CHAPTER 82

912 96 7
                                    

Nang matapos mag usap ang team lumabas si Rukawa... nakita naman ni Haruko na malalim ang iniisip ni Rukawa kaya nilapitan nya ito. "May problema kaba Love?" tanong ni Haruko.

"Wala akong problema ang dami lang magandang nangyare ngayong taon lalo na ng dumating ka sa buhay ko." seryosong sabi ni Rukawa at hinawakan ang kamay ni Haruko.

"Kung ako ba si Ikagami at binalak kong umalis iiwan mo ba ako dahil sa pangarap katulad ni Fridah?" tanong ni Rukawa kay Haruko.

"Hindi... dahil ayokong hadlangan ang pangarap mo at kung sakali na hindi kana bumalik maghihintay parin ako kahit na gaano katagal dahil ganun kita kamahal Rukawa at kung bumalik ka man at meron ng iba di ako magagalit bagkus magiging masaya pa ako dahil natupad muna ang pangarap mo na kasama ang babaeng mahal mo." seryosong sabi ni Haruko.

"Tutuparin ko ang pangarap ko na kasama ka at hindi ako papayag na umalis na hindi ka kasama. Mahalaga sakin ang basketball pero ngayon mas priority na kita. Mahal ko ang basketball Haruko pero mas mahal kita kaya ko mawala lahat wag ka lang." seryosong sabi ni Rukawa at niyakap si Haruko.

"Hindi naman ako mawawala Rukawa. Salamat love sa pagmamahal mo." mahinang sabi ni Haruko habang naka yakap kay Rukawa.

"Team tanungan tayo halikayo." tawag ni Eiji..

Dahil wala na si Sakuragi Aicelle Yoko at Oda nag open forum ang team na pinangunahan ni Fukatsu at Eiji. "Sabihin nyo lahat ng gusto nyong sabihin sa bawat isa. Mauuna si Maki na susundan ni Fujima pagkatapos nun pipili si Fujima na susunod sa kanya." paliwanag ni Eiji.

"Sayang wala si Mitsui." nakasimangot na sabi ni Minami.

"Bakit mo ko hinahanap." bungad ni Mitsui.

"Bakit bumalik ka?" tanong ni Ryota

"Sabi ni Sakuragi dito daw kayo matutulog kaya bumalik ako hahaha ayoko sa bahay namin maingay si Mama." natatawang sabi ni Mitsui at umupo sa tabi ni Ryota.

"Okay game ako una. Eiji gusto ko malaman nagagalingan kaba sakin?" tanong ni Maki.

"Hindi ka naman magiging number one dito sa KANAGAWA kung di ka magaling pero siguro kung ako ang nandito mas magaling ako sayo... sa tanong mo kung nagagalingan ako sayo ayos lang." sagot ni Eiji.

"Oo o Hindi nagagalingan kaba sa kanya?" ulit na tanong ni Rukawa.

"Oo." ngiting sabi ni Eiji.

"Ako naman... gusto kong itanong to kay Maki kanino ka nahirapan na player dito sa KANAGAWA sakin ba hehehe." ngiting sabi ni Fujima.

"Isa kana dun pero mas nahirapan ako kay Sendoh at Sakuragi." seryosong sabi ni Maki.

"Sakin bakit ako hehehe." ngiting tanong ni Sendoh.

"Next na... bawal ng maraming tanong hahaha." natatawang sabi ni Eiji.

"Sendoh ikaw na." ngiting sabi ni Jin.

"Matagal ko ng gustong sabihin to kay Rukawa ayaw mo ba sakin dahil magaling ako o ayaw mo sakin dahil gwapo ako hahaha." natatawang tanong ni Sendoh.

"Sino nagsabi na ayoko sayo?" tanong ni Rukawa.

"So gusto mo sa kanya?" tanong ni Mitsui.

"Ayoko rin." sagot ni Rukawa.

"Hayop na sagot yan hahaha." natatawang sabi ni Mitsui.

"Next na ikaw na Rukawa hehehe." ngiting sabi ni Hanagata.

"Ano pinagkaiba ng Jupiter sa Mars?" tanong ni Rukawa.

"Seryoso yan?" tanong ni Minami.

"Hindi." sagot ni Rukawa.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now