Chapter 24: He said what?

3.1K 84 39
                                    

I need votes and comments po. huhu. XD

_______________________________________________________

-JENNICA RAMIREZ POV-



"WAAA! Jenna, Bilisan mo dali!" tuwang tuwang tawag sa 'kin ni Ashely na kulang nalang ay maglulundag na siya sa sobrang tuwa niya. Nasa tapat na siya ng bulletin board sa hallway samantalang ako naman ay nagmamadaling puntahan siya. Ambilis kasi niyang maglakad eh. Palibhasa kasi lakad lalaki siya.

"Ano ba kasi yan?" inis na tanong ko sa kanya kahit malayo-layo pa ako.

Minamadali mo pa kong babae ka.

"Tingnan mo 'to. Waah! Congrats, Jenna!"

Dahil sa sinabi niya, na-curious ako bigla kaya tumakbo na ako. Ano bang—? Bakit congrats?

Pagkarating ko sa tapat ng bulletin board, parang gusto kong mahimatay at ma-confine sa clinic ng mga ilang araw dahil sa nabasa ko. Kahit pa siguro ilang buwan, okay lang.

Oh my God!

Bakit ba nangyari 'to?

Sa dinami-daming tao bakit ako pa?

BAKIT?

Kinuha ni Ashely ang dalawang kamay ko kaya napaharap ako sa kanya. Nagtatalon talon siya at sobrang saya niya.

"WAA! I'm so proud of you, bestfriend!"

Pwede bang pakisabunutan ako para malaman ko kung totoo ba ito o hindi? Kinurot ko si Ashely sa kamay at pag minalas malas ka nga naman, sumigaw siya! Ibig sabihin hindi ako nananaginip! Myghad!

Wala na akong takas sa kalupitan ng reyalidad!

"GET READY FOR CAS DAYS"

8:00-9:00am, English Class of Ms. Domingo

Representive for the upcoming event : THMD Department- Jennica Ramirez, Block 2


This isn't happening.

Namamalik mata lang ako.

Siguro nga namamalikmata lang talaga ako. Uwaaaa!

"NOOOOOOO!" OA na sigaw ko na para bang binagsakan ako ng langit at lupa dahil sa sobrang pagkadismaya. Napapatingin na ang mga estudyanteng nadaan sa amin kaya tinakpan ni Ashely ang bibig ko.

"Tumigil ka nga sa kakasigaw. Hindi ka ba nahihiya, ha?"

Inalis ko ang kamay niya mula sa pagkakatakip niya, "Ashely naman. Hindi ko na yata kakayanin to! Ayokoooo."

Sa totoo lang, gusto ko na talagang maiyak. Sa simula palang ayoko na talagang mag-audition kung hindi lang dahil sa grades. Halos mag-back out na nga ako nung audition day dahil first time kong tumuntong ng stage nun tapos ngayon, ako pa pala ang magko-compete sa ibang klase at haharap sa maraming tao? CAS Days yun eh! Syempre ang raming taong manonood.

"Ayaw mo nun, maririnig nila ang maganda mong boses." Mukha mo, Ashely

"Ayoko talaga! Nakakahiya yun eh,"

"Ano bang kinakahiya mo, ha? Ang galing galing mo nga eh."

Wag kang mag-alala, magaling ka ding mambola bestfriend.

"Kasi naman, never pa akong nagperform sa harap ng maraming tao. Alam mo naman yun, diba?"

"Jenna," sabi niya na parang nanay at pinatong ang dalawang kamay sa balikat ko, "oras na para ipakita mo ang kakayahan mo. Kaya mo yan! Ikaw pa! Nandito lang ako palagi sa likod mo. Susuportahan kita!"

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Where stories live. Discover now