CHAPTER 30

1.2K 103 7
                                    

Hindi na nga pumunta si Haruko at Akagi sa birthday ng Mama ni Rukawa. Nagtatampo naman ang kapatid ni Rukawa na si Sasaki dahil di dumating si Haruko! halos lahat ng team nandun maliban kanila Akagi, Sakuragi at Haruko.

"Hindi na nga ata darating si Haruko." seryosong sabi ni Maki.

"Pati nga si Sakuragi wala din. Ano bang nangyayari sa mga yun." napapakamot sa ulo na sabi rin ni Ryota.

"Wag nyo ng hanapin ang wala." inis na sabi ni Rukawa.

Naiinis si Rukawa dahil hindi dumating si Haruko. Naisip nyang baka magkasama sila ni Sakuragi ayaw man nyang tanggapin pero nakakaramdam sya ng selos kay Sakuragi.

"Sino ba si Haruko." ngiting tanong ng Mama ni Rukawa.

"Sya po yung gusto ng anak nyo hahaha." natatawang sabi ni Mitsui.

"Mitsui ayusin mo nga yung sagot mo nakakahiya ka." bulong ni Ryota.

"Manager po si Haruko sa SHOHOKU at ka-batch po sya ni Rukawa." sagot ni Ayako.

"Siguro magkasama yung dalawa hahaha." natatawang sabi ni Kiyota.

"Wag mong pag isipan ng di maganda si Haruko at Sakuragi." seryosong sabi ni Maki.

"Opo tatahimik na." sagot ni Kiyota.

"Basta ang pagkakaalam ko broken hearted si Sakuragi hehehe. Hindi nga rin nakipag practice yun dahil binasted ni Haruko hahaha." natatawang sabi ni Ryota.

"Ano sabe mo?" seryosong tanong ni Rukawa.

"Bakit nagtapat na ba si Sakuragi kay Haruko?" takang tanong ni Jin.

"Palagay ko OO hahaha di naman iiyak si Sakuragi kung hindi sya binasted ni Haruko." paliwanag ni Ryota.

"Nasaan na ngayon si Sakuragi?" tanong ni Satomi.

"Aba malay ko dun sa gung-gong na yun hehehe." ngiting sabi ni Ryota.

Hindi na nagsalita ang buong team maging si Rukawa. Nalungkot sila dahil sa ginawa ni Haruko para kay Sakuragi ayaw man nilang masaktan si Sakuragi kaya lang hindi nila hawak ang desisyon ni Haruko dahil kahit si Maki gusto nya si Sakuragi para kay Haruko.

"Kain na tayo hahaha." natatawang sabi ni Satomi.

"Kawawa naman pala si Sakuragi." nalungkot na sabi ni Kiyota.

"Malaki puso nun wag ka maawa dun sa dami ng nambasted sa kanya sanay na yun hahaha." natatawang sabi ni Mitsui.

"Palibhasa kasi ikaw ginagawa mong key chain ang mga babae mo." inis na sabi ni Ryota.

"Anong key chain? Hindi mo pa alam kung paano magmahal ang isang MVP hehehe." ngiting sabi ni Mitsui.

"Bakit paano kaba magmahal? pinapakain mo ba ng bubog at pinaluluhod mo sa asin hahaha." nang aasar na sabi ni Satomi.

"Pinakakain ko ng bola. Happy?" inis na sabi ni Mitsui.

"Hahaha tigilan nyo na nga yan." natatawang sabi ni Ayako.

Lumabas si Rukawa at yumuko ito. Ngayon nya sana ibibigay ang regalo nya para kay Haruko kaso hindi naman ito dumating katulad ng iniisip nya. Gusto din nyang makilala ni Haruko ang Mama nya dahil uuwi na to agad papuntang america.

"Kuya ayos ka lang?" tanong ni Sasaki.

"Ayos lang." seryosong sagot ni Rukawa.

"Nangako samin si Haruko na pupunta sya kaya nag expect kami ni Satomi. Sorry kuya kung di sya nakapunta." nalulungkot na sabi ni Sasaki.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now