Matagl-tagal din bago sila natapos kumain. And as I expected walang nangyaring kabastusan. Muling naglabas ng tinig ang speakers.
"Hmm..'san yung restroom niyo?" tanong ni Jess sa kasama habang nagpupunas sa bibig gamit ang puting panyo.
"Over there, on the left," tinuro ni Gabriel ang direksyon tungo sa banyo.
Tumayo si Jess. "Mag c-cr lang ako," paalam niya.
"Okay, ako na bahala dito, pagkatapos isasalang ko narin yung cd na papanoorin natin." sabi naman ni Gabriel.
"We should've put camera on the bathroom!" nanghihinayang na sabi ni Ken kay Peter.
Naramdaman kong kumilos si Yhana. Hinarap niya si Ken. "Manahimik ka!" matigas na sumbat ni Yhana.
Muling ibinalik ng dalawa ang tuon sa screen. Ganoon din kami.
Wala na si Jess sa kusina. Inaayos naman ni Gabriel ang pinagkainan at inilagay sa sink. Naghugas pa siya ng kamay bago nilisan ang kusina.
"I-click mo yung nasa sofa," utos ni Ken kay Peter. Tumango ang napag-utusan at may kinuha sa gilid ng laptop.
Using the wireless mouse, Peter clicked the upper right hand corner of the screen.
The screen fills with Gabriel's body , sitting on a long couch that was covered by a gold cloth.
Nagmumukha siyang haring naka-upo sa kaniyang trono habang hinihintay ang mahal na reyna.
Hinihintay na lang niya si Jess bago simulan ang panonood ng movie.
Gabriel is a head turner, talagang sobrang gwapo niya. He has a baby face look but it wasn’t contradicting to his athletic body.
Tumayo si Gabriel para salubungin ang aming kaibigan.
Nilakihan ko ang aking mga mata upang makita ang bawat kinikilos nila. Narinig ko ang pagbuga ng hangin ni Yhana.
"This is it." Naaatat ang boses ng nakahikaw. Ken rest his chin on his hand again.
Sayang kang bata ka! Cute ka pa man din. What? Ano ba itong iniisip ko!
Hindi ko na lamang siya pinansin, pinakatitigan ko nalang ang pinapanood.
Umupo na si Jess sa ginintuang sofa, may kaunting espasyo sa pagitan nila. Kinuha ni Gabriel ang remote at may pinindot. Narinig namin ang tunog na pasimula na ang kung ano mang movie.
Inaantok na ako dahil sa tahimik ng paligid. Tahimik ang mga kasama ko at walang kibuan ang dalawang pinapanood namin sa laptop.
Sabi ko na nga ba , we're just wasting our time for this!
"This can't be!" Matigas na sabi ni Ken. Lumingon siya samin ni Yhana.
His eyes are sparking with fury.
"Siguro kinausap niyo si Jess tungkol dito, kaya wala siyang ginagawa kay Gab!" nagagalit na pahayag niya.
Naikuyom ko ang mga kamao sa narinig.
Mapang-akusa talaga ang lalaking 'to!
"Anong pinagsasabi mo?!" Hindi ko mapigilan ang sarili na mapasigaw.
Namumuo na ang tensyon sa pagitan namin. Pinipigilan ko narin ang sarili na manakit.
Sayang ang peys mo kapag hindi ako nakapag-pigil.
"Alam kong sinabi niyo kay Jess ang tungkol sa pustahan na ito, para manalo kayo!" pag-uulit niyang pang-aakusa.
Napaangat si Yhana sa kinauupuan. Magsasalita na sana siya ng tumayo rin si Ken at biglang kumaripas ng lakad palabas ng guest room, sumunod si Peter.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 10
Start from the beginning
