Chapter 8: He's just Conceited

3.9K 100 24
                                    






Second day of class.

Naglalakad na kami ngayon ni Ashely papuntang labasan. Tapos na kasi ang klase namin sa araw na ito. Mabuti naman at after ng nangyari sa gym, walang masamang nangyari sakin. Isa itong himala mga kaibigan.

At mabuti naman nagawa kong iwasan si Knight buong araw.

Akala ko nga napakaganda na ng araw na ito eh pero nalaman ko nalang na magkaklase pala kami ni Knight sa dalawang subjects. First and last subject pa talaga at araw-araw pa!

Waaahh! Sisimulan at tatapusin niyang sira ang araw ko!

Walang patawad!



Pero nagtataka talaga ako dahil halos lahat ng taong makakasalubong ko ay nakatingin sa akin at nagbubulungan pa. Nakakailang nga eh pero hindi ko nalang sila pinapansin. Baka kasi guni-guni ko lang.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa mo yun," Ashely

Napatingin ako sa kanya, "Huh?"

"Er, Bakit mo ba kasi ginawa yun?" Mukhang naiirita na siya.

"......" (O.o)

Nakatingin lang talaga ako sa kanya nang nagtataka. Kanina pa kasi siya paligoy-ligoy eh. Marami kaya akong ginawa. Alin dun?



"My Ghad Jenna! Bat mo ba kasi yun ginawa?!!!"

"Ano ba! Paulit-ulit ka naman eh!"

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya kaya napatigil na din siya.

"Bakit ba kailangan mo pang iuntog ang ulo mo kay Knight, ha?!!"

"Eh, bakit ba? Yun lang ang naisip ko sa oras na yun eh. Para namang masakit yun. Dapat nga mas malakas pa dun eh,"

"Asahan mong sa hindi pa natatapos ang semester na ito, may mangyayaring hindi kaaya-aya." iling-iling pa siya tas naglakad na ulit.



Sumunod naman ako sa kanya na litong-lito. Hindi ko padin gets kung ano ang ibig niyang sabihin dun sa huli niyang sinabi eh. Ano kaya yun?







"Siya yun, diba?"

"Oo siya nga."

"Ang kapal ng mukha niya."

"Kala mo kung sinong maganda. Hmp!"









Naririnig ko na ang mga bulungan ng mga estudyante na nadadaanan namin. Napapalakas boses nila eh. Tsk. Tingin pa din sila ng tingin sa banda namin at nako-concious na ako.

Feel ko ako pinagtsi-tsismisan nila.

Pero hindi naman makapal mukha ko ah? Tsaka maganda ako eh! Edi, hindi ako yun... ;D




Baby you light up my world like nobody else. The way that you flip your hair gets me overwhelmed




Calling...

Baklang Tsa



Tumatawag isa ko pang bestfriend kaya sinagot ko na. Baka may problema eh.



"Oh Charmaine, napatawag ka?"

("Jenna, pwede bang tumuloy sa inyo?")

"Huh?"

("Share tayo sa gastos tsaka sa upa. Pwede sa inyo tumuloy?")

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon