag parin nyang mag practice tulad parin sya ng dati! pero mas gumaling na sya ngayon.

"Aba ginawa pang tulugan tong gym." inis na sabi ni kuya.

Hindi na ginising ni kuya si Sakuragi dahil alam nyang pagod ito. Napaka sipag ni Sakuragi dahil kahit hindi na sya freshman sya parin ang naglilinis ng gym! wala kang masabi sa kasipagan nya. Pag dating nila Mitsui at Ryota nagulat sila ng makita si kuya.

"Captain." nagulat na sabi ni Ryota at Mitsui.

"Anong captain hindi na ako ang captain nyo." galit na sabi ni kuya.

"Hehehe oo nga pala ako pala ang captain." natatawang sabi ni Ryota.

"Napa captain din tuloy ako hahaha." natatawa ring sabi ni Mitsui.

"Bakit hinahayaan nyong si Sakuragi ang maglinis ng gym anong ginagawa ng mga freshman?" seryosong tanong ni kuya.

"Hahaha captain paliwanag mo hehehe." ngiting sabi ni Mitsui sabay tulak kay Ryota.

"Ah hehehe kasi gusto ni Sakuragi hahaha." natatawang sabi ni Ryota.

Nagtataka siguro kayo kung bakit si Ryota parin ang captain ng Shohoku dahil hindi rin sya nag retiro katulad ni Mitsui. Ayaw nilang iwan ang Shohoku at si coach Anzai.

"Isa pa Akagi hindi naman marunong mapagod yan si Sakuragi hahaha kaya ayos lang kundi na sya tulungan hahaha." natatawang sagot ni Mitsui.

Dahil sa sinabi ni Ryota at Mitsui nakatikim sila ng umbag kay kuya. Wala parin pinag bago si kuya tulad parin sya ng dati na kapag nagalit nang uumbag.

"Ang sakit nun hah." inis na sabi ni Mitsui.

"Sorry Gori este Akagi hehehe." ngiting sabi ni Ryota habang hawak ang ulo nitong may bukol.

Pag dating ni coach Anzai ginising na nila si Sakuragi! sabay na dumating si coach Anzai at Ayako tuwang tuwang si Ayako ganun din si coach ng makita si kuya.

"Good morning po coach." bati ni kuya.

"Mabuti naman at dinalaw mo kami Akagi hohoho." ngiting sabi ni coach Anzai.

"Sana sinama mo si Kogure hehehe." ngiting sabi ni Ayako.

"Wala si Kogure busy sya! law kasi ang kinuha nya." seryosong sabi ni kuya.

"Aba attorney na pala ngayon si Kogure hehehe." ngiting sabi ni Ryota.

Hindi pa nagsimula ang practice dahil wala pa si Wezaki at Rekori ganun din si Rukawa. Hindi pa kilala ni kuya ang dalawang freshman na si Rekori at Wezaki pero nakita na nya ito sa party ng magpunta kami kanila Maki.

"Gori bakit nandito ka?" takang tanong ni Sakuragi.

"Tignan mo nga itsura mo Sakuragi naka hubad kapa di kana nahiya kay Haruko hehehe." ngiting sabi ni Mitsui.

"Haruko my love hahaha nandito kana pala sandali magbibihis lang ako hahaha...

Nagmamadaling nag bihis si Sakuragi. Napansin kong butas na rin ang sapatos nito! hindi ako naaawa kay Sakuragi ang totoo mas hinahangaan ko pa sya. dahil masyado syang dedicated sa paglalaro kahit na sira na ang sapatos nito.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz