CHAPTER 88

835 96 13
                                    

Hindi nakatiis si Maki na hindi puntahan ang asawa sa kwarto. Sinamahan naman sya ni Sendoh Fujima at Mitsui para kausapin din si Satomi

"Lumayas kayo sa harap ko lalo kana Maki." inis na sabi ni Satomi.

"Hindi pa nga nagpapaliwanag pinalalayas muna." sabi ni Mitsui na naiirita kay Satomi.

"Sorry na kung nasigawan kita kanina Hon diko naman sinasadya ayoko lang magpatalo kay Fujima. Alam ko naman pagkakamali ko yun. Papayag na lang akong matalo pero hindi ako papayag na hiwalayan mo ko." seryosong sabi ni Maki.

"At sino naman nagsabi na hihiwalayan kita?" tanong ni Satomi.

"Itong magaling mong bestfriend hahaha." natatawang sabi ni Fujima sabay turo nila Mitsui kay Sendoh.

"Sorry hahaha akala ko kasi iiwan mo na si Maki di pala hehehe." ngiting sabi ni Sendoh.

"Sorry na Hon bati na tayo please....

"Ayoko ano ka hilo ganun na lang yun." nagpapakipot na tinignan ni Satomi si Maki.

"Lambingin mo na lang iwan na namin kayo pero wag nyo muna sundan yung kambal hahaha." bulong ni Mitsui sabay tawa ng malakas.

"Usap lang walang ano hah hehehe." ngiting sabi naman ni Fujima at iniwan sila Maki at Satomi para makapag usap.

Abala naman sila Rukawa sa panood kasama si Aicelle Sakuragi at Haruko. "Tatang galingan mo dyan." sigaw ni Sakuragi habang pinanonood ang laro ni coach Anzai.

"Ang cute ni coach Anzai hehehe." ngiting sabi ni Haruko.

"Sino kaya sa kanila mananalo?" tanong ni Aicelle.

"Sakuragi gusto mo maglaro?" tanong ni Rukawa.

"Aba sympre naman hahaha." natatawang sagot ni Sakuragi.

"Tara makipag laro tayo sa dalawang coach na yan." seryosong sabi ni Rukawa at hinatak si Sakuragi.

"Ano hahamunin nila sila coach?" tanong ni Haruko.

"Hala nagbibiro ba yun si kuya Rukawa?" tanong din Aicelle

Nagulat nga sila Haruko at Aicelle ng hamunin ni Rukawa si coach Takato at coach Taoka na makipag laro ng basketball. "Ako ang papalit kay coach Anzai." seryosong sabi ni Rukawa.

"Rukawa." sambit ni coach Anzai.

"Hindi nyo na kaya coach maupo na lang kayo... Ang henyo na ang bahala." seryosong ding sabi ni Sakuragi.

"Papayag ako kung si Rukawa pero kung si Sakuragi ayoko." sabi ni coach Taoka.

"Bakit natatakot kaba sakin hah gurang na amoy lupa ano sumagot ka hahaha... siguro kinakabahan ka wag ka mag alala hindi ko gagamitin ang buong lakas ko... mga ganito lang hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.

"Handa kana ba matalo?" tanong naman ni Rukawa kay coach Takato na walang galang sa dalawang coach.

"Anong ginagawa ni Rukawa at Sakuragi dun?" tanong ni Mitsui kasama si Sendoh at Fujima.

"Baka hinahamon nila si coach hehehe." ngiting sabi ni Sendoh.

"Tama ka Sendoh." sabi ni Haruko habang kinakabahan sa mangyayare.

"Ano nagbibiro kaba Haruko?" tanong ni Mitsui.

"Masaya to tawagin natin sila hehehe." ngiting sabi naman ni Fujima at tinawag ang buong team para manood ng laro ni Sakuragi at Rukawa.

"Kapag nanalo kami sasayaw kayong tatlong coach at kapag natalo kami sasayaw si Sakuragi." seryosong sabi ni Rukawa.

"Teka teka bakit ako lang ang sasayaw?" tanong ni Sakuragi kay Rukawa.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now