Chapter 40: Transparent

97 5 2
                                    




"Brewed coffee," order ko sa serbidor.

Dito sa isang coffee shop kami humantong malapit sa aming pinapasukan nagla-lunch break.

Kailangan mainitan ang aking sikmura na pawang babaliktad sa tindi ng tensyong nararamdaman ko.

Mahilig ako sa kape at sa mga ganitong pagkakataon ay kailangan ko 'yon.

"Bawal sa 'yo ang kape." anito ni Troy bago bumaling sa waiter. "Give her tea. 'Yung chamomile flavor."

Napaawang ako pero hindi ko na nagawang magsalita.

"You're pregnant remember? Coffee is bad for you." Dagdag pa nito, his eyes were looking at me intently.

"Herbal teas such as chamomiles don't usually contain caffeine. Tea will make you relax." Bumaling ito ulit sa waiter. "Espresso for me. Bigyan mo na rin kami ng isang chocolate cake, isang croissant and one bottled water, please. Thank you."

Pansamantalang nawala sa akin ang kaba na kanina ko pa nararamdaman and my jaw dropped. Gosh! Ano bang pinagsasabi niya? I slapped Troy's right arm pagkaalis ng waiter.

"Ano ba'ng ginagawa mo? Sino'ng buntis?" namimilog ang mga matang tanong ko dito.

"Nagpapraktis lang akong maging asawa mo." tatawa tawa nitong sagot dahilan para mamula ang aking pisngi. "No'ng nakita ko kasi ang nakatatanda mong kapatid na si Ate Rica na nagdadalang tao ay na-i imagine ko, paano kaya kung magkapamilya na tayo? Gusto kong alagaan ka at pati na din ang pinagbubuntis mo."

Ang bata bata pa namin para sa ganoong bagay pero napangiti ako sa tugon niya.

Tiningnan ko lang siya habang nakayuko na mahinahong tumatawa.

I looked at him with love in my eyes. Ako rin. I can't wait to wake up in the morning right next to the man I love as well. I can't think of a more perfect life.


Naalala ko naman ang pahayag ni papa kanina sa telepono. 'Si Ate Rica kaya, magkakaroon ba siya ng perfect life?' Tanong ko sa sarili ko. Iniwan siya ng kinakasama niya habang nagdadalang tao. Kaya ayaw na ayaw ni papa ang nakikipag relasyon kami habang hindi pa kami nakatapos ng pag-aaral.

Kinakabahan ako kasi kabuwanan na ni ate at sabi pa ni papa ay maselan ang pagbubuntis niya. Ayokong may mangyaring masama sa kanila ng baby niya.

Nang inihatid na ng waiter ang aming in-order ay ininum ko na 'yong tea para kahit papaano ay mawala sa isip ko ang bagay na kinakatakutan ko pero muntikan na akong masuka sa sagwa ng lasa.

Tawang-tawa naman si Troy na nakaupo sa aking harapan kaya tinampal ko ulit ang braso niya.

"Ano? Kaya mo ba?" pang-iinis pa nito.

"Exchange nga tayo. May pa-tea tea kapa jan, akin na 'yan!" parang bata kong reklamo at kinuha ang espresso niya. Binigay ko naman sa kanya ang tea.

Humigop ako sa kape para mawala ang lasa ng chamomile.

"Pero Troy, sana ay okay lang si ate, 'no? Kanina pa kasi ako kinakabahan. Puntahan natin siya pagkatapos ng klase, ha?" I pleaded with hopes in my eyes.

"Huwag ka ng masyadong mag-isip, Nica. Kaya ka nase-stress eh," sabi nito saka inipit ang ilang buhok na kumawala sa aking pony tail sa likod ng aking tainga. "Magiging okay din sila ng baby niya." Pangako nito. "Kaya tapusin mo na 'yang pagkain mo, puputahan natin sila mamaya."

Nagbuntong hininga ako at hindi na nagsalita pa. Masakit isipin noong sinabi ni ate sa 'kin na kami na raw ni Troy ang magsilbing mga magulang ng bata kung saka-sakaling hindi niya kakayanin. Binigyan pa niya kami ni Troy ng pagkakataong pangalanan ang anak niya.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon