"Done assessing me?"
Napaiwas ako bigla ng tingin sa sinabi niya. Umatras din ako ng bahagya sabay tumalikod ng mabilisan.
Hindi pa man ako nakagagawa ng hakbang nang hawakan niya ang dalawang balikat ko mula sa likod at ipinaharap ako sakanya.
Nakita ko ang kabuuan ni Grey sa pagharap kong muli.
He's wearing a tight white V-Neck shirt and tight black jeans that show off his masculine and athletic body. His shirt was really tight that I could make out the definition of his hard chest pushing against the shirt.
Muli ring nagsumiksik ang refreshing smell niya sa ilong ko.
Tumingin akong muli sa kaliwa't kanan. Ang kaninang nagtatawanan na estudyante, ngayo'y napalitan ng pagtataka, pagkainggit at panghuhusga ang mga itsura.
Napansin din iyon ni Grey.
"Wag mo silang pansinin, halika na," sabi niya at hinatak ako palapit sa motor. Inabot niya sa'kin ang isa pang helmet.
"Saan!?" Pigil na pigil ang boses ko para hindi marinig ng iba.
"Sumama ka nalang," lumingon siya sa paligid. "Sige ka gusto mo bang pagkaguluhan ka nila rito? Kapag iniwan kita?" Pananakot niya.
Naglakbay ang mata ko sa paligid. Napapikit ako ng makitang nagbubulungan ang mga nakapaligid at palipat-lipat ang tingin sa'min ni Grey.
This is insane. Their faces are shouting with disgust.
"You know what I mean," bahagyang tumaas ang isa niyang kilay.
Ugh! baka sabunutan ako ng mga baliw! Baliw sakanya!
Sumakay na si Grey sa motorsiklo at sinenyasan akong sumakay narin.
Pikit mata't labag sa loob akong sumakay, ganoon din sa pag-suot ng humahalimuyak na helmet.
"Ano wala ka bang balak humawak?" tanong ni Grey habang pinapaandar na ang motorsiklo.
I rolled my eyes. Humawak ako sa magkabilang balikat niya nang magsalita ulit siya.
"Bakit diyan gusto mo bang madisgrasya tayo?"
"Saan ba?! Baba nalang kaya ako, hindi ko nga alam kung 'san mo na naman ako dadalhin!" Pagmamaktol ko.
Buti nalang pogi ka kaya kahit 'di ko alam kung saan mo ako dadalhin sumasama ako.
Kinurot ko ang sarili sa naisip.
Gumalaw ang balikat niya dahil sa pagtawa.
Anong nakakatawa? Sira ulo ba 'to?
"Relax, just hold on, on my six packs and you'll be safe," he said in a very sweet tone.
What? Oh god!
"Sige na Jess."
Unti-unting kumalas ang mga kamay ko sa balikat niya. Bumuntong hininga muna ako bago yumakap sa kaniya. Wala na akong nagawa kundi sumunod.
I felt his warm and hard body. It was like he wasn't wearing a shirt. So masculine. So hard.
Naalala ko na naman ang pangyayari sa jeep. Yung hita niya.
Try it. Gawin mo kung ano ang nagawa mo sa hita niya, pisilin mo!
Pang-aasar ng utak ko.
Pinaharurot na ni Grey ang sasakyan. Mabilis. Ramdam kong mas lalong tumigas ang katawan niya dulot ng pagmamaneho.
It became harder and harder ng bumilis pa ang takbo ng sasakyan.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 7
Start from the beginning
