Chapter 39: Part Ways

89 6 4
                                    

"Huwag mo 'kong sundan. Dito ka lang." umiiyak na banta ko kay Knight

Tumayo na ako ng luhaan at tumakbo sa ilalim ng ulan.


"Jenna, sinabi ni Ashely sa 'kin ang lahat."

Naalala kong hayag ni Charmaine noong dinamayan niya ako. Narinig niya ang bawat iyak ko sa loob ng kwarto pagkatapos ibigay ni Ashely sa 'kin ang kahon kaya hindi na siya nakatiis pa. Umiiyak lang ako na binabasa ang lahat ng sulat sa loob nito.

"No'ng araw ng graduation niyo, hindi naka attend si Troy dahil pinilit siya ng papa niya na lumipad ng Maynila. Pero no'ng nasa airport na siya ay iniwan niya ang magulang niya para puntahan ka. Para mapaliwanag niya lahat sa'yo."

Ang lakas ng buhos ng ulan. Habang tumatakbo ay naisip ko at buong napagdesisyunan ko ng pakinggan siya. Bahala na lang kung ano ang maaari kong pagsisihan.

April 4, 2014
4PM

"Sana picture padin natin ang wallpaper mo sa cellpone mo. Kahit na kumpiskahin 'yan ng tatay mo dahil ayaw niyang may komunikasyon tayo. Sa'kin kasi ikaw padin eh. 'Yong tuwing bubuksan ko ang cellphone ko, picture mo kaagad ang bubungad sa mga mata ko. Kahit tuloy ang layo mo sa'kin, feeling ko ang lapit lapit mo padin."


Ngayon alam ko na. Kaya hindi nakarating sa akin ang mga sulat niya. Hindi kasi binibigay nina papa. Ang tagal tagal na. Ang lahat ng sulat ay dinala ni ate Eca saka binigay kay Ashely noong bumisita sila dito ni Nica.

"Sana sinusuot mo padin ang bracelet na binigay ko sa'yo. Lalong matutuwa talaga ako kapag sinuot mo na sa daliri mo ang singsing na nakakabit dito. Ako kasi, mapa araw man o gabi, kahit maliligo o matutulog na, hindi ko 'to hinuhubad eh. Ma misplace ko nga lang 'to nabibwisit na 'ko sa sarili ko."

Humihingal at basang basa kong naabutan ang isang lalaki na nasa harapan ng puno kung saan nakaukit ang pangalan ko. Dito ako dinala ng mga paa ko. Dito ako dinala ng puso ko.

"Troy!" Buong lakas kong sigaw kahit nakaharap ito sa 'kin na para bang kanina pa niya ako hinihintay. Na para bang inaasahan na niya ang aking pagdating.

Basang basa din siya ng ulan. Halatang kanina pa siya sa lugar na ito.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin ang lahat?" Sigaw ko pa habang pinagmamasdan siyang naglalakad papunta sa'kin. Kasabay ng paglapit niya ay ang pagbalik ng aking memorya doon sa huling sulat niya na aking binasa.

October 14, 2016
3:32PM

"Sana binabasa mo padin ang mga sulat na pinapadala ko sa'yo. 'Yong mga sulat na pinagsikapan kong gawin kahit wala akong talent sa art. 'Yong kahit wala masyadong designs, bawing bawi naman sa bawat salitang nakasulat doon. Sana huwag mo lang itago lahat ng 'yon dahil lahat ng nakasulat doon ay galing sa puso ko."


Nagfa-flashback sa utak ko bawat alaala na meron ako habang binabasa iyon. Pati nadin sa mga pictures na nasa kahon. Habang tinitignan ko 'yon, napapangiti ako. Kahit na umiiyak ay masaya ko pading tinitignan ang mga 'yon, na tuwing nakikita ko ang mga 'yon, gusto ko na makita ko 'yon ulit.

"Nasa labas kana ng gate kung saan kasalukuyang ginaganap ang graduation noong tumakas ka sa tatay mo, bakit hindi ka nagpakita? Bakit hindi ka man lang nagpaliwanag?" Tanong ko habang inaalala ang nakaraan. Kahit alam ko na naman ang kasagutan.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Where stories live. Discover now