Chapter 33: Coming Back

2K 43 18
                                    

Everything happens at the right time in the right place under the right circumstances. xx

_______________________________________________________

"Jennica"

"Ano ba, Knight! Wag mo nga akong sundan!"

"Ano bang problema mo? Hindi ka naman ganyan kahapon, ah?"

Gabi na nang matapos ang meeting namin para sa event na sinalihan ko sa CAS Days. Naglalakad lang ako pauwi sa Condo dahil wala ng masasakyang jeep. Dapat sana ay kukunin ko na ang bracelet kay Knight nung makita ko siya na naghihintay sa akin sa labas ng room pero nauwi lang yun sa pag-iwas ko sa kanya at pagsunod niya sakin hanggang sa umabot kami dito sa Plaza Rotonda.

Mula pa bago ako matulog nung gabing nangyari yung paghalik niya sa akin, ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko. Sa sobrang inis ko, nakatulog ako sa kakaiyak. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko para sa kanya.

Buong maghapon siya na lang ang iniisip ko. Buong maghapon na lang siyang tumatakbo sa utak ko. Kaya siguro sumakit na ang ulo ko eh. Magdadalawang linggo na din pero hindi ko pa rin kinukuha sa kanya ang bracelet ko.

"Until when are you going to run away? Aren't you tired?"

"Lubayan mo nalang nga ako!"

"Ano ba talaga ang problema mo? Eto ba?"

Huminto ako sa tapat ng fountain sa Plaza Rotonda para harapin si Knight. Itataboy ko pa sana siya pero hindi nangyari dahil bigla nalang akong natigilan. Nakita ko kasing itinaas niya ang kamay niya kung saan nakasuot ang bracelet ko.

Tiningnan ko siya sa mukha at blangko lang ang reaksyon niya. Walang emosyon. Napansin na ba niya na palagi akong nakatingin sa kamay niya kaya niya naisip na yun nga ang problema ko?

"Hindi." pagtatanggi ko pagkatapos ay tinalikuran na ulit siya. "Uuwi na ako. Wag mo na akong sundan."

Bakit ganito na lang ako simula nung gawin niya yun? Tensyonado. Hindi ko naman masabing mahal ko na siya. Parang too soon for me to feel that? Pero hindi ko maintindihan kung bakit nabo-bothered ako ng ganito kahit hindi naman dapat.

Siguro tama nga ang sinabi sa akin ni Ashely noon. Na kaya hindi ko magawang kunin ang bracelet ko kay Knight ay dahil natatakot akong baka hindi na kami muli pang mag-usap o magpansinan.

Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Kahapon ko pa gusto umiyak pero pinipigilan ko kasi hindi dapat eh. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako mapakali kahit na sanay naman ako na wala si Knight sa buhay ko dati.

"Hindi na ba importante ang bracelet na 'to sayo?"

Muli akong napahinto sa narinig ko. Gusto ko sanang lumingon ulit pero hindi ko ginawa dahil ayokong isipin niyang totoo ang hinala niyang ang bracelet ko nga ang dahilan kung bakit ako ganito.

Nagsimula na akong maglakad ulit. Minsan kapag sobrang napalapit ka na sa isang tao, natatakot ka na baka pag nawala ang komunikasyon niyo, maglalaho na rin ang lahat. Oo, inaamin ko. Natatakot ako na baka mawala rin si Knight katulad ng ibang taong dumaan sa buhay ko. Natatakot ako na pag kinuha ko na sa kanya ang bracelet ko, lalayo na din siya sakin.

"So ayos lang sayong itapon ko 'to?"

Parang ipinako ako sa aking kinatatayuan nang marinig kong may itinapon sa may fountain. Kami lang dalawa ang nandito ni Knight dahil halos lahat ng tao ay nasa may bench kaya imposibleng ibang tao ang gagawa ng pagtapon na yun.

Lumingon ako sa fountain at nakita ko pa ang pagtaas ng tubig sanhi ng pagtapon ng isang bagay doon. Ramdam kong nawalan na ng kulay ang aking mukha. Nagsimula nang sumalakay ang kaba sa aking dibdib.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Where stories live. Discover now