"Let's go girls," nakangiting pag-anyaya ni Ken. Nauna na sila ni Peter maglakad papasok sa guest room. Sumunod kami ni Yhana na magkahawak kamay.
Bumungad samin ang malinis, maaliwalas na kwarto. Malaki ang espasyo. May tatlong magkakahiwalay na kama at sa kaliwang bahagi ay may isa pang pintuan na sa tingin ko ay ang banyo.
Sa gitnang dulong bahagi ng kwarto ay mayroong maliit na lamesa, kung saan nakapatong ang laptop at sa kaliwa't kanan ay mayroong speakers. Kasalukuyan pa iyong inaayos ng dalawang binata.
Nagkatinginan kami ni Yhana. Ngumiti siya. Sabay kaming humakbang papunta sa dalawa.
In all fairness, lahat ay wireless. Para silang mga imbestigador or sindikato sa pelikula na nang ta-trap ng bida.
Yes sila ang kontrabida!
"Upo kayo," naiilang na sabi ni Ken. Itinuro niya ang dalawa pang upuan. Umupo kami ni Yhana na walang kakibo-kibo.
We transfixed our eyes on the screen.
Ang screen ay nahahati sa apat na kuwadrado para makuha ang apat na lokasyon sa bahay ni Gabriel. It allows the four of us to view the four areas of Gabriel's house.
In the upper left corner of the screen, the kitchen. In the right, the sofa. In the lower right part of the screen, Gabriel's room and the lower left corner of the screen, Gabriel and Jess entering the main door.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita ang itsura ng aking kaibigan. Una palang alam ko nang hindi siya yung tipo ng bakla na iniisip ni Ken.
Tutok na tutok kaming lahat. Nawala na ang dalawa sa screen. Nakapasok na sila.
Makalipas ang ilang segundo, unang lumitaw si Gabriel sa upper left part ng screen, sa kusina. Tinungo niya ang lamesang may ibat-ibang klase ng pagkain.
Niluto iyon ng kasambahay nila bago sabihan ni Ken na pinamamalengke daw ito ni Gabriel. Para daw hindi maging sagabal ang presensya ng katulong.
Lumitaw narin ang aming kaibigan. Nakasuot siya ng plain white t-shirt and black fitted pants, as usual. Sa unang tingin aakalain mo talagang tunay siyang lalaki dahil sa angking kagwapuhan at dahil narin sa kaniyang pananamit.
Nagkatinginan kami ni Yhana.
Dinilaan ko ang aking mga labing nanunuyo sa kaba. Tahimik naman ang dalawang binata na sayang-saya sa napapanood.
Sabay-sabay kaming nagulat nang may boses ang kumawala mula sa mga speakers.
Boses ni Jess.
Tinitingnan niya ang pagkaing nakahain.
"Mukhang pinaghandaan ah..." makahulugang sabi niya.
Pinakatutukan ko ang kanilang mga kilos.
"Of course!" Sabi ni Gabriel saka hinila ang isang upuan. "Have a seat."
Nakangiting umupo ang kaibigan namin. Tinungo ni Gabriel ang kabilang bahagi ng lamesa at umupo narin paharap sa kasama niya.
"Let's eat." Boses iyon ni Gabriel.
Nakapangalumbaba si Ken na seryosong-seryoso sa pinapanood.
Nag-umpisa nang magtunugan ang mga pinggan at kubyertos. Nawala na ang aking kaba.
"It seems like they're so sweet.., parang makatotohanan na," bulong sa'kin ng katabi. Nilingon ko ito. Nanganga-matis ang mga pisngi niya na ibigsabihin ay kinikilig.
I was relieved, mukhang nawala na ang pangamba niya. Hindi ko na pinatulan pa si Yhana. Kinurot ko nalang siya ng mahina para sabihing mag pokus sa pinapanood.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 10
Start from the beginning
