CHAPTER 77

958 95 12
                                    

Maagang umalis si Sakuragi para pumunta sa bahay nila Mito. "Nasaan si Sakuragi?" inaantok na tanong ni Sendoh.

"Nauna ng umalis." sagot ni Maki.

"Hoy tumayo na kayo dyan tanghali na." sigaw ni Satomi at pinagkakatok ang pintuan..

"Ang aga aga naman mag ingay nyan." inis na sabi ni Minami.

"Anong oras naba?" nakapikit na tanong ni Ryota.

"11:00 am." sagot ni Hanagata.

"Ano 11 am na? Yare tayo nito kay coach Anzai may practice tayo." natatakot na sabi ni Ryota at ginising si Mitsui.

"Ngayon lang naman tayo malalate inaantok pa ako." sagot ni Mitsui habang nakapikit.

"Hoy tumayo na kayo kumain na kayo dun... Nga pala tinawagan ko kagabe sila Sasaki Haruko Ayako Nikay at si Aicelle sabi ko dito kayo natulog wala naman daw problema kaso nagalit ata hahaha sinabi ko kasi umuwi kayong lasing hahaha." natatawang sabi ni Satomi.

Biglang bumangon ang boys ng marinig ang sinabi ni Satomi. "Bakit mo sinabi. Hindi nya alam na may inuman." sagot ni Fujima

"Sorry kayo nasabe ko na eh hahaha." sagot ni Satomi at umalis na habang tumatawa.

"Pahamak talaga yang asawa mo kahit kailan." inis na sabi ni Sendoh.

"Ano inom pa hahaha." natatawang sabi ni Maki.

"Hindi kayo maganda kasama sa inuman madali kayong malasing di tulad nitong si Oda Hanagata at Rukawa matibay sikmura hehehe." ngiting sabi naman ni Moroboshi.

"Teka paano mag popropose si Rukawa kung galit pala si Haruko naku yare na." nang iinis na sabi ni Mitsui at dahil dun napatayo ng wala sa oras si Rukawa.

"Pahiram ng cellphone." seryosong sabi ni Rukawa.

"Ayoko nga may cellphone ka di ba." sagot naman ni Mitsui.

"Wala akong load dali na tatawagan ko sya." natatakot na sabi ni Rukawa.

"Sorry ka wala rin ako load hahaha bahala ka magpaliwanag buti na lang wala akong girlfriend hahaha." nang aasar na sabi ni Mitsui.

"Eh kaya naman pala nauna na si Hanamichi eh sigurado papatulong yun kay Mito kung paano magpaliwanag kay Aicelle naku yare talaga kayo hehehe Isa kapa Fujima ihanda mo sasabihin mo hahaha." nang aasar din na sabi ni Ryota.

"Hoy pati ikaw di mo ba narinig sinabi ni Satomi pati si Ayako sinabihan nya kaya ihanda mo rin sarili mo hehehe yare kayo." ngting sabi ni Mitsui at inaasar si Ryota

"Si Flora Mae ba sinabihan din nya?" tanong ni Eiji.

"Kasasabi ko lang hahaha." bungad ni Satomi at tumawa ng malakas.

"Bwesit naman oh." naiinis na sabi ni Eiji.

"Si Yoko lang ata hindi nya sinabihan." bulong ni Oda.

"Wala kasi akong number ni Yoko hehehe pero hihingin ko kay Maki para damay damay kayo hehehe." ngiting sabi ni Satomi at umalis habang tumatawa.

"Maki friends tayo di ba." kinakabahan na sabi ni Oda.

"Oo naman friends tayo pero takot ako sa asawa ko hahaha pasensya na Oda hehehe." ngiting sabi ni Maki at sinundan si Satomi.

"Paano to? Anong gagawin ko baka di na ako pakasalan ni Haruko." nalungkot na sabi ni Rukawa at nahiga ulit.

"Mag sorry kana lang sa kanya mamaya hehehe... Ako nga kukuha pa sa google ng sasabihin ko kay Nikay ayoko na mag isip hahaha." natatawang sabi ni Sendoh.

"Kung tumatayo kana dyan Rukawa at nag iisip ng sasabihin mo baka sakaling di pa magalit sayo si Haruko." seryosong sabi ni Ryota.

"Wala akong maisip na sasabihin." sagot ni Rukawa.

"Sa google kana lang din kumuha tulad ni Sendoh hehehe." ngiting sabi ni Moroboshi.

"Ayoko.. matalino si Haruko alam nya kung kinuha sa google o hindi." sagot ni Rukawa.

"Mag sosorry ka lang naman kung di nya tanggapin edi wag." sagot ni Fukatsu.

"Sayo kasi madali yun dahil wala kang girlfriend o minamahal eh samin mahirap yun lalo na kapag ayaw namin mawala." paliwanag ni Sendoh.

"Tama tama." sang ayon ni Fujima at nag iisip din ng sasabihin kay Sasaki.

"Kung ako sa inyo bilan nyo ng chocolate at bulaklak sila para lumambot tapos sabihan nyo ng magagandang salita para mapatawad kayo." paliwanag ni Minami.

"Teka nga may girlfriend kaba?" takang tanong ni Fujima.

"Wala." sagot ni Minami.

"Nasaan si Maki." nag iinat na sabi ni Kiyota dahil kagigising lang nito.

"Nandun sa kusina." sagot ni Oda.

"Pero tama si Minami bakit di nyo subukan wala naman mawawala hehehe." ngiting sabi ni Mitsui

"Kilala ko si Ayako di yun basta basta baka ihampas pa sakin nun yung bulaklak." sagot ni Ryota.

"Teddy bear na lang bigay mo para kung sakaling ihampas nya di ka masasaktan hahaha." natatawang sabi ni Moroboshi.

"Bahala na mamaya." sagot ni Eiji at kinakabahan din.

"Buti na lang ako walang girlfriend kung hindi yare din ako hehehe." ngiting sabi ni Moroboshi.

"Kaya ayoko magmahal eh." seryosong sabi ni Fukatsu.

"Wag ka magsalita ng tapos baka mamaya kainin mo yang sinabi mo pag nakilala mo ang babaeng magpapatibok ng puso mo hehehe." ngiting sabi ni Mitsui.

"Kung meron man hindi ko sya mamahalin kahit gusto ko sya ayoko matali." sagot ni Fukatsu.

"Ano nakapag isip na kayo ng sasabihin nyo hahaha.. Kumain na muna kayo bago kayo mag isip dahil siguradong sasabak kayo sa gyera mamaya." bungad ni Satomi at inaasar ang team

"Paano kami makakain kung alam namin galit sila samin." naiinis na sabi ni Ryota.

"Hehehe sorry hah naisip ko kasi na bigyan kayo ng leksyon since hindi ako makakaganti kaya sinabi ko nalang sa mga girlfriend nyo hehehe.. Isa pa pasalamatan nyo ko dahil dun nyo makikilala ang isang babae kung tanggap kayo sa ginawa nyo dahil kung mahal kayo ng mga girlfriend nyo patatawarin kayo." paliwanag ni Satomi.

"Tama." sang ayon ni Mitsui.

"Bakit ano bang meron?" tanong ni Kiyota na walang alam sa nangyayare.

"Aba ngayon lang ata kayo nagkasundo ni Mitsui." takang sabi ni Maki kay Satomi

"Friends na kami nyan... di ba bungal este Mitsui hahaha tumayo na kayo dyan at kumain na." ngiting sabi ni Satomi at umalis kasama si Maki at Mitsui.

"Alam mo may point yung asawa ni Maki if ever na hindi nila tanggapin ang sorry nyo ibig sabihin nun di nila tanggap kung sino at ano kayo parang ganun tama ba hehehe." ngiting sabi ni Kiyota.

"Ikaw ba talaga yan Kiyota?" tanong ni Fujima.

"Gutom na ako bahala nga kayo dyan." inis na sabi ni Kiyota at pumunta sa kusina para kumain.

"Ganito mauna mag sorry si Rukawa sunod si Sendoh sunod si Ryota bago ka Oda." paliwanag ni Fujima.

"Paano ako?" tanong ni Eiji.

"Kaya nyo na ni Fukatsu at Minami yan hehehe." ngiting sabi ni Fujima.

"Para mas maganda sama sama na lang huling magsosorry si Eiji." sagot ni Moroboshi.

"Okay sige tara kain na tayo gutom na ako eh hahaha." natatawang sabi ni Sendoh.

Ang hindi nila alam hindi sinabi ni Satomi kanila Ayako Haruko, Sasaki, Aicelle, Nikay at Flora Mae ang nangyare kagabe. Magulat kaya ang mga girls once na mag sorry ang mga boys sa kanila.... teka anong binabalak ni Sakuragi since alam din nyang galit sa kanya si Aicelle....

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now