Chapter 34: Flashback

2K 50 27
                                    



Nahihirapan na ako, hindi na talaga nakakatuwa. Hindi ba pwedeng magtime-out muna? Gusto ko naman pag may naisip ako, yung masaya. Yung something peaceful, hindi ganito! Gusto ko naman kung may makikita man ako pagkatapos ng tatlong taon kong paghihintay, gusto ko siya lang at walang kasamang iba.

Troy. Troy Madrigal. Hindi ko akalaing ganito pala talaga ako katanga para hindi mapansin na ang TM na sinasabi ni Ashely at ang Troy Madrigal na mahal ko ay iisang tao lang.


"Malapit na ba tayo? Saan mo ba talaga ako dadalhin?" Tanong ko kay Troy. I couldn't see a thing. Troy decided to put a blindfold over my eyes and I had to keep it on before we get to our destination. The only thing guiding me to our next stop was his hand pulling me along.

"We're almost there," Tatawa-tawang sagot niya. I just nodded and continued to walk with him. I was kind of nervous about walking out here. Gabi na kasi. Kanina pa kami naglalakad at kanina pa din niya sinasabi sa akin yan. "Last step. Stop!"

Huminto ako pagkahinto din ni Troy. Tinanggal na niya ang blindfold sa mga mata ko. Pagkamulat ko wala akong makita dahil sobrang dilim ng paligid. Kinusot kusot ko pa ang aking mga mata pero wala talaga. Walang ilaw. I felt him took his hand away from mine and I was getting nervous.

Nagsimula na akong magpanic nang may marinig akong ingay mula sa dilim. Where is he? What is he doing? "Troy!"

"Stay put, Nica. Trust me." Kumalma lang ako nang marinig ko siyang magsalita hindi malayo sa akin. Nagulat na lamang ako nang biglang umilaw sa kaliwa ko sa bandang grandstand. Walang tao. Saka ko lang na-realize na sa gym pala niya ako dinala.

Bigla nalang nawala ang ilaw sa grandstand kaya nagpanic ulit ako. Ano ba ang ginagawa namin dito sa gym? Nasaan na ba siya? Hindi ko siya makita! "Troy, asan ka ba? Are you okay?"

"I should be asking you the same thing. Ayos ka lang ba?" Narinig kong sabi niya. Sa palagay ko ang lapit lang niya. Sa boses niya kasi parang malapit lang siya sa akin.

Tumango lang ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita. As much as I'm worried about my own safety at this point, he doesn't have to be worried about a thing. As long as he is here with me and keeping me away from harm, I'll be fine.

Bigla na namang umilaw sa gym pero this time hindi na sa grandstand kundi sa kinatatayuan ko na. Okay, I was not ready for the bright light in my eyes. I closed them in pain and looked down to the ground. Ang sakit ng mata ko! Kailan pa nagkaroon ng spotlight sa gym? Tinutok pa talaga sa akin.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nagulat na lamang ako nang malaman kong nakatayo pala ako sa center circle ng gym. Pero hindi yun ang kinagulat ko. Imbis na simpleng circle lang kasi ay ang picture namin ni Troy ang nakadikit doon sa sahig. Naalala ko, ito yung unang picture naming magkasamang dalawa. Parehas kaming nakasuot ng uniporme at ang laki ng mga ngiti namin doon.

Naguguluhan ako dahil wala akong maintindihan sa mga nangyayari at the same time naiinggit. Mabuti pa yung sahig merong kopya ng picture samantalang ako, wala. Si Troy kasi ang kumuha ng picture gamit ang phone niya at hindi nag-abalang ipa-print at ibigay sa akin.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Where stories live. Discover now