Chapter 22: Broken and blinded

3.2K 69 25
                                    





Nakauwi na kami nina Ashely at Charmaine sa bahay at ni isa sa amin ay walang gustong magsalita.

I know na tina-try nila akong tanungin kung ano ang nangyari pero ramdam din siguro nila na ayoko na munang pag-usapan yun.

Dumiretso ako sa kwarto ko at humiga na sa kama.

Nag-iinit na naman ang gilid ng mga mata ko.

Gustuhin ko mang makalimot, sa puntong ito ay hindi ko magawa.

Nakalimutan ko na siya eh!

Kahit papaano nakakalimutan ko na siya.

Masaya na 'ko eh. Sa mga kaibigan ko.

Akala ko okay na ako.

Akala ko okay na, kasi nagkaka-attract na ako sa iba.

Kaya ko na nga eh sa totoo lang.

Pero tuwing gabi, bago ako matulog, hindi naman sila yung naiisip ko. Siya pa din.

Tinutulungan ko naman ang sarili ko. Marami na akong ginawang paraan. Ginugugol ko na nga ang oras ko sa ibang bagay tulad ng pagfo-focus sa pag-aaral, gawain sa bahay, anong pwedeng gawin mamaya, anong pwedeng kainin, lalabas ba ako o matutulog? Pero parang hindi pa din sapat. Kasi, habang iniisip ko ang mga yun, sumisiksik pa rin siya sa isip ko at pilit na binubuhay ang puso ko na iniwan niya.

Narinig kong may pumipihit ng doorknob ng pinto kaya dali dali kong tinakpan ang mukha ko ng unan.

Ayokong may makakita sa 'king ganito ako lalong-lalo na ang mga best friends ko. Mag-aalala na naman sila sa 'kin eh.

Naramdaman kong may umupo sa gilid ng kama ko.

"Jenna,"

Si Charmaine.

Nang marinig ko siyang magsalita, hindi ko maiwasang mapahikbi dahil parang sinasabi niya sa 'king anjan lang siya para makinig sa problema ko at magiging maayos lang ang lahat.

Bumangon ako at umayos ng upo pero umiiyak pa rin ako.

Pinupunasan ko ang luha ko gamit ang kamay ko pero tuloy tuloy pa rin sila sa pag-agos eh.

Hindi ko mapigilan.

"May nangyari ba?"

Ayokong pag-usapan ang kahit na ano tungkol kay Troy lalong-lalo na kay Charmaine dahil alam kong ayaw niya kay Troy para sa akin. Hindi ko naman siya masisisi eh.

For the past 3 years, ayokong marinig kahit ang pangalan man lang niya, o ang kung ano mang bagay tungkol sa kanya dahil ang sakit sakit eh.

Alam mo yun.

Parang dinudurog ang puso ko na hindi ko maintindihan.

Gustuhin ko mang ikimkim lang lahat sa 'kin ay alam kong kailangan ko pa rin itong ilabas. Kahit pa masakit para sakin, alam kong mas mahihirapan lang ako pag tinago ko lang lahat sa loob ko.

"Na-nakita ko siya... S-si Troy,"

Kitang-kita ko sa mukha ni Charmaine ang pagkabigla. Hindi siya nagsasalita.

Umiyak lang ako ng umiyak dun pero napagdesisyunan ko nang sabihin sa kanya ang kung ano man ang nasa loob ko.

Akala ko naka-move on na ako eh.

Ang akala ko nakalimutan ko na siya.

Ngayon na nakita ko na ulit siya,

Bigla ko nalang marerealize na hindi pa pala.

"Na-nakita ko siya k-kanina. Hinabol ko siya. P-pero hindi ko siya naabutan. God knows how much I miss him so much. A-alam kong labis labis na sakit ang naibigay niya sa 'kin. Pero mahal ko siya eh. Ang tanga tanga ko!"

Pinupokpok ko na ang ulo ko gamit ang kamay ko pero pinipigilan niya 'ko.

Hindi siya nagsasalita.

Ramdam kong ang gusto lang niya ay ang mailabas ko ang lahat ng hinanakit ko.

"Alam mo ba kung anong naramdaman ko sa mga oras na yun?

...Sakit. Akala ko nga galit eh dahil sa mga ginawa niya sakin. Bakit ba kasi ganito? Bakit sa lahat ng tao siya pa? Bakit kahit anong pilit ko, naaalala ko pa rin siya? Bakit? Eh 'di ba sinaktan naman niya 'ko? Di ba iniwan naman niya 'ko? Akala ko nakalimutan ko na siya eh tapos bigla ko siyang makikita? Akala ko kaya ko eh, kinakaya ko lang pala. Ang sakit. S-sobra."

Sa totoo lang, hindi pa ako dumating sa punto na tanggapin na iniwan na talaga niya 'ko. Pinilit ko lang tanggapin.

Pinilit kong labanan lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Inisip ko yung galit na dapat maramdaman ko para kalimutan siya. Pero di ko nagawang mawala siya sa isip ko, Sa puso ko.

Siya pa rin eh.

Siya pa rin talaga yung taong gusto kong makasama.

Niyakap niya ako, "Jenna, tahan na. Tama na yan. Hindi siya deserving para iyakan mo ng ganyan. Kalimutan mo na siya,"

Mas lalong napalakas ang pag-iyak ko sa narinig ko mula sa kanya.

Forget about him?

How can I forget about him?

How am I going to do that?

He's not just a dream that I can forget the morning after.

He's my First Love.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon