Chapter 19: The hanky (Extra Chapter)

3.4K 64 14
                                    

-ASHELY MAE ROMERO POV-

"Sana naman okay lang ang performance ko kanina. Kainis! Wala talaga ako sa concentration nun eh."

Naglalakad kami ni Jenna pauwi ngayon. Sa wakas naman at wala na kaming ibang iisipin dahil tapos na ang audition para sa event sa darating na CAS Days.

Malapit na kami sa building pero heto pa din siya, paulit-ulit niyang sinasabi sa 'kin kung gaano siya kinabahan kanina. Mga terror teachers kasi ang mga judges eh. Pero buti nalang daw walang audience kaya nabawasan ng konti ang kabang naramdaman niya.

"Wow ha! Wala ka pa sa concentration sa lagay na yun? Eh kung sapakin kaya kita? Nang-iinsulto ka ata eh."

Nakita ko kasi ang performance niya kanina dahil nasa back stage ako nung mga panahon na yun.

Moral support ba.

"Okay lang ba talaga?"

"Isa pang tanong Jenna, tatamaan ka na sakin." sabi ko sa galit na tono. Nakakainis na din 'yang pagiging sirang-plaka niya.

Galing niyang kumanta kanina eh. Feeling ko nga siya ang mapipili. Pa-humble pa 'tong kaibigan ko. Tsk.

So ayun, dun na nagtatapos ang pangungulit niya.

Tarayan ko kaya 'to minu-minuto para tumahimik din minsan? Hirap mag-isip pag kasama ko siya eh.

Hay, naiistress na talaga pati ang bangs ko sa pinasok ko.

Nag-iisip kasi ako kung ano ang sasabihin ko kay TM. Nag-text kasi siya sa 'kin kanina na magkikita daw kami bukas.

Hindi ko pa siya kayang kausapin kasi hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Pero wala akong magagawa, kailangan eh.

Kung kelan nagmamadali ako, saka naman maraming dumadating na problema. Hindi ko tuloy alam kung ano na ang gagawin ko.

**

Tapos na kaming magdinner at ako ang nakatokang maglinis ng pinagkainan namin.

Sila Jenna at Charmaine naman ay nasa sala.

Nagmamanicure si Jenna tapos nagti-text naman sa tabi niya si Charmaine. Parang baliw na nga si Charmaine eh. Napapalingon pa ako sa mga tawa niya at panay 'EEE' siya.

Kairita sa tenga.

"Knock knock," biglang nagsalita si Charmaine kaya napatingin ulit ako sa kanya. Rinig kasi hanggang dito ang boses nila.

Ano kayang problema niya? Baliw na ba talaga siya? Ngumingiti pa rin siya habang nakatitig lang sa cellphone niya.

"Who's there?" tanong naman ni Jenna.

Ay, patulan ba naman ang 'knock knock' ni Charmaine? Nabaliw na din? Nahawa lang?

"Kinikilig ako," Charmaine

"Kinilig ako, who?" Jenna

"Banal na aso, santong kabayo, kinikilig ako hihihihi!" hagikhik ni Charmaine.

Mukha namang nagulat si Jenna dun, "Jusme. Ba't ka kinikilig sa tikbalang? Ni-rape ka?"

Kamuntik ng madulas sa kamay ko ang dala dala kong mga plato sa tanong niya. Nakakalungkot isiping shunga pala talaga ang kaibigan ko.

"Jenna naman eh! Panira ka naman eh!" pagmamaktol ni Charmaine.

Hala, anlaki-laki na umaastang 5 years old. Isa pa 'to eh! Sarap pektusan ng dalawang 'to.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Where stories live. Discover now