CHAPTER 76

991 93 23
                                    

Hindi alam ni Maki at Oda kung paano iuuwi sila Sakuragi Kiyota Koshino Sendoh Minami Jin Fujima Fukuda Eiji Ryota at Mitsui dahil karamihan sa kanila lasing na lasing...

"Paano yan Maki... iiwan natin yan dito?" tanong ni Hanagata.

"Basta ako uuwi na ako bahala sila dyan." sagot ni Rukawa.

"Kasalanan mo to eh ikaw nagyaya mag boys night out eh." inis na sabi ni Fukatsu kay Rukawa

"Sino ba nagsabi mag inuman?" tanong ni Rukawa.

"Sige mag away pa kayong dalawa... Ang isipin nyo paano natin uuwi yang mga yan." seryosong sabi ni Maki.

"Nikay baby ang ganda ganda mo hehehe." ngiting sabi ni Sendoh habang lasing.

"Tara sayaw pa hindi ba party to hahaha." natatawang sabi naman ni Fujima habang sumasayaw.

"Mali kana man eh hahaha ganito ang pagsaway ikembot mo sa kaliwa." ngiting sabi ni Mitsui habang sumasayaw din.

"Wala na talaga... kaya ayoko sumama sa mga ganito eh di marunong uminom tong mga to." napapakamot sa ulo na sabi ni Fukatsu.

"Alam nyoy bah crush ko shi Loisa hehehe ganda ganda nya." ngiting sabi ni Minami at sumuka sa damit ni Fukatsu.

"Bwesit naman oh." galit na sabi ni Fukatsu at lumabas para pumunta sa restroom.

"Sinong Loisa?" tanong ni Maki.

"Teka shi Loisa kapatid ko ba yun? Hoy Minami hindi mo pwede ligawan shi Loisa hehehe yare ka shakin naintidihan mo hahaha." natatawang sabi ni Sendoh at sumuka rin sa tabi ni Rukawa.

"May kapatid si Sendoh na babae?" takang tanong ni Hanagata

"Aicelle ko." naghihilik na sabi ni Sakuragi habang nagsasalita.

"Ito Nikay yung isa Aicelle pakinggan mo kaya Maki si Kiyota kung ano sinasabi hahaha." natatawang sabi ni Moroboshi.

Pinakinggan nga ni Maki ang sinasabi ni Kiyota pero imbes na babae ang sabihin nito. "Papa umuwi kana miss na kita." umiiyak na sabi ni Kiyota habang tulog.

"May problema ba yan si Kiyota hah Maki?" tanong ni Moroboshi.

"Ewan ko di naman sya nagsabi sakin." sagot ni Maki habang nakatingin sa natutulog na si Kiyota.

"Dating gawi dun muna kayo sa bahay." ngiting sabi ni Maki.

"Paano sasakyan?" tanong ni Hanagata.

"Ayoko mag drive." sagot ni Rukawa.

"Sige ako na lang hehehe alam ko naman aayaw din si Fukatsu eh." ngiting sabi ni Moroboshi.

"Kunin mo susi sa bulsa ni Eiji ikaw Rukawa dun ka kanila Fukatsu sakin na si Hanagata.. Alalayan mo si Sakuragi  Sendoh Fukuda Mitsui at Ryota." paliwanag ni Maki.

"Kung utusan mo ko parang kapatid ko yang mga yan itapon ko sa labas yan eh." naiinis na sabi ni Rukawa.

"Hehehe sige na Rukawa wag na init ulo tulong na lang para naman di mo yan mga kaibigan eh." ngiting sabi ni Moroboshi at inakbayan si Rukawa.

Unang inalalayan ni Rukawa si Sakuragi para ipasok sa loob ng sasakyan. "Hoy gung gong mag lakad ka ng diretso ihagis kita eh." naiinis na sabi ni Rukawa kay Sakuragi.

"Hahaha bunso ikaw ba yan hehehe ang sweet mo naman." ngiting sabi ni Sakuragi habang nakatitig kay Rukawa.

"Pasok na kukunin ko pa si Sendoh." inis na sabi ni Rukawa kay Sakuragi.

"I love you hahaha." sagot ni Sakuragi sabay tawa.

"Gung gong." bulong ni Rukawa at umalis na para alalayan naman si Sendoh.

"Nikay ko ikaw ba yan hehehe." ngiting sabi ni Sendoh kay Rukawa habang nahihilo

"Isa pa to hay naku." bulong ni Rukawa.

Inalalayan naman ni Moroboshi si Minami at Eiji wala naman magawa si Moroboshi dahil suka ng suka si Minami ganun din si Eiji. "Sorry bro." nahihiyang sabi ni Eiji.

"Ayos lang bayaran nyo ko bukas hahaha." natatawang sabi ni Moroboshi.

Pagpasok ni Sendoh sa sasakyan tumabi ito kay Sakuragi at nag tandem ang dalawa sa paghilik pinanood muna ni Rukawa ang pag hilik ng dalawa kaya tinawag sya ni Moroboshi. "Hoy Rukawa nandun pa yung iba." untag ni Moroboshi.

"Oo sige.. Naghihilik ka pala Sendoh." takang tanong ni Rukawa sa sarili at umalis na para sunduin naman si Mitsui at Ryota.

"Tumayo kayo... sisipain ko kayong dalawa." naiinis na sabi ni Rukawa kay Mitsui at Ryota.

"Nahihilo ako." sagot ni Mitsui.

"Ako rin nahihilo Rukawa buhatin mo kami." nahihilong sabi ni Ryota.

"Sipa gusto nyo? Sige pag di kayo tumayo dyan kayong dalawa mag babayad ng bill." sagot ni Rukawa.

"Tara na Miyagi." sagot ni Mitsui at tumayo na parang walang nangyare.

"Teka nahihilo ako." sagot ni Ryota habang kinakaladkad ni Mitsui.

Inalalayan ni Rukawa si Koshino dahil hilong hilo ito at hindi sanay uminom. "Ayos lang ako Rukawa kaya ko." nahihilong sabi ni Koshino.

"Tulungan na kita baka sa ibang bahay ka umuwi." sagot ni Rukawa at inalalayan si Koshino.

"Ano tara na?" tanong ni Maki..

"Wala nabang naiwan?" tanong ni Hanagata.

"Wala ng tao sa loob." sagot ni Moroboshi.

"Okay lets go." ngiting sabi ni Oda.

"Hoy sandali... ako pa punyeta kayo iiwan nyo ko dun." naiinis na sabi ni Fukatsu.

"Hahaha nasa loob ka pa pala akala ko nasa sasakyan kana hahaha." natatawang sabi ni Moroboshi.

"Sige na tara na Rukawa ituro mo kay Moroboshi yung bahay namin." seryosong sabi ni Maki..

"Okay." tipid na sagot ni Rukawa.

Pag dating nila sa bahay halos lahat sila inaantok na dahil madaling araw na nakarating sila Maki. "Anong nangyare Hon?" tanong ni Satomi.

"Nandyan ang team paayos naman Hon ng guest room natin." seryosong sabi ni Maki.

"Okay sige." sagot ni Satomi.

Inalalayan nila Maki Rukawa Fukatsu at Moroboshi ang team. "Bakit lasing yang mga yan?" tanong ni Satomi.

"Kasalanan nito." turo ni Rukawa kay Fukatsu.

"Bakit ako kanino bang party yun?" tanong ni Fukatsu.

"Yan away ulit hahaha." natatawang sabi ni Moroboshi.

"Tabi tabi na lang sila okay lang ba sa inyo?" tanong ni Maki.

"Sa labas na lang ako matutulog." sagot ni Rukawa.

"Ako rin ayoko sa aircon madali akong lamigin." sagot naman ni Fukatsu.

"Kung tamaan kaya kayo sakin dalawa... sa loob kayo matutulog walang sa labas at kapag di kayo sumunod sakin hindi kayo makakauwi ng buhay." pananakot ni Satomi.

"Sabi ko nga sa loob ako." napapakamot sa ulo na sabi ni Rukawa.

"Sabi ko nga kaya ko magtiis sa lamig." sagot naman ni Fukatsu.

"Good madali naman pala kayong kausap eh hehehe." ngiting sabi ni Satomi.

"Kay Satomi lang pala kayo titiklop dalawa hehehe." natatawang sabi ni Moroboshi kay Maki.

Naisipan nila Mitsui Fujima Sendoh Kiyota at Sakuragi na maglaro ng baraha... Hindi tuloy alam ni Maki kung lasing ba talaga sila dahil mas nauna pang natulog si Rukawa sa kanila...

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now