CHAPTER 95

860 96 8
                                    

Gustong saktan ni Rukawa ang sarili nya dahil maling mali sya na pag isipan ng di maganda ang girlfriend nyang si Haruko. Pag dating nya sa bahay nakita nya si Haruko na umiiyak kasama si Sasaki at Aicelle.

"Kuya Kaede ano bang nangyayare sayo?" tanong ni Sasaki.

"Dahil ba sa nakita mo Rukawa kaya ka umuwi? Wala naman namamagitan samin ni Sakuragi. Ikaw ang mahal ko hindi naman ako OO sayo kundi kita mahal ayaw kitang nasasaktan Rukawa pero minsan ako naman ang nasasaktan mo." umiiyak na sabi ni Haruko.

Lumapit si Rukawa kay Haruko at niyakap ito ng mahigpit. "Patawarin mo ako Haruko dahil hanggang ngayon nasasaktan parin kita. Maling mali ako na pag isipan kayo ni Sakuragi ng di maganda... Inaamin ko nagseselos ako ng makita ko kayo na magkayakap Mahal kasi kita Haruko at ayokong mawala ka sakin sorry." mahinang sabi ni Rukawa.

"Wala kana man dapat pag selosan dahil ikaw at ikaw lang ang mahal ko alam mo naman yun diba? Kaibigan lang ang turing ko kay Sakuragi at alam nya yun at masaya na si Sakuragi kay Aicelle kaya hindi mo dapat kami pag isipan ng di maganda ni Sakuragi." paliwanag na sabi ni Haruko.

Naupo si Rukawa at seryosong tumingin kay Haruko. "Pakakasalan mo paba ako?" tanong ni Rukawa.

"Hahaha yan kasi pahirapan mo kaya yan Haruko hehehe." nang aasar na sabi ni Sasaki sa kuya nya.

"Ang sweet ni kuya Kaede." ngiting sabi ni Aicelle.

"Hindi pwede yan." bungad ng team kasama si Sakuragi.

"Anong ginagawa nyo rito?" tanong ni Rukawa.

"Pakana nito." sabay turo ng team kay Sakuragi.

"Hindi pwedeng sumagot si Haruko sayo ng walang approval namin hehehe." ngiting sabi ni Maki.

"Tama." sang ayon ni Fujima.

"Ngayon tanungin mo ulit sya ng kaharap kami." seryosong sabi naman ni Satomi.

"Inaantok na ako bukas na lang." sagot ni Rukawa.

"Ah walang bukas bukas ngayon mo sya tanungin hehehe tara boys buhatin natin si Rukawa." ngiting sabi ni Sendoh.

"Tatanungin mo sya o ihahagis ka namin?" tanong ni Fukatsu.

"Tatanungin ko na pwede bitawan nyo ko." inis na sabi ni Rukawa.

Natatawa naman ang girls sa ginawa ng boys kay Rukawa. Lumuhod si Rukawa sa harap ni Haruko upang tanungin ulit ito. "Haruko Akagi pakakasalan mo ba si Kaede Rukawa?" nahihiyang tanong ni Rukawa.

"Ayieh kinikilig ako." ngiting sabi ni Jewel sabay hampas kay Mitsui.

"Grabe naman kiligin to nang hahampas." bulong ni Mitsui habang nakatingin kay Jewel

"Haruko sinaktan ako nyan ito oh dumudugo pa." nagsusumbong na sabi ni Sakuragi.

"Ako nga sinaktan nya Haruko ito may dugo rin labi ko." nagsusumbong din na sabi ni Rukawa.

Hindi naman makasagot si Haruko dahil hindi nya alam kung sino kay Sakuragi at Rukawa ang kakausapin nya. "Kuya Sakuragi ako na mag gagamot ng sugat mo moment to ni kuya Rukawa at ate Haruko." ngiting sabi ni Aicelle.

"Gusto mo ba sila magkabalikan o ayaw mo?" tanong ni Mitsui kay Sakuragi.

"Gusto kaso di pa ako nakakaganti sa kanya eh." sagot ni Sakuragi.

"Igaganti kita Sakuragi hehehe." ngiting sabi naman ni Sendoh.

"Hoy Rukawa bilisan mo dyan gutom na kami hahaha." natatawang sabi ni Kiyota.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now