Chapter 1: Knight Buenavidez

4.8K 129 29
                                    

-KEVIN KNIGHT BUENAVIDEZ POV-

"1:45pm. Kaya pa." Walang ganang sabi ko sa sarili ko habang bumabangon papuntang banyo.

Nakalimutan ko may exam nga pala kami sa PHILO 1-Logic ngayon.

Ang sakit ng ulo ko. Kung bakit ba kasi ako nakipagparty kagabi eh.

2:30pm ang schedule namin sa exam ngayong Saturday. Minove nalang ng Prof namin ang sched nung exam.

Dapat sa Thursday eh, kaso may practice kami nung araw na yun sa basketball. Member kasi ako ng Varsity Team. Kailangan pag-igihan dahil pagdating ng Friday, laban na namin against sa ibang school.

2:05 na, nakapagbihis na ako at dali-daling bumaba ng condo ko. Makaka-abot pa ako.

Pinaandar ko na ang motor ko at nagpatakbo ng mabilis... Nang biglang may nahagip ako...

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!"

Nag-stop ako. Nabigla kasi ako sa sigaw ng babae.

Bababa na sana ako ng motorsiklo para tingnan kung nahagip din ba siya, may masakit ba sa kanya o ano kaso..

"HOYYYYY, MAMA.... AAAAAAAAAHHHHHHH!! Hoy, ikaw! Bagong bili ko yung laman ng paper bag na yun, mahal pa yun, nag-iisa nalang yun at halos makipagpatayan pa ako mapasakin lang yun tapos eto ang gagawin mo ha?!"

Sinigawan niya ako.

Aba, May balak pa yata siyang basagin eardrums ko? Kala ko pa naman nasaktan na siya.

Hindi ko na naintindihan ang iba pang pinagsasabi ng babaeng ito. Ang bilis naman kasi kung makapagsalita. Tsaka ang inaalala ko eh yung exam ko, male-late pa yata ako nito.

Humingi na ako ng pasensya sa kanya.

Babayaran ko nalang siya kasi male-late na talaga ako eh. Di bale ng Minor Subject lang yung exam namin. Aba, ayokong bumagsak noh, mapahiya pa ako. Varsity player ako, matataas ang grades tapos babagsak lang sa isang Minor Subject?

HELL NO!

Dadak pa ng dadak 'tong babae at nabigla ako nang sumakay siya sa likod ng motorsiklo ko.

Naaasar na ako sa kanya, ha. Tinanong ko siya kung ano bang laman ng paperbag na nasagi ko kanina tapos sabi nya damit daw! Yun lang?

Tinanong ko pa siya ulit baka mamaya hindi lang damit ang nasa loob nun. Kaso yun lang talaga eh! Yun LANG ang pinagpuputok ng butse nya!

Langya naman oh. Isang walang kwentang bagay pa yata ang magpapabagsak sakin eh!

"Isang '3/4 Length sleeves black Polka dot Polyester Dress' WITH BELT Item Number: XX10112510 nabili ko sa SM!"

Tiningnan ko ang relo ko. 2:40pm na. Wala na, hindi na ako aabot. Malayu-layo pa kasi dito yung school eh kaya kahit bilisan ko pa, wala na talaga.

"Kumapit ka,"

Ibinigay ko sa kanya ang extra helmet ko na nakalagay sa may unahan ng motor at nagpatakbo na papunta sa isinumpang mall na yun.

Sigaw pa rin siya ng sigaw. At parang ang layo niya sa inuupuan ko. Hindi ba siya marunong sumakay sa motor? Kung mahulog kaya siya jan?

Huminto muna ako sa may gilid para pagsabihan siya. Napasubsob siya sa likuran ko.

Ayan kasi. Pag sasakay ng motor, kumapit ng maigi.

Hinubad ko ang helmet ko at humarap sa kanya para marinig niya ng maayos ang sasabihin ko.

"Babae, kumapit ka kasi ng mabuti kung ayaw mong tumilapon at para makarating tayo sa mall ng mabilis. You see, nagmamadali ako, kaso heto ka at..."

Nairita ko yata siya ng sobra at sinermonan pa ko. Di ko na tuloy natapos ang mga sasabihin ko. Kaya sinuot ko nalang ang helmet ko at sumakay ulit sa motor.

"Kumapit ka sa baywang ko."

"Ayoko,"

Ma pride na babae! Sige wag kang kumapit! Itapon kita sa imburnal para magsama kayo ng damit mo eh!

Nag red yung signal lights kaya napahinto ako dahilan para mapasubsob ulit siya.

Hinahampas hampas niya ako sa balikat. Masakit ah! Asar!

Nung nag go signal na, binigla ko talaga ang pagpatakbo kaya napayakap siya sakin.

Nanigas naman ako dun.

Akmang tatanggalin na sana niya ang kamay niya sa pagkakayakap sakin pero pinigilan ko siya.

Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay para hindi siya mahulog gamit ang kaliwa kong kamay. Kung makaupo grabeng distansiya naman kasi at hanggang dulo lang ng jacket ko siya kumakapit. Gusto nya nga atang sumama sa damit nya eh.

Nagpatuloy na ako sa pagmamaneho ignoring the feeling I get when I held her hands.

**

Nakarating na kami sa SM at nagmadali ng pumunta sa boutique. Lakad takbo 'tong babae eh. Ako naman sunod lang ng sunod sa kanya, pagkamalan pa akong boyfriend nito.

Hinalughog niya ang store at kinausap na namin ang Manager tungkol dun sa damit na sinasabi niya.

Nalungkot naman siya nang tawagan ng Manager ang iba pang branches nila at sinabing wala na raw talaga kaya lumabas nalang siya ng boutique na lukot ang mukha.

Kinausap ko pa ang Manager na kung pwede pumili siya ng magaganda at mamahaling damit na babagay sa kasama ko at babayaran ko nalang.

Lumabas ako saglit para lang masigawan at mahampas ulit ng walang utang na loob na babaeng yun. Nakailan na siya ah.

Maya maya nakita ko na nagsenyas sakin ang Manager ng boutique kaya bumalik ulit ako sa loob. Binayaran ko na yung mga damit para sa walang kwentang babae at ibinigay sa kanya.

Nung una nagpakipot pang ayaw kunin, kinuha din naman.

Pauwi na siya kaya tinanong ko siya kung may pamasahe ba siya.

Nag-alburuto pa at sinabing hindi daw siya pulubi! Aba, kala ko pulubi siya eh, kung makapagsabi na palitan ko yung damit niya, parang walang wala na talaga siya.

Nag-offer akong ihatid siya, ayaw nya naman. Ngayon na nga lang ako nagpaka gentleman tinanggihan mo naman, ediiiiiiiiiiiii wag!

She's impulsive, loud, immature... Ano nga pangalan niya?! Bat di ko natanong?

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant