CHAPTER 62

1K 102 10
                                    

Maagang tumayo si Haruko para pumasok. Naiisip parin nya ang mga nangyari sa kanila ni Rukawa lalo na ang halikan nilang dalawa halos hindi nakatulog si Haruko sa sobrang saya ng dahil kay Rukawa...

"Hay Mahal na mahal talaga kita Rukawa hehehe." ngiting sabi ni Haruko habang nakatitig sa picture nila ni Rukawa.

Pag baba nya nakita nya si Rukawa na kausap ang kuya Takenori nya. Napangiti na lang si Haruko dahil close na ni Rukawa ang kuya nya dahil naka akbay pa si Akagi kay Rukawa habang magka usap...

"Kuya." bungad ni Haruko.

Nagulat naman si Rukawa ng makita si Haruko na naka short at naka sando hindi tuloy maka tingin ng diretso si Rukawa dahil gandang ganda sya kay Haruko.

"Good morning love." bati ni Rukawa.

"Good morning bakit ka nandito?" takang tanong ni Haruko.

"Ayaw mo ba?" seryosong tanong ni Rukawa.

"Gusto sympre hehehe." ngiting sagot ni Haruko.

"Inimbitahan ko ang buong team dito sa bahay mamaya para mag dinner kasama na rin si coach Anzai. Bukas ang alis ko Haruko papuntang New York." seryosong sabi ng kuya ni Haruko.

"Iiwan mo ko kuya? Bakit di mo sinabi sakin? Akala ko ba kuya di tayo pupunta sa ibang bansa." nalulungkot na sabi ni Haruko.

"Alam ko naman na aalagaan ka ni Rukawa kaya nga kinausap ko sya na bantayan ka habang wala ako. Haruko hindi habang buhay nandito ako lage! mag aasawa ako at ikaw rin. Naisip kong magpaalam sa team mamaya kaya nagpasya akong mag dinner sa bahay kasama sila. Ikaw at si Rukawa palang ang may alam nito maliban sa inyo wala na." seryosong sabi ni Akagi..

"Kuya mamimiss kita wala ng magtatama kapag nagkakamali ako at wala ng magtuturo ng homework ko! babalik ka agad kuya hah." naiiyak na sabi ni Haruko.

"Para kang bata Haruko nakakahiya kay Rukawa yang ginagawa mo. Kung ano man ang maging problema mo lage lang nandito si kuya tandaan mo yan at wag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Rukawa hah." ngiting sabi ni Akagi at niyakap si Haruko..

"Hindi naman nya ako binibigyan ng sakit ng ulo baka ngayon palang." sagot naman ni Rukawa.

"Basta mag iingat ka dito hah. Rukawa ikaw na bahala sa kapatid ko hah wag mong paiiyakin to." seryosong sabi ni Akagi.

"Makaka asa ka kuya hindi ko sya sasaktan mahal ko yan eh." sagot ni Rukawa..

Napangiti naman si Haruko sa sinabi ni Rukawa. Sabay sabay na kumain silang tatlo kasama ang mga magulang ni Haruko.

"Rukawa anak kumain kapa...

"Opo Papa salamat po." nahihiyang sabi ni Rukawa.

"Kamusta na nga pala kayo ng Papa mo maayos na ba ang lagay nya? siguro napaka gwapo rin ng Papa mo ang gwapo mo eh hehehe." ngiting sabi ng Papa ni Haruko.

"Mas gwapo po ako dun pero maayos na po sya at okay na rin po kami ni Papa." sagot ni Rukawa.

"Mabuti naman! Alam mo Rukawa bagay na bagay ka sa anak ko pag nag college na kayo magpakasal na kayo hehehe....

Muntik ng maibuga ni Rukawa ang kinakain nya sa sinabi ng Mama ni Haruko. Gusto nya si Haruko pero wala pa sa isip nya ang magpakasal lalo na hindi pa sila graduate..

"Mama naman baka mapressure si Rukawa nyan bata pa po kami." sagot ni Haruko.

"Hindi na kayo bata naghahalikan na nga daw kayo sabi ng kaibigan nyong si Fujima hehehe." nang aasar na sabi ng Papa ni Haruko.

"Talaga naman naidaldal pa lagot ka sakin mamaya Fujima." inis na bulong ni Rukawa.

"Bakit ka namumula anak? Masarap ba ang unang halik ni Rukawa hehehe." tukso ng Papa ni Haruko..

"Papa naman eh wag naman kayong ganyan nakakahiya kay Rukawa." nahihiyang sabi ni Haruko.

"Ayos lang masarap naman talaga ang unang halik." sagot ni Rukawa.

"Buti pa tong si Rukawa sinasakyan kami hehehe kaya gusto ko to eh di lang tayo close magkamukha pa tayo hehehe." ngiting sabi ng Papa ni Haruko.

"Wag ka naman masyadong madaldal baka mamaya di na pumunta si Rukawa dito mawalan pa ng poging boyfriend ang anak natin hehehe." ngiting sabi naman ng Mama ni Haruko.

"Mama naman eh." nahihiya na si Haruko sa mga panunukso ng mga magulang nya sa kanya.

"Ayos lang love I really enjoy your company especially your family." seryosong sabi ni Rukawa sabay hawak sa kamay ni Haruko.

"Ang sweet parang tayo lang nung kabataan natin darling hehehe...

Natawa na lang si Haruko at Rukawa sa Mama at Papa ni Haruko dahil napaka daldal at napaka kulit nito pero sobrang sweet kung magmahalan..

Nagpaalam na si Rukawa at Haruko para pumasok! dinala ni Rukawa ang bike nya at nagulat si Haruko ng may makitang bulaklak at letter..

"Para sakin ba yan?" tanong ni Haruko.

"Para sa Mama mo hehehe joke lang para sayo yan ikaw lang naman mahal ko eh wala ng iba." ngiting sabi ni Rukawa at binigay ang bulaklak at letter kay Haruko.

"Ang sweet naman salamat love pero bakit may letter parin? tayo naman na di ba." tanong ni Haruko.

"Gusto ko kasi na araw araw kang sulatan at araw araw kang ligawan hindi ako mapapagod na sumulat ng love letter para sayo kasi mahal kita." nahihiyang sabi ni Rukawa.

"Minsan ang corny mo hehehe pero yung ka kornehan mo ang  nagpapa sweet sayo hehehe. Salamat love bawing bawi kana sa mga pananakit mo sakin dati hehehe." ngiting sabi ni Haruko.

"Wag mo na paalala." sagot ni Rukawa..

"Hehehe sorry halika na love baka malate pa tayo...

Pag dating nila sa gym nakita nilang umiiyak si Mitsui nagulat naman si Rukawa ganun din si Haruko. Nilapitan ni Rukawa si Mitsui habang kausap nito si Ryota.

"Anong problema nyan?" tanong ni Rukawa.

"Binasted eh hahaha." natatawang sabi ni Ryota.

"Ano bang kulang sakin? ako na lang ata sa mundong to ang walang jowa mamatay akong single ayoko nun." umiiyak na sabi ni Mitsui.

"Kawawa kana man Mitchi hahaha mukhang matutulad ka sakin dati hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.

"Tumahimik ka mas lalo akong naiiyak kapag nakikita ko kayo ni Aicelle di hamak naman na mas gwapo ako sayo pero mas pinili ka nya! bwesit na buhay to bakit di pa ako kunin ni lord." inis na sabi ni Mitsui.

"Sige text ko si lord." nang aasar na sabi ni Rukawa kay Mitsui.

"Hahaha." natatawa na lang si Ryota at Rekori sa sinabi ni Rukawa.

"Hindi pa naman katapusan ng mundo Mitsui kaya wag ka mawalan ng pag asa may makikilala ka rin." ngiting sabi ni Wezaki.

"Hay naku akala ko naman kung ano iniiyak nyan." seryosong sabi ni Rukawa at iniwan si Mitsui.

"Mitsui kasi masyado kang nagmamadali nililigawan mo pa lang gusto mo may chukchak kemerlo kana." natatawang sabi ni Ryota.

"Anong chukchak kemerlo?" tanong ni Mitsui.

"Secret hahaha turo yun sakin ni Ayako hahaha." natatawang sabi ni Ryota at iniwan si Mitsui.

"Bago yun hah hahaha." bulong ni Sakuragi habang tumatawa

Nagsimula na ang practice nila habang umiiyak si Mitsui. Natatawa na lang si Haruko at ang team sa pinag dadaanan ni Mitsui dahil para itong namatayan kung umiyak..

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum