Kinabahan ako. Ayoko pang mamatay!

"Grey, dahan-dahan lang!" Sigaw ko para marinig niya.

Mukhang hindi niya ako narinig dahil sa ingay ng kalsada at lakas ng hangin na bumabayo sa'min.

' Bumabayo? '

"Dahan-dahan lang!" Bulyaw ko sa malakas na boses na abot ng aking makakaya.

Sakto rin siyang huminto dahil medyo traffic.

"I'll be gente Jess," napakalambing na pagkakasabi niya.

Jesus! It sounded dirty Grey! Ang dumi-dumi ng isip ko!

Alam kong nasa Cypress Village kami. Minsan na akong nakapunta dito nang magpunta ako sa bahay ni Halie at Yhana. Katabing Village lang namin ang Cypress.

Nalagpasan na namin ang Ruby st. kung saan naroroon ang bahay ni Halie. Nadaanan narin namin ang Jade st. kung saan naman nandoon ang magarang bahay ni Yhana.

"San ba tayo pupunta?" Mahina kong sabi.

Hindi na ganoon kaingay ang kalsada at mabagal na siyang magpatakbo. Sakto lang ang hampas ng hangin.

"Basta, maghintay ka lang," dinig na dinig ko ang pagkatuwa sa kaniyang boses.

Tanaw ko ang mayayabong na puno, matataas at iba't -ibang klase ng halaman. Mataas narin ang sikat ng araw. Mukhang nasa dulong bahagi kami ng Cypress.

Biglang napahigpit ang hawak ko sa matigas na tiyan ni Grey dahil sa biglaan niyang pag-preno. Halos nakalmot ko na iyon sa higpit ng pagkakahawak ko.

Bwesit 'di man lang nagpaalam!

"Pinagnanasaan mo ba ako?" Pabiro niyang tanong at tinukod ang paa at ibinaba ang stand ng motor. Tinanggal niya ang helmet.

He looks cool with the messy hair.

"Ang kapal mo talaga!" Tinanggal ko narin ang helmet. Nakabusangot kong inabot 'yun sakanya. "Ikaw nga itong laging sapilitan akong pinapasama," panunumbat ko.

Bumaba na ako sa motorsiklo. Inayos ko ang aking buhok. Inilibot ko ang paningin, walang harang o babala na nagsasabing bawal pumasok sa masukal na parte ng Cypress Village.

Dapat nilang lagyan ng harang ang parteng ito para sa kaligtasan ng mga residente lalong lalo na ng mga bata.
Sa isip-isip ko.

Tumingin ako sa kasama ko. Kasalukuyan niyang inaayos ang nagulong buhok.

Nagtagpo ang aming paningin.

A sweet smile lifted on his sexy lips.

Hindi na ako gaanong naaapektuhan sa kaniyang mga titig. Wala nang nagwawala sa dibdib ko. Slight nalang.

"Bakit dito?" Ibinalik ko ang tingin sa daan tungo sa maliit na kagubatan.

"This is my fa-·"

Hindi ko na gaanong narinig ang paliwanag niya dahil kumaripas ako ng takbo papunta sa mga naglalakihan at nagtataasang puno.

What the hell am I doing now?

Puro malalaking puno at ibat-ibang klase ng halaman ang nalalagpasan ko. Masarap ang temperatura. Nagsisilbing bubong ang mga puno sa nag-aapoy na haring araw.

"Wait!" Sigaw ni Grey. Direderetso lang ako sa pagtakbo. Sinusundan niya ako.

Malalakas na tunog ang nalilikha ko tuwing aapak ako sa mga tuyong dahon at mga sanga-sanga.

Wala akong ideya kung saan dapat ako liliko. Takbo lang ako ng takbo. Hinayaan ko ang sariling mga paa kung saan niya nais tumungo.

Ang buong akala ko'y wala ng katapusan ang nagtataasang mga puno. Napako ang paa ko ng nakaapak ako sa damo. Hindi ako makagalaw sa ganda ng nakikita. Sa tingin ko ay ito ang pinaka-gitnang bahagi ng gubat.

Damuhan. Very fine bermuda grass. May malaking bato sa gitna ng damuhan. It was like a picnic area.

Rinig ko ang papalapit na mga kaluskos. Lumalagatok na mga sanga.

Humakbang ako papunta sa gitna. Gandang-ganda parin ako sa nakikita. Hindi ko lubos akalain na may lugar palang ganito sa syudad.

Nang marating ko ang gitna, dahan-dahan akong umupo sa damuhan at sumandal sa malaking bato. Ipinagpahinga ko ang mga paa sa damuhan.

"Grabe ka a-ang bilis m-mong tumakbo," hingal na hingal na sabi ni Grey.

Tumayo siya sa harap ko na hawak ang dibdib. Taas-baba ang kaniyang mga balikat sa paghingal.

Umupo rin siya sa damuhan, paharap sa'kin.

"This is my favorite spot, here in Cypress, wala masyadong pumupunta dito," paliwanag niya habang naka ngiti na sa'kin.

And so what? Bakit mo naman ako dinala rito? at bakit ako?

Mga tanong sa utak kong hindi ko na isinatinig.

Dinukot ko nalang ang perang pambayad sakanya mula sa kaliwang bulsa saka ko inunat ang kamay palapit sakanya.

"What is that?" Nakataas ang dalawa niyang kilay habang sinusuri kung ano ang hawak ko.

"Bayad ko sa libro."

Naningkit ang mga mata niya at bumuga ng hangin.

"Libre ko nga 'yun sayo," napakamot siya sa ulo. "Wag ka nang mahiya." Pagpupumilit pa niya.

Nag-aalangan kong ibinalik ang pera sa bulsa. Tumingin ako ng diretso sakanya.

My lips parted.

"So... ano ang dahilan kung bakit ka lumiban sa klase?" I asked.

"Uhm uh... personal reason." Then he just smiled.

Marami pang katanungan ang nais kong isatinig para malinawan ang utak ko, pero isa lang ang lumabas sa bibig ko.

"And bakit mo ako dinala dito?"

"And why not? this is a special place for me." May paninindigan niyang sagot.

Hindi nag sink in sa utak ko ang ibig niyang sabihin. I don't get it.

***

HEY! What do you think 'bout this chap?

Follow/Vote

Hope you liked it.
Thank you so much!

The Parallel Red StringsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora