Napailing ako na kinakagat ang mga labi.
Shit! Is he out of his mind?
Mas nagulat ako ng bigla 'ring tumakbo si Yhana palabas ng silid.
Jesus!
Nanginginig ang mga kalamnan kong sumunod sa kanilang tatlo.
"Siguro naman alam mo na ang tungkol dito?" mapang-insultong pagtatanong ni Ken.
Rinig na rinig ko ang malakas niyang boses. Sigurado akong si Jess ang kinakausap niya.
This is not according to my plan! Hindi dapat sa ganitong sitwasyon ko ipapaliwanag kay Jess ang lahat.
"What do you mean? And kanina pa ba kayo nandito?" Puro tanong din ang naisagot ng kaibigan ko sa kalituhan.
"KANINA PA!" Mariing pagkakasabi ni Ken.
Tuluyan na kaming nagpakita ni Yhana sa kanila.
Nakaupo si Jess at Gabriel sa couch. Patuloy parin ang TV sa pag-andar. Parehas namang nakatayo ang dalawang pasimuno ng pustahan paharap kay Jess at Gabriel.
Mas nabalot ng kalituhan ang buong itsura ni Jess nang makita kami ni Yhana.
Para akong matutuliro na 'di malaman ang dapat sabihin, kung paano ipapaliwanag ang nangyayari.
"What the heck is happening here?" Tanging kalituhan ang nangingibabaw sa boses ni Jess.
Isa-isa niya kaming tiningnan na parang humihingi ng kasagutan.
"Jess....," nangangatal ang mga labi ko at umurong sa kaba ang aking dila.
Tumabi si Yhana sa'kin na namumuo na ang luha sa mga mata. Nakukurot ko na ang sariling mga palad.
Tanging tunog lang sa TV at malalalim na paghinga ang maririnig habang nagbabarilan kami ng mga tingin.
Maging si Ken ay nagulat ng mapagtantong wala talagang alam si Jess.
"So, walang gustong magsalita? Kung ano ang ibig-sabihin nito?" Jess chuckled silently. "Pero hindi ako BOBO," he put an emphasis sa word na bobo. "Para hindi mahulaan ang nangyayari, pinagplanuhan niyo 'to!" Gumagaralgal na nanggigigil ang boses niya.
Nanigas na ang dila ko at tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa’king mata.
Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang pagpapaliwanag. Napatitig nalang ako sakanya habang lumuluha.
Binigyan ni Jess ang katabi ng mapait na ngiti. "Kaya pala," paulit-ulit niyang saad kay Gabriel.
Panandaliang nawala ako sa sarili dahil hindi ko na namalayang tumakbo na pala si Jess palabas ng bahay at hinabol siya ni Gabriel.
"H-Halie," humihikbing tawag ni Yhana sa pangalan ko, maging siya ay walang nagawang salita.
Lumapit si Ken sa'min.
"Sorry, h-hindi, hindi ko alam na wala pala talagang alam si Jess."
Umigting ang panga ko ng marinig ang boses niya. Marahas kong pinunasan ang mga luha gamit ang dalawang palad.
Nakalahad sa’king harapan ang kamay ni Ken na may hawak na pera.
The price! Ten thousand cash!
Tumawa ako habang umiiyak.
Dahan-dahan kong kinuha sa kamay niya ang pera at nang mapasakamay ko agad kong isinampal sa kanya iyon ng buong lakas.
Sobrang lakas.
Maging ang kanang palad ko ay nasaktan sa ginawang pagsampal. Nagmistulang confetti ang pera. Napaurong si Peter sa pagkagulat.
I glared at him. May paunti-unting luha ang pumapatak sakanyang mga mata.
"Yan ba ang akala mo?" humakbang ako palapit sakanya.
"Na pera ang habol namin!?" Dinuro-duro ko siya pati na ang perang nagliliparan sa sahig.
I am insulted. I am aware that I was in a wrong place to feel this right now because my actions might steer to an extreme insult to my best friend.
“We agreed to this bullshit so that I can prove to you that a kind person like my friend is capable of loving and to be loved by a man. Not just because he wanted pleasure or pure sex!”
Is it really hard to grasp the reality that regardless of gender, anyone is capable of loving or to be loved?
My heart ached so deep. This world is too cruel. Humanity is fucked up.
"Putangina mo!!!" Puro mura nalang ang lumabas sa bibig ko habang paulit-ulit kong pinagsasampal ang iba't-ibang parte ng katawan ni Ken.
Nagmistulang manhid ang kaharap ko. Wala siyang ginawa para pigilan ako.
Tinanggap niya ang mga sampal na hindi mabilang na aking iginagawad.
***
Follow/Vote
The Story Has Just Begun........
The Story Has Just Begun........
Note: This might be the last POV from Halie.
Maraming salamat! I'll be glad to answer any questions that you might have guys.
You think Ken deserved that? hehehe share your thoughts!
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 10
Start from the beginning
