Chapter 27: Unwanted Visit

2.8K 71 35
                                    

*ding dong*

Nagmamadali akong puntahan ang pinto para pagbuksan ang kung sino man ang nag door bell. Medyo nagtaka pa ako dahil kakaalis lang nina Ate Eca, Charmaine at Ashely para mag-grocery. Kukulangin kasi ang mga pagkain namin dito sa bahay. Tsaka wala akong ine-expect na bisita ngayon.

"Sandali lang!" sigaw ko sa may pinto. Naiinis na ako dahil hindi makapaghintay yung taong yun. May balak pa ata siyang sirain ang door bell namin kakapindot niya eh! Naririndi na din ako.

I almost died of shock when I opened the door and saw Knight standing on the other side.

"W-what are you doing here gulat na gulat kong tanong sa kanya.

Pinagmasdan ako ni Knight mula ulo hanggang paa. Medyo naasiwa ako dahil naka- loose shirt tapos naka- shorts lang ako.

"Ano na naman ba ang kailangan mo?" iritang tanong ko sa kanya.

"Diba aalis tayo?" Knight asked and flashed one of his charismatic grins. Biglang naalala ko naman ang pinag-usapan namin kagabi. So hindi talaga siya nagbibiro nung sinabi niyang yayayain niya akong lumabas?

"H-ha?"

"We agreed that we are going out. Actually, I was expecting na ready ka na."

"Pero hindi ako pumayag! T-teka, paano mo nahanap ang bahay ko?"

"You didn't cover your tracks very well, My Dear." Nanunukso niyang sabi. Nakakaasar talaga! Ayan na naman siya sa 'dear dear' niya na yan! "Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"

"Hindi kita in-invite dito! Bakit naman kita papapasukin?"

Sasaraduhan ko na sana siya ng pinto pero mabilis niya yung naharangan ng kamay niya. Naku! Malakas pa man din ang taong ito.

"Eager to kick me out, after all effort I made to get here?" nakangiti niyang sabi na nagpaasar sa akin ng husto. Wag siyang ngingiti ng ganyan! Hablutin ko lips niya eh.

"Ano ba! Alisin mo na yang kamay mo," sigaw ko. Tinutulak ko yung pinto. Pag hindi niya talaga aalisin ang kamay niya jan, magdusa siya dahil isasarado ko talaga 'to!

"You are going with me!"

"NO! Busy ako. Umalis ka na!"

This time ay inipit na ni Knight ang katawan niya sa may pinto at nagpupumilit pumasok. Todo alis naman ako sa kanya para masarado ko na! Jusko, desperado na talaga siya! Saang kural ba siya galing, bakit ang kulit niya?

"Mommy, who is he?"

Napahinto ako nang may marinig akong magsalita sa aking likuran. Bigla akong pinanlamigan ng katawan. Hindi ko na natuloy pang isarado ang pinto at halos mapaupo na ako dahil lumalambot ang mga tuhod ko.

Tiningnan ko si Knight at halata sa mukha niya ang sobrang pagkagulat at nakakunot ang noo niya. Natigilan din siya sa narinig niya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa batang babae sa likuran ko at sa akin.

He raised his fiery eyes, level with me. "You.. your daughter?" mahinang tanong niya sa akin. Hindi ko makuha kung ano ang ekspresyon niya.

Imbis na sagutin si Knight ay lumingon ako sa likod ko, "Halley Veronica, go to your room!"

"No, Mommy. Who is he?"

"I said, go to your room. Now!"

"No!" matigas na sabi niya.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora