CHAPTER 16

1.2K 105 0
                                    

Maki Residence...

Pagdating namin nila kuya nandun na lahat maliban kay Rukawa at Sakuragi! nasaan yung dalawa? Hindi ata sila pupunta sayang naman...

"Hi Haruko." ngiting bati ni Satomi.

"Satomi hehehe namiss kita." masayang masayang sabi ko.

"Ok naman hehehe namiss din kita Haruko." ngiting sabi ni Satomi sabay yakap sa akin.

"Bakit wala ata si Rukawa?" takang tanong ni Sendoh.

"Wala rin si Sakuragi." nagtataka rin tanong ni Koshino.

"Hindi namin matawagan si Sakuragi pero si Rukawa alam nya." sagot ni Fujima.

"Kulang pala tayo! nandito nga si Ikagami wala naman yung dalawa." seryosong sabi ni Maki.

"Nandito na kami hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.

"Aba ngayon lang ata nangyari na magkasama kayo hehehe." ngiting sabi ni Mitsui.

"Maupo na kayo." utos ni Maki.

"Aba lolo lalo kang tumanda hahaha." nang aasar na sabi ni Sakuragi.

"Loko." sagot ni Maki.

Halatang nag matured nga ang mukha ni Maki ganun din si Satomi! pero hindi naman sila stress dalawa bakita kaya? masaya ako dahil kumpleto ang buong team! kasama sila Ikagami at Uozumi.

"Anong balita sa inyong dalawa?" tanong ni Uozumi.

"Masaya ako dahil pinaunlakan nyo yung imbitasyon namin ng asawa kong si Satomi. May gusto akong sabihin sa inyo! hindi ko alam paano ko sisimulan dahil sobrang saya ko ng malaman ko yun!" maiyak iyak na sabi ni Maki.

Nagulat kaming lahat ng ipakita nya ang tatlong pregnancy test at puro positive yun. Natuwa kami dahil buntis na si Satomi hehehe.

"Wow congrats." tuwang tuwa sabi ni Kiyota.

"Ang bilis talaga ni Maki hehehe." bulong ni Fukuda.

"Nung una hindi ako makapaniwala na buntis ako. Ayoko pa sana sabihin kay Maki dahil baka di ako sigurado pero ilang test ang ginawa ko pero puro positive ang lumabas. Ngayon magiging nanay na ako at magiging tatay na si Maki." ngiting sabi ni Satomi.

"Wow congrats Satomi and Maki." ngiting sabi ni Fujima.

"Sana lalaki para nag babasketball din hehehe." ngiting sabi ni Sendoh.

"Sana babae para naayusan." sagot naman ni Ayako.

"Sana babae at lalaki para di kayo mag away hahaha." natatawang sabi ni Mitsui.

"Palagay ko kambal yan." seryosong sabi naman ni Jin.

"Stay na ba kayo dito for good?" tanong ni Ikagami.

"Oo dito na kami dahil gusto ko makasama kayo hehehe." ngiting sabi ni Satomi.

"Naks iiyak na ba kami hahaha." natatawang sabi ni Sasaki.

Lumapit ang buong team kay Maki para yakapin ito ganun din kami para yakapin si Satomi. Masaya ang lahat sa balitang sinabi ni Maki at Satomi hindi namin expected na magkaka baby na agad sila pero masaya talaga ako para sa kanila.

"Congrats Maki." ngiting sabi ni Koshino.

"Congrats lolo hahaha tatay kana sana ako maging tatay na rin hahaha." tawang tawa sabi ni Sakuragi.

"Wala ka ngang girlfriend eh hahaha." nang aasar na sabi ni Ryota.

"Congrats." tipid na bati ni Rukawa.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now