Chapter 32: You make me happy

2.3K 58 25
                                    

Shout out pala sa mga Troy-Jenna shippers! (Kung meron man XD) Countdown na tayo in 3,2,1 :P

_______________________________________________________

Where did you go? Are you in a place where I can't see you? Are you doing fine at a place without me by your side?

I miss you already. When are you going back to me? I'm afraid... I'm afraid while you're away; I might give my attention and heart to someone who is always there for me.

"Parang baliw lang, ah. Bakit ka ba nangingiti jan?" pang-iintriga sa akin ni Ashely habang papasok sa kwarto ko.

Gabi na nang hinatid ako pauwi ni Knight mula sa lakad naming dalawa kanina. Nakaalis na siya at lahat pero hindi pa rin naaalis ang napakalaking ngiti sa mga labi ko.

"Hulaan ko kung sino ang dahilan. Dahil kay Knight yan." sabat naman ni Charmaine na pumasok din sa kwarto ko at umupo sa kama.

Inirapan ko si Charmaine habang nagsusuklay sa harap ng salamin. Bakit ba nandito sila? Mga dakilang chismosa!

"Eh, bakit hindi ba?" Mataray na sabi niya. Nakatingin siya sa mukha ko sa salamin pagkatapos ay bumaling kay Ashely. "Maniwala ka sakin Ashely dahil ako ang nakakita sa paghatid ni Knight sa kanya dito sa bahay. Antagal pa nga nilang pakawalan ang isa't isa eh. May nalalaman pang, 'Ingat ka ah' 'Ikaw din'. Paulit ulit nalang!"

Dahil kasi sa nangyari last week ay unti-unti nang napalapit ang loob ko kay Knight. Kahit nga parang nasaktan ko siya nun ay nandito pa rin siya lagi para sa akin. Walang araw na hindi kami magkasamang umuwi dahil wala daw siyang tiwala kay Ashely. Naabutan kasi niya ako na iniwan ni Ashely para puntahan si TM eh.

Tuwing may practice naman sila sa basketball ay naghihintay ako sa kanya sa may grandstand dahil hindi niya ako pinapayagang pauwiin mag-isa. Ganun din naman siya kapag may meeting ako para sa performance namin next Thursday sa CAS Days. 3 days ang CAS Days at sa first day ako magpe-perform.

"Makapagsalita! Edi gayahin mo din. Tila naiinggit ka eh." Pang-asar ko kay Charmaine. Ang eksaherada niya lang talaga mag-explain. Hindi kaya kami ganun ni Knight.

"So totoo nga?" napatingin ako kay Ashely na ngayon ay nakatayo na pala sa gilid ko. "How many times do I have to tell you not to get near him? Hindi mo kilala ang taong yun Jenna kaya layuan mo siya!"

"Dinamayan na nga ako ng tao masama pa rin ang tingin mo sa kanya." Mahinahong pagtatanggol ko kay Knight.

"Kahit na! Hindi natin alam kung may ibang motibo ba siya!" Ashely

"Okay naman siya eh." Sabi ko pa. Oo, palagi nga kaming nag-aaway ni Knight pero okay naman talaga siya. Nilibre kaya niya ako ng ice cream nun.

"Teka nga, ano ba ang problema mo kay Knight ha, Ashely? Pabayaan mo nga sila. Malay mo, magkadevelopan silang dalawa." Napalingon ako sa direksyon ni Charmaine na nasa kama ko nang marinig ko yun.

Nakangiting tumingala pa siya at pinagdaop ang mga palad na para bang may nai-imagine siya. Pinipigilan ko naman ang sarili kong hindi siya masakal. Ni kiligin nga, hindi ko naranasan pag kasama ko ang Knight na yun, madevelop pa kaya? Bakit ba tinutulak niya ako palagi sa lalaking yun? Ayaw na ba niya sa 'kin? Nakakaiyak naman.

"HINDI PEPWEDE!" matigas na tutol ni Ashely sa tabi ko.

Ano ba talaga ang pinagpuputok ng butse ng babaeng 'to? Bakit ganyan na lamang siya kay Knight? Parang ayaw niyang mapalapit kami sa isa't isa, ah? Simula una palang, lagi na niya pinapaalala sa aking layuan ko si Knight. Ewan ko ba kung anong problema niya dun.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Where stories live. Discover now